"Bakit himdi ka nagsabi ngayon na pala ang dating mo?" Tanong ng Mama ni Shawn, nang makapasok na s'ya sa mansyon.
Hindi n'ya alam kung paano n'ya narating ang mansyon na hindi man lang napansin ni Shawn kanina at nang kasama nitong babae, sabagay sino ba naman s'ya para mapansin ng mga ito, isa pa busy ang mga 'yon.
"Surprise ko po sana kayo," magiliw na sagot n'ya, at iniabot ang mamahaling pabangong binili n'ya para sa byenan.
"Ikaw talaga nag abala kapa. Hindi mo rin ba sinabi kay Shawn na darating ka ngayon?" Tanong nito, habang inaamoy-amoy ang mamahaling pabangong dala n'ya.
"Ah, kase po, baka busy po si Shawn," tanging sagot n'ya. At pasimpleng sinulyapan ang pinto, umaasang uuwi na si Shawn, at tapos na sa pakikipag lampungan sa ibang babae.
"Well, magpahinga kana muna maya-maya lang darating na si Shawn. Magpapahanda ako ng pagkain," magiliw na sabi ng byenan, at hinalikan s'ya sa pisngi.
Darating? nasa labas lang naman si Shawn may kasamang babae. Bulong ng isip n'ya.
"Welcome home Hainna," nakangiting bati ng byenan sa kanya.
"Lalo kang gumanda sa Canada hija,"
"Salamat po Ti-
"Ehep, ou can call me Mama. Asawa ka ni Shawn. You should call Ma, Mom, Mama," Asawa? Tama ba ang narinig n'ya asawa s'ya ni Shawn?
"Sige po Ma-ma-,." alanganing sabi n'ya. At nagpaalam na magpapahinga muna dahil napagod din s'ya sa biyahe, at pag-iisip sa kung ano naghihintay sa kanya sa mansyon ng mga Alvarez.
"Manang Rosa samahan mo muna si Hainna sa silid ni Shawn,"
Napatigil s'ya sa narinig. Sa silid ni Shawn? Bakit sa silid ni Shawn? Tanong n'ya sa sarili. Pero hindi nalang muna s'ya nagtanong, dahil baka magtaka pa ang mga ito kung bakit kailangan n'yang kwestyunin ang pagtuloy n'ya sa silid ni Shawn, na s'ya namang dapat dahil mag asawa sila ni Shawn. Asawa s'ya ni Shawn, asawa n'ya si Shawn Alvarez, ia s'yang Mrs. Alvarez sa pangalan.
"Salamat ho," magiliw na pasalamat n'ya, nang makapasok na sa loob ng silid ni Shawn. Ginala n'ya ang mga mata sa malawak na silid. Maayos ang buong silid pati kama mukhang hindi nahigaan man lang sa ayos, naikot na ng mga mata n-ya ang buong paligid, pero wala s'yang nakita ni isang larawan n'ya sa loob ng silid ng asawa. Wala ni isang larawan noong kasal nila ang nakasabit sa dingding, o kaya sa side table man lang, tulad ng mga napapanood n'ya sa TV.
Ano pa nga bang aasahan n'ya? Hindi naman s'ya tinuring na asawa ni Shawn, bakit kailangan pa n'yang maghanap ng mga larawan n'ya sa silid ng asawa? Lumapit s'ya sa bintana at tinaas ang blinds doon, para makita ang tabing dagat. Mula sa silid ni Shawn makikita ang malawak na karagatan at mga naglalakihang puno sa paligid non. Wala na roon si Shawn at ang babaing kasama nito, wala na s'yang makitang taong naglalakad sa tabing dagat.
"Saan kaya sila nagpunta?" Tanong n'ya, at nagulat sa biglang malakas na pagsara ng pinto. Mabilis s'yang napalingon sa gulat at nakita si Shawn na nakatayo sa may pinto. Nakamata sa mga gamit n'ya sa sahig at kama nito. Kitang-kita nya ang galit na tila ba ano mang sandali eh hihilahin s'ya ni Shawn at kakaladkarin palabas ng silid nito. Napalunok s'ya at nakaramdam ng takot kay Shawn.
"You're back!" Malamig na sabi nito.
"What are you doing in my room?" Malamig na tanong nito. At sinulyapan s'ya. Napapitlag s'ya at napaatras ng isang beses. Natatakot pa rin s'ya kay Shawn hanggang ngayon, kahit tatlong taon na ang nakakalipas hindi pa rin nagbabago ang takot na nararamdaman n'ya kay Shawn. Pero hindi s'ya dapat magpakita ng takot, kailangan ipakita n'ya kay Shawn na matapang sya, at hindi na s'ya nito kayang kaladkarin at ipatapon sa ibang bansa.
"Saan ba ko dapat tumuloy?" Taas kilay na tanong n'ya, pinagsalikop ang mga braso sa diddib. Wala paring pagbabago si Shawn nagagawa pa rin nitong pabilisin ang t***k ng puso nya, at tulad ng dati napakalakas pa rin ng dating nito, o masasabi n'yang sa paglipas ng tatlong taon tila mas lalo itong gumuwapo, lumaki ang pangangatawan nito, halatang alaga sa gym. Wala sa isip na pinaglakbay n'ya ang mga mata sa kabuuhan ni Shawn.
"How did you get here?" Tanong nito, na nagpatigil sa pasimple pag suri n'ya sa kabuuhan ng asawa.
"Si Kuya Harvey nagpasundo ako,"
"Akala ko ba 10AM ang dating mo? bakit ngayon kalang?" Tanong nito. At nagtanggal ng damit. Nanlaki ang mga mata n'ya ng makita kung gaano kaganda ang katawan ni Shawn.
"Yeah, kaso-late ko-nang tinawagan si Kuya," Utal na sagot n'ya. Dahil umaagaw kasi ng pansin ang magandang katawan ni Shawn.
"Why? Nakalimutan ba n'ya ang flight mo?" Tanong nito, at naglakad patungo sa cabinet. Napalunok s'ya ng makita ang malaking tattoo ni Shawn sa likod nito. Halos natatakpan na ng ink ang buong likuran nito sa laki ng tattoo nito. Napalunok s'ya sa kakaibang nararamdaman sa bawat galaw ng matipunong likod ni Shawn, kasabay ng tila pag galaw ng malaking ahas na nakapinta sa likuran ni Shawn.
"I thought darating ka, that's why I waited a little long," amin n'ya, habang nakasunod ng tingin kay Shawn.
"Alam mo naman na hindi ako darating hindi ba?" Mabalasik na sabi nito. At humila ng puting damit, mabilis na sinuot 'yon at linigon s'ya. Nagulat s'ya at napaatras, naramdaman n'ya ang blinds sa likuran.
"May sinabi ba kong darating ako para sunduin ka?"
"Well, nag assume lang ako, nabasa mo naman ang message ko, kaya inakala ko na-" hindi n'ya natuloy ang sasabihin ng maramdaman ito sa tabi n'ya. Nag angat s'ya ng mukha para magtignan ito sa mga mata.
"Bakit ka pa ba bumalik? Ano pa bang babalikan mo rito sa San Miguel?" Walang emosyong tanong nito, na tila bumasag sa puso n'ya. Maiksiing tanong na halos magpadurog sa puso n'ya. Ayaw na ba talaga s'yang makita ni Shawn? Ayaw na ba talaga s'yang makasama ng asawa n'ya?
"May babalikan ako kaya ako bumalik," lakas loob na sagot n'ya. Nagkatitigan sila ni Shawn. Masasabi n'yang napakagwapo pa rin talaga ni Shawn, napakagwapo talaga ng lalaking pinakasalan n'ya at minahal n'ya at patuloy na minamahal sa kabila ng pananakit nito sa kanya.
"Bakit dito ka tumuloy?" Tanong nito. Tila aayaw na talaga ang dibdib n'ya sa sakit, pero nagpakatatag s'ya, hindi n'ya inaalis ang mga mata sa magagandang mga mata ng asawa, kahit sa ganitong pagkakataon lang makasama n'ya ng malapitan ang asawa at matitigan ang mga mata nito, ang mga mata nitong laging galit pagdating sa kanya.
"Asawa mo ko," confident na sagot n'ya. Ngumisi si Shawn at bumaba ang mga mata nito sa mga labi n'ya.
"Asawa?" Tuya nito, at hinawakan s'ya sa baba.
"Nakuha mo na ang gusto mo hindi ba? You are Mrs. Alvarez now. 'Yon lang naman ang mahalaga hindi ba? Ang maging Mrs. Alvarez ka," sabi nito sa kanya, habang halos kahibla lang ang layo nila sa isat-isa, sa sobrang lapit nito halos malanghap na n'ya ang mabangong hininga nito.
