Nakangiting mag-isa si Denmark habang nagmamaneho naabutan sila ng traffic sa edsa kaya naman nasa Taytay Rizal pa lamang sila more or less thirty minutes pa ang itatakbo nila upang makarating ng Antipolo. Sinulyapan niya ang natutulog na asawa ang himbing ng tulog nito hindi niya maiwasan ang mapangiti ng maalala ang kanilang asaran kani kanina lang. Hindi niya akalain na kahit pick-up lines ay bigla n'yang naisipan. Siguro kung malalaman ng kanyang mga kaibigan panigurado na bully ang aabutin niya. Hindi rin niya ikakaila na pagkasama ang asawa ay gusto niyang palagi itong napapasaya na taliwas sa mga previous niyang relationship dahil kahit Isa ay wala siyang ginagawang effort at f**k buddy sa madaling salita. Kahit ang almost 2 years niyang ex-girlfriend. Oo nga at minsan inalok niy