Maxine Lyanne's POV "What book should I grab?" Fastia asked me. Napatingin ako sa napakaraming libro na nakapalibot sa buong kwarto na 'to. Ito ang library ng mga Aceves na may mga bookshelves na nakapaligid. Nagtataasan pa 'to kaya may mga hagdanan na nakahanda. "Tagalog romance," sagot ko sa kanya. Makakatulong din sa kanya ang pagbabasa ng mga libro habang tinuturuan ko siya. Napagkasunduan na kasi namin na tuturuan ko siya ng libre. Parang bayad ko na rin 'to sa pagtulong nila sa akin. Ayoko rin na wala akong ginagawa kaya maganda kung tuturuan ko siya. "Manood din tayo ng mga palabas pagkatapos ng bawat session na tuturuan kita," sambit ko habang isa-isang tinitignan ang mga libro na nadadaanan ko. Nasa likod ko lang si Fastia at naghahanap din ng libro