"Shawn," nanghihinang usal n'ya. Dahil tila nag-iiba ang pakiramdam n'ya sa sobrang lapit sa kanya ng asawa, isama pa ang kamay nitong humahawak sa baba n'ya na naghahatid din ng kakaibang pakiramdam.
"'Yan na naman ba ang pag uusapan natin?" Tanong n'ya, at inulak ito para makaiwas rito. Nagawa naman n'ya itong ilayo sa kanya at lumakad s'ya palapit sa kama, hinila ang bag kinuha ang isang kahon na nakabalot roon.
"Pasalubong ko pala," nakangiting sabi n'ya, para maiba ang usapan, dahil ayaw n'yang pag usapan ang tungkol sa kasal nila. Ang mapait na kasal n'ya, sa lalaking tanging minamahal n'ya, na ni katiting na pagmamahal ay wala ito sa kanya. Kinuha ni Shawn ang kahon at hinihagis sa kama, na hindi man tinitignan kung ano ang laman.
"Hanggang kailan ka ba rito?" Tanong nito. Bumuntong hininga s'ya, at kinuha ang kahon mula sa kinabagsakan na kama. Muli n'yang binalik sa bag, hindi n'ya ito pipilitin kung ayaw nito. Hinding-hindi na n'ya ipipilit kay Shawn ang mga bagay na ayaw nito, dahil alam n'yang masakit, dahil tulad n'ya pinilit lang n'ya itong pakasalan s'ya.
"Dinala ko na lahat ng gamit ko, kaya wala na kong babalikan sa Canada," sagot n'ya, at hinila ang dalawang maleta.
"What do you mean?" Kunot noong tanong nito.
"Hindi na ko babalik ng Canada," ulit n'ya.
"At sinong nagsabing pwede ka rito?"
"Asawa mo ko Shawn at may karapatan akong manatili rito," inis na sagot n'ya at inihagis sa kama ang mga gamit na galing sa maleta.
"Huwag mong alisin ang mga gamit mo d'yan, ikukuha kita ng ticket pabalik sa Canada,"
"No! Hindi mo na ko pwedeng kaladkarin at ipatapon sa kung saan Shawn!" Hiyaw n'ya sa galit. Kung hindi n'ya lalabanan si Shawn ngayon sigurado s'yang magagawa nito ang paalisin s'ya ng bansa ano mang oras na gustuin nito.
"I'll stay here no matter what! Kahit ayaw mo mananatili ako rito sa San Miguel! sa pamamahay mo Shawn! At gagampanan ko ang papel ko bilang asawa mo! Bilang Mrs. Alvarez!"
"You don't belong here Hainna,"
"Why? Dahil ba sa babaing kausap mo kanina? S'ya ba ang dapat na narito hindi ako?" Buong tapang na tanong n'ya.
"Alam mo kung sino ang dapat na nasa lugar mo ngayon Hainna," tagis bagang na sagot nito, at hinila s'ya sa braso. Mahigpit s'yang hinawakan sa braso ni Shawn.
"Alam mo kung sino dapat ang nag mamay-ari ng Mrs. Alvarez na hawak mo ngayon. Alam mo kung sino dapat ang narito sa mansyon, sa loob ng silid ko! At alam mong hindi ikaw -yon Hainna!" Galit na galit na litanya ni Shawn. At marahas s'yang tinulak nito sa kama. Napatili pa s'ya ng bumagsak s'ya sa malambot na kama.
"Damn it!" Mura pa ni Shawn, bago ito tuluyang lumabas ng silid. Nakasunod lang s'ya ng tingin kay Shawn.
Unang araw palang n'ya sa mansyon ng mga Alvarez ganito na agad ang salubong sa kanya ni Shawn. Kaya pa ba nya? Hanggang kailan n'ya kakayanin? Magagawa ba n'ya ang matagal na n'yang plano na paibigin si Shawn? Paano n'ya magagawa ang bagay na 'yon eh galit na galit sa kanya si Shawn? At magpa hanggang ngayon si Patricia pa rin ang nasa puso ni Shawn. Kung hindi s'ya umeksena at gumawa ng gulo si Patricia sana ang Mrs. Alvarez at hindi s'ya.