Chapter 58:Owned

1909 Words

Sinubukan ko siyang itulak palayo, pero hinapit niya ako papalapit sa kaniya habang hindi pinapakawalan ang mga labi ko. Nakahawak sa batok ko ang isang kamay niya habang ang isa namang braso niya ay nakapulupot sa beywang ko. Habol ang hininga ko nang pakawalan niya ang mga labi ko. "Why did you kiss me?" hinihingal na tanong ko sa kaniya habang nakatuon ang kamay ko sa dibdib niya. "Can't I kiss my wife?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Napalunok ako sa paraan nang mga titig niya. Nasa labas pa rin kami ng maindoor pero may ilaw sa itaas kaya malinaw kong nakikita ang mukha niya. "Winston, stop thinking whatever you are thinking right now," saway ko sa kaniya nang makita ko ang pilyong ngiti sa mga labi niya. Hindi ko alam pero may naramdaman akong excitement pero pinipigilan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD