"July, ano bubuksan ba natin? Parang nakakatakot naman. Pati ba naman hanggang dito nakasunod ang box na iyan. Hindi kaya baliw ang tao na nasa likod niyan?" tuloy-tuloy na litanya ni Maya. "Buksan na lang natin para malaman natin kung ano ang laman niyan," sagot ko rito. Pagkatapos ay agad kong kinuha rito ang box mula sa kamay nito. At ako na mismo ang nabukas ng box. Para kasing natatakot na si Maya na buksan iyon. Mayamaya pa'y tuluyan ko nang nakita ang nilalaman ng kahon at ang tumamban sa akin ay isang wig na kulay pink. Kumunot ang noo ko sa aking nakikita. Kaya naman agad kong kinuha ang wig. Subalit may nakita akong papel. Maliksi ko itong kinuha at agad binuklat. Napansin ko rin na may nakasulat. Kaya naman agad ko itong binasa. "Hulaan mo kung kanino ang wig na ito. May prem