Athena's POV SA HALIP na umalis sa daraanan namin ay mas lalo pa na nang-asar si Hades. Nakasandal ito sa kaniyang kotse habang nakapamulsa ang mga kamay sa tagilirang mga bulsa nito. Habang nakatingin sa kinaroroonan namin. "Anong binabalak ng lalaking 'to?" pabulong na sabi ni Hermes. "H-Hermes, bababa na lang ako. Ayaw kong mag-away kayo ni Hades ng dahil sa' kin." Sinubukan ko ng buksan ang kotse ni Hermes ngunit hinawakan niya ang kamay ko. Pinigilan niya ang paglabas ko. "No, Ena. Kaya kong kausapin si Hades na walang sakitan at awayan na magaganap." sabi nito tsaka siya lumabas. Pinagmasdan ko ang kaniyang paglabas. Nasa loob lang ako habang nanunuod sa paglapit muli ni Hades kay Hermes. "Grabe na talaga si Kuya Hades para