"Ano. . . kasi. . .ganito iyan. Titingnan ko lang kung madilim na ba rito sa labas. Eh, nakita kong madilim na. Kaya papasok na pala ako. Akala ko kasi maliwanag ang buwan, hindi na pala," malupit na palusot ko sa aking asawa. "Let's go. Sasamahan na kita sa kusina para kumuha nang makakain," pagyaya sa akin ni Seth. "H-Hindi na pala ako nagugutom Puwede bang matulog na lang tayo," anas ko sa lalaki. "Hmmm! Parang mayroon kang tinatago sa akin, My Wife. Saka parang kabado ka rin kung magsalita, tama ba ako?" "Ha! Bakit naman ako kakabahan? Ganito lang ako kapag nilalamig parang nanginginig ang boses," sagot ko muli sa lalaki. "Okay, pumunta na tayo sa kwarto dahil paiinitin kita," mapang-akit na sabi ni Seth sa akin. Pagkatapos ay agad na lumapit siya sa akin. Balak na sana akong hak