Chapter 37: Pakasalan?

1834 Words

Nagising ako nang sinubukan kong gumalaw, pero parang may mabigat na nakadagan sa akin. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at napatingin ako sa tabi ko. Parang gusto ko na lang pumikit ulit at hindi na magising nang makita ko kung sino ang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nag-init ang mga pisngi ko nang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kagabi. Napapikit ako ng mariin at parang gusto ko na lang lumubog sa kinahihigaan ko. Nagawa ko talaga iyon? Ako ba talaga iyon? Nanghingi ako ng sperm sa boss ko? Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa katangahang pinaggagawa ko. Paano pa ako haharap sa kaniya ngayon matapos ang pinaggagawa ko? Alak. Alak ang may kasalanan ng lahat ng ito. Muli akong napatingin sa lalaking nasa tabi ko. Mahimbing na natutulog pa ito. Ganito ba talaga siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD