Hanggang sa makarating sila Denmark ng bahay ay hindi matatawaran ang nakalarawang saya sa kanyang mukha. Pagkapasok sa gate ay magalang na sinalubong sila ng mga security guard sa buong mansyon. "Welcome back governor," sabay-sabay na pagbati, habang nakayuko sa kanila. Seryoso niyang tinguan pabalik ang mga ito. Nilapitan sila ng dalawa niyang most trusted bodyguard. Si Teng at Ding. Sa pangalan lang sila mukhang walang appeal pero maasahan ang mga ito sa kanyang kaligtasan. Napakamot ng ulo itong si Teng na tila may nais sabihin. "Bakit anong problema?" tanong niya sa lalaki. Kunot-noo niya itong tiningnan at bago sumagot ay tumingin muna sa kanyang asawa. Lumapit ito sa kanya at may ibinulong. "Gob, nag text ang ex-girlfriend mo kung kailan daw siya puwede magpa skedyul ng appointme