Sobrang kabog ng aking dibdib. Paano kung bigla na lang akong saksakin dito kapag hindi ko naibigay ang gusto nito. Eh, mamamatay ako ng sobrang aga. My Gosh! Ano'ng gagawi ko. "Please! Maawa ka po sa akin. Huwag mo akong papatayin," nakikiusap ko sa lalaking holdaper. Pero ang tuhod ko'y nanginginig na sa takot. "Magkakasundo tayo kung hindi mo imumulat ang iyong mga mata, babae. Kaya ayusin mo!" pagalit na anas sa akin ng lalaking holdaper. Pagkatapos ay umalis ito sa aking likuran at sa harap ko naman lumipat. Kaya mas lalo akong natakot sa gagawin nito. Mayamaya pa'y naramdaman ko ang kamay nito sa aking leeg. Pababa sa aking beywang. Kahit gusto ko itong itulak ay 'di ko magawa lalo at nakataas ang aking dalawang kamay. Hanggang sa dahan-dahan nitong itaas ang aking damit. Ako na