Prologue

1331 Words
"Hold on, bud. I got you.." Sambit ko habang akay-akay si Flex na noo'y sugatan. I am even holding his wrecked stomach while we're escaping the area. Mabuti't naitulak ko agad ito sa kinatatayuan niya kanina nang mapansin ng radar ko ang landmine na kinatatayuan nito. I heared the wooing sounds of guns bullets and the bomb blasting around of us. Nasa Zamboanga kami ngayon at dito nadestino para sa aming misyon. Ang lipunin at maitumba ang may hawak sa mga bihag na Amerikanong nasa kamay ng lider ng grupong Abu Al Ali, isang talamak na mga pugante galing sa Somalia at dito nagtatago sa parte ng Mindanao. "Duct check! Major assist sniper Flex! Medic asap!" Sambit ko pa habang pinipindot ang radio sa aking braso. "Oscar kilo, roger!" Narinig ko pang response sa kabilang linya. Naihiga ko si Flex sa isang puno na tumatabon sa amin. Kapwa kaming sniper-man ni Flex at gaya ng tropa namin ay halos magkapatid na kaming lahat sa kampo. Pero si Flex ang naging isa sa mga matalik at malapit sa puso ko. He knows everything in me, my worst and my dirty secrets at siya rin naman sa akin. We're budbrothers. Kaya nga halos hindi ko mairehistro sa utak ko ngayon ang gagawin, I am in the midst of agony while staring his almost-death situation. Kinalas ko pa ang bandanang ginamit ko sa paghipos ng mahaba kong buhok at inilagay iyon bilang pantali sa tiyan ni Flex. Nanginginig man ang kamay ko'y pikit mata kong ipinaloob pabalik ang lumuwa niyang sikmura at noo'y isinara iyon sa pamamagitan ng bandanang nagsilbing benda sa kabuuan ng kanyang tiyan. "Bro," sambit pa ni Flex. "Shut your mouth, Flex! They're coming. I got you!" Tulirong sambit ko pa habang tanaw ko naman ang mumunting pagtawa nito sa akin. "I'm leaving.." He said as he gesture his hand pointing up there. "Holy...no! Kumapit ka Flex! H'wag kang bumitaw!" Nagsisigaw ako sa mababa't mariing boses. "No, I'm done...Cloud. Just do what I asked you last time. Save her..." Mahinang sabi ni Flex bago unti-unting ipinipikit na nito ang mga mata niya. "Holy! Flex! Flex!" My last words to my dearest bud, Feliciano Guevarra. Ang tandem ko bilang isang high area sniper at low ground sniper niya. Matapos ang sagupaang iyon ay matagumpay naming nabawi ang walong bihag at natalo ang kampo ni Abu Al Ali at ngayon nga'y hawak na sila ng mga awtoridad. Nandito ako ngayon sa kampo namin sa Cebu habang nagpapahinga mula sa aming ensayo. Wala kaming asignatura ngayon kaya't heto ako't nakasalampak sa lilim ng punong mangga habang hawak ang metal necklace tag ni Flex. Matapos ng eksang iyon ay halos gabi-gabi akong hindi makatulog. Iniisip ko ang mga huling kataga na isinambit niya sa akin. Save her, ang tanging nagpapabalik-balik sa memorya ko. Ang huling pabor ni Flex sa akin. Ang pabor na ipagpatuloy ang pakikipagpenpal sa kanyang nobya na ni hindi ko nga alam ang totoong pangalan. Kinuha ko pa ang isang maliit na kahon na pag mamay-ari ni Flex at doon tumambad ang mga papel na mga sulat ng dalawa. Binasa ko pa ang isa sa mga ito at tiyak kong iyon ang huling sulat nila sa isa't isa base sa petsang nakasulat doon. Hulyo ika labing walo. Dear Sniperman, Kamusta ka riyan sa kampo? Sana'y okey ka lang at sana'y makapunta ka dito sa amin. Gusto na kitang makita, pati sina Sister Joanna ay nasasabik nang makita kong sino raw ang Mr. Sniper ko. Sana kahit nasa giyera ka, h'wag mong kalimutang may nag hihintay sa'yo. Mag iingat ka. Mahal na mahal kita. Nasasabik, Ms. W. Napabuntung-hininga pa ako habang hawak hawak ang papel na iyon. Paano ko hahanapin ang babaeng ito, gayung maglilimang buwan nang hindi na nakakaresponde si Flex sa nagngangalang si Ms. W. Simula kasi