Nakahiga sa kama, walang lakas, matamlay na napatingin si Athena kay Hades. Lumapit si Hades sa kaniya pagkatapos makausap ang tumawag dito. "Narinig kong kausap mo si Lyka, pwede ka naman umalis at iwan ako dito—" hindi pinatapos ni Hades ang kaniyang sinasabi ng takpan kaagad nito ang kaniyang bibig gamit ang daliri nito. "Ikaw lang ang babantayan ko sa gabing 'to, Ena. Wala akong ibang pupuntahan at babantayan kun 'di ikaw lang" kaagad na sabi ni Hades na nagpaawang sa kaniyang labi. "P-pero kailangan ka rin ni Ly—" "I told you, Ena. I'll only watch over you. Don't think about anything else because I won't leave you. I'll be right here beside you. Pwede ba 'wag kang makulit." sabay halik nito sa kaniyang noo. Napapikit siya kasabay ng kaniyang pagkagat labi. Nalanghap naman niya ang