Maxine Lyanne's POV Paglabas ko ng banyo nakita ko agad si Fastia na dala-dala ang teddy bear niyang violet. "Saan ka pupunta?" tanong ko. Katatapos ko lang maligo. Gabi na ako nakaligo dahil inantay ko pa na makatulog ng mahimbing si Gamble bago ako makaalis sa kwarto niya. Pinanood pa kasi kami ni Gamble habang nagtuturo ako kay Fastia. "Kuya's room. He is still in pain. I stay at his side." Ayakong maiwan sa kwarto niya ng mag-isa dahil baka mamaya bigla na lang may dumating na kasambahay sa kwarto niya. "Sasama ako," agap ko. Tumango siya sa akin kaya agad akong lumapit sa kanya kahit na basa pa ang buhok ko. Sabay kaming naglakad palabas ng kwarto niya. Hindi ko kasi kayang matulog mag-isa lalo na at nasa ibang bahay naman ako. Marami akong kasama at hi