Chapter 1
Pagbaba n'ya ng eroplano malalim ang buntong hiningang pinakawalan n'ya. Tiningala ang langit, kulay abo 'yon na tila nagbabadya ang ulan. Napangiwi s'ya. Dahil naalala na ganoong panahon din s'ya umalis ng bansa.
"I'm back now and deffinitely for good," bulong n'ya sa sarili. Habang naglalakad papasok sa Saavedra Airlines. Tatlong taon s'yang nawala sa bansa. Labag sa kalooban n'ya ang pag-alis ng bansa noon, pero wala s'yang nagawa. Hindi n'ya kinaya ang pagkasuklam sa kanya ni Shawn.
Shawn Alvarez ang kanyang asawa. Nakakatuwang isipin na sa gabi mismo ng kasal nila eh pinaalis s'ya ng bansa ni Shawn. Masakit oo walang kasing sakit. Pero eto na s'ya ngayon nagbabalik para gampanan ang pagiging Mrs. Alvarez nya. Sa ayaw at sa gusto ni Shawn, s'ya pa rin ang Mrs. Alvarez, sya pa'rin ang pinakasalan nito at asawa nito.
"Nasabi mo ba kay Shawn na ngayon ang uwi mo?" Tanong ng Kuya Harvey n'ya, nang nakasakay na sila sa kotse nito. Ilang beses n'yang sinubukan tawagan si Shawn pero hindi ito sumasagot, halos dalawang oras na nga s'yang naghihintay sa Airport para sunduin s'ya ng asawa, pero hindi ito dumating kaya naman ang Kuya Harvey nalang n'ya ang tinawagan n'ya para sunduin s'ya.
"Ah, yeah, he knows. Kaso busy kasi s'ya sa opisina kaya hindi s'ya makaalis," Pagsisinungaling n'ya sa kapatid. Dahil walang balak si Shawn na sunduin s'ya. Wala nga yata itong pakialam sa pag-uwi n'ya. Alam naman n'yang natanggap ni Shawn ang mga messages n'ya. Pero binalewala lang ni Shawn. Ano pa nga bang aasahan n'ya kay Shawn Alvarez the second riches man in San Miguel? 2nd kase si Joshua Tragora ang number 1 dahil ito ang Tragora heir. Ang pinaka mayaman sa bayan ng San Miguel. Si Shawn naman ang Alvarez heir pangalawa sa pinaka mayamang pamilya sa bayan nila.
"Alam ba n'ya na uuwi ka?" Tanong ng Kuya n'ya.
"Oo naman syempre, ano ka ba naman Kuya, sinabi ko sa kanya kagabi nang nag-usap kame, kaso nga lang daw may meeting hindi n'ya maiwan. So ayun hinayaan ko na hindi ko nalang pinilit pa," pasisinungaling pa rin n'ya sa kapatid. Ayaw n'ya itong mag-alala at lalong ayaw n'yang malaman ng mga magulang n'ya kung ano ba talaga ang totoong sitwasyo ng pagsasama nila ni Shawn bilang mag asawa. Ayaw n'yang mag-alala ang mga ito. Ang alam nila masaya s'ya sa pagiging Mrs. Alvarez. Dahil 'yon ang kasinungalingang pinapakita n-ya sa pamilya, ayaw n'yang malaman ng mga ito na balewala lang s'ya kay Shawn, na wala itong pakialam sa kanya, na hindi s'ya tinuturing na asawa ni Shawn.
"How are you anyway? May girlfriend ka na ba Kuya?" Pang-iiba n'ya sa usapan. Dahil ayaw n'yang pag-usapan ng Kuya n'ya ang tungkol sa kanila ni Shawn. Dahil baka mabigla s'ya at kung ano ang masabi n'ya.
"Nah! I'm busy for that," mabilis na sagot ng kapatid, habang sa kalsada nakatuon ang mga mata.
"I won't buy that," natatawang sagot n'ya. At tumingin sa labas ng bintana. Papasok na sila sa Bayan ng San Miguel. Ibinaba n'ya ang bintana at linanghap ang simoy ng hangin.
"Wow! I miss this town," usal n'ya. At inilabas ang kamay dinama ang masarap na hangin.
Tatlong taon na rin mula nang umalis s'ya ng San Miguel. Sa Canada s'ya nanuluyan para doon ipagpatuloy ang pag-aaral n'ya, at nakagraduate na s'ya noong isang buwan, bago pa man s'ya makapagtapos, napagplanuhan na n'ya ang pagbabalik n'ya sa San Miguel. Nalulungkot s'ya doon, malungkot manirahan mag-isa sa ibang bansa, pero wala s'yang magawa dahil doon s'ya pintapon ng asawa. Oo pinatapon s'ya roon ni Shawn dahil kinasusuklaman s'ya nito, tila diring-diri sa pagiging mag-asawa nila si Shawn.
Napalunok s'ya ng makita ang malaking gate ng mga Alvarez. Pakiramdam n'ya hindi s'ya makahinga habang nakatingin sa gate ng bahay. Matagal na n'yang pinag-isipan ang pagbabalik n'ya ng San Miguel. Alam n'yang magagalit si Shawn sa gagawin n'ya, pero hanggang kailan s'ya mananatili sa Canada? Hanggang kailan s'ya itatago roon ni Shawn? Hanggang kailan ba ang galit sa kanya ni Shawn? Tatlong taon na nga mula ng sapilitan s'yang paalisin ng bansa ni Shawn. Siguro naman sapat na 'yon. Isa pa miss na miss na n'ya ang pamilya n'ya, lalo na si Shawn ang asawa n'ya.
"We're here," sabi ng Kuya Harvey n'ya, habang nananatili s'yang titig na titig sa gate ng mga Alvarez, nang may marinig na tumunog. Napabalikwas pa s'ya sa pag aakalang ang cellphone n'ya ang tumunog, dahil umaasa s'ya sa tawag ni Shawn. Ang cellphone pala ng kapatid ang tumutunog.
"Hello, Ah, yes,I'll be there in 10 minutes," narinig n'yang sagot ng kapatid.
"Hainna, I'm sorry, sa banko may nagrereklamong kliyente and he request to talk to me,"
"It's ok, Kuya. Ako na bahala sa mga gamit ko, you can go na," sagot n'ya. Habang ibinababa ng kapatid ang mga gamit.
"Sorry talaga Haina, I'll call you ok," paalam nito bago muling sumakay sa sasakyan nito. Tumango lang s'ya at nagpaalam na sa kapatid. Nang makalayo na ang sasakyan kibit balikat n'yang liningon ang gate sarado 'yon, kahit kumatok s'ya hindi s'ya maririnig ng mga nasa loob, dahil malayo pa ang bahay ng mga Alvarez mula sa gate.
Sinabit n'ya ang bagpack sa likod at hinila ang mga maleta, dala na n'ya lahat ng mahahalagang gamit n'ya, dahil wala na s'yang balak bumalik pa sa Canada. Tutal naman maaari naman s'yang magtrabaho sa San Miguel. Ang mahalaga ngayon ay maayos n'ya ang relasyon nila ni Shawn bilang mag-asawa, ang magampanan n'ya ang papel n'ya bilang Mrs. Alvarez.
Hindi s'ya makadaan sa gate, kaya sa gilid nalang s'ya dadaan, sa may tabing dagat 'yun nga lang sa buhanginan s'ya maglalakad, at mataas ang aakyatin n'ya bago makarating sa bahay ng mga Alvarez. Bumuntong hininga s'ya at sinulyapan ang high heels na suot.
"Ano ba naman kasing naisipan mo umuwi-uwi pa Hainna," maktol n'ya. At sinimulan na n'yang maglakad papasok, hila-hila ang dalawang maleta n'ya.
Halos nakakalahati na n'ya ang buhanginan ng may makitang tao sa tabing dagat na naglalakad. Huminto s'ya sa paglalakad at tinignan ang mga naglalakad, alam n'yang bukas ang tabing dagat para sa mga tao sa San Miguel, 'yun daw kase ang kahilingan ni Mr. Alvarez noon bago ito pumanaw, para mapakinabangan naman daw ng mga taga San Miguel ang magandang view ng tabing dagat, kaya hindi na s'ya magtataka kung may makita s'yang naglalakad doon, kahit sa ganitong oras. Nagpatuloy sya sa paglalakad habang hindi inaalis ang mga mata sa dalawang naglalakad sa tabing dagat. Nakita pa n'yang panay hampas ng babae sa kausap nitong lalake.
"Buti pa sila masaya," bulong n'ya at natigilan nang makita ang gilid ng mukha ng lalake. Nahinto s'ya sa paglalakad at natulos sa kinatatayuan, nang makita n'yang ngumiti ang lalake habang kausap ang babae.
"Shawn," mahinang usal n'ya, napako ang mga mata sa dalawa, pinanood ang dalawa mula sa di kalayuan. Ewan n'ya pero nakaramdam s'ya ng saki, tila nanikip ang dibdib n'ya. Sunod-sunod na lunok ang ginawa n'ya at nagbuga ng hangin, para alisin ang ano mang tila bumabara sa lalamunan n'ya.
Kitang-kita n'yang masaya si Shaw, nag e-enjoy ito sa kausap na babae, samantalang pagdating sa kanya, ni hindi man ito makangiti, ni hindi nga s'ya nito makausap man lang, at eto madadatnan n'yang masaya itong nakikipag kwentuhan sa ibang babae.
"Welcome home Mrs. Alvarez," bulong n'ya sa sarili, ilang beses pang bumuga ng hangin para alisin ang tila paninikip ng dibdib n'ya.
Laylay ang mga balikat n'yang umakyat sa hagdan, papunta sa mansyon ng mga Alvarez, kung saan s'ya mananatili kung papalarin s'yang tanggapin ng asawa, kung hanggang kailan ay hindi pa n'ya alam, baka nga maya- maya lang paalisin na s'ya ni Shawn, pag nalaman nitong umuwi na s'ya ng San Miguel. Baka kung saang bansa nanaman s'ya ipatapon nito para lang maiwasan s'ya, at malaya nitong magawa ang ano man ginagawa nito tulad ngayon. Alam naman ni Shawn na ngayon ang dating n'ya pero ano? Ayun nakikipag tawanan sa ibang babae, samantalang s'ya hirap na hirap sa bitbit n'yang mga gamit.
"Bakit kapa kase umuwi? Alam mo naman na wala kang lugar dito sa San Miguel eh," maktol n'ya sa sarili, habang hirap na hirap sa pagbuhat sa mga maleta. Muli n'yang nilingon ang dalawa na marahil hindi pa s'ya napansin.
"Kainis naman," sabi n'ya at nararamdaman ang tila may tumutusok sa dibdib n'ya. Nasasaktan s'ya sa nakikita, alam naman n'ya kung ano ang binalikan n'ya kaya dapat handa s'ya. Handa s'yang masaktan.