ng mapasabak kami sa Zamboanga ay doon na rin nanirahan ang pamilya ni Flex. Oo, pamilyadong tao ang kaibigan ko, at sa madaling salita. Ginagamit niya lamang pampalipas oras si Ms. W dito sa kampo bilang ka-sulatan o tinatawag nating penpal. Binasa ko pa ang iilang papel at kumuha ng impormasyon patungkol kay Ms. W. Pero, ang tanging nabasa ko lang ay ang lugar nitong Basilica Sanctuary. Ang lugar kung nasaan daw ito at nanunuluyan bilang isa sa mga dalagang doon na lumaki at nagkamulat. Sa madaling salita, isa si Ms. W. sa mga batang ibinasura ng kanyang Ina sa kung saan at doo'y naisalba ng mga madreng kumalinga sa kanya. Kalunos-lunos isipin ang buhay na meron si Ms. W. kaya siguro ganoon nalang ang pag aalala ni Flex para dito, na kahit pamilyado na ito'y nakipagkoneksyon pa rin kay Ms. W. Sa pagkakaalam ko'y halos isang taon din silang nagsusulatan at gaya ng sabi ng aming mga ibang kasamahan. Si Flex daw ang may pinaka korning pamamaraan ng pakikipagligawan sa amin. Siya lamang kasi ang may kapenpal, habang halos lahat yata ng mga tropa namin ay ka-videocall o ka-chat na ang biradahan sa mga flings o napupusuan nilang mga dilag. Habang ako nama'y wala sa dalawang panig. Dahil, sa totoo lang...wala pa akong naging nobya. Ika nga ni mamay Summer, nasa akin na raw ang pinakamagandang pigura't pagmumukha ng isang binatang nasa hustong edad, pero ako lang daw itong torpe at mapili. Choosy na gorilla, pagdadagdag pa ng kakambal kong si ate Sunshine. But, deep inside. Alam kong hindi pa napapanahon, wala pang babaeng nakatakda sa akin..sa ngayon. Alam kong hinahanda pa ng dyos ang kung sinong dilag ang may kayang hawiin ang ulap na meron ako. Dahil, sa pagkakaalam ko noon pa man, iisa lang ang gusto ko sa babae. Matapang at may pinanghahawakan. That's why I admire my twin sister, I like to have a girl like her. Matapang at may sariling desisyon. "Anak," putol ng pamilyar na boses ni daduds. Si daduds Bimbo ko. Ang aming Major General sa aming batallion. "Dad," sambit po pa bago tumayo at nagsalute. "Carry on." Sambit pa ni daduds bago ako nag at ease ng pagkilos. "Anak, your daddy Storm called me earlier. Kailangan ka nila sa isang pabor. Isang misyon." Pinal na boses ni daduds na gaya ng nakagisnan ko'y maawtoridad at may kapangyarihang magpatigil sa paghinga ko. "Ano po 'yon?" Tanong ko pa habang hawak-hawak pa rin ang kahon sa aking kaliwang kamay. Napako ang tingin ni daduds sa kamay ko at nagsalita. "Ano 'yan?" "Ah, kay Flex po." Simpleng tugon ko rito. Tumango lang ito at noo'y tinapik ang aking braso. "Be ready in three days, you're leaving. Your daddy Storm will send here his private jet to take you," sabi pa niya sa akin na ikinamilog ng mga mata ko. Hindi ko inaasahang agad-agaran pala ang misyon kong iyon. Tumango lamang ako at nagsalute muli. Noo'y tanaw ko ang papalayong likod ni daduds habang ako nama'y naiwang lutang hawak-hawak pa rin ang bagay na ito. Madali pa akong pumunta sa kwarto namin ni Flex at doo'y inilapag ko sa mesa ang kahon at naghanap ng papel na masusulatan. Sa hindi malamang rason ay nabuhay sa loob ko ang pabor ni Flex sa akin. Ang pakikipagkonekta muli sa nobyang si Ms. W. Naupo ako sa silya habang lapag ang braso't nagsusulat ng taimtim sa isang blangkong papel. Sa hindi siguradong sarili'y naisulat ko ang mga katagang iyon. "If I'll die today, I wish my soul will kiss you, a kiss that tells how much I love you, even we're miles apart. Hintayin mo ako. Pupuntahan kita at sasagipin sa kung saan ka mang impyerno naroroon..." -Mr. Sniper. At noo'y pinal na naglagay ng aking initials. C. G. R. Will they meet each other?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD