GEORGE Nagising ako nang may marinig akong nag-doorbell. Nakatulog na kasi ako kasi hindi ko naman na hindintay si Winston. Hindi ko na talaga siya hinihintay palagi, isa pa nag-text na siya ngayon na makikipag-inuman siya sa barkada niya kaya alam kong late na siyang uuwi. Kung ganoon sana dati pa, wala kaming problemang dalawa. Kaso matalino lang siya sa negosyo pero bagsak siya kapag emotional na ang usapan. Manhid masyado. Nakakaasar lang. Dati madalang akong maasar pero mula nang pakasalan ko siya lahat na yat ng emosyon naramdaman ko na. Hindi ko pa rin siya pinapansin kaya hindi pa rin kami bati. Nakikita ko naman na nag-eeffort siya para mapatawad ko pero gusto ko lang talaga siyang turuan ng leksyon. Akala yata niya papayag ako na basta-basta na lang niya itrato. He is my boss
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books