"UTANG ka ba?" Nakangiting tanong ni Klyv sa kaniya habang diretsong nakatitig sa kaniyang mga mata. Dinala siya nito noon sa golf club na pag-aari din ng binata. At hindi niya alam kung bakit kailangan nitong gawing gabi ang pamamasyal nila. Nakatayo sila sa may katarikang bahagi ng lugar-kung saan kita ang kalawakan ng buong club house. "Bakit?" "Kasi habang tumatagal ay lumalaki ang interes ko sa'yo." Sa pagkakataong iyon ay wala siyang nakitang biro sa mukha ni Klyv. Sa halip ay punong-puno iyon ng sinseridad. Napasinghap ang dalaga nang bigla siyang hapitin ni Klyv sa beywang. Nagdikit ang kanilang mga balat at naging dahilan upang maramdaman nila ang init ng katawan ng bawat isa. "Hindi mo na ako pinatulog no'ng gabing nagkakilala tayo. Pero mas lalo mo akong binaliw nang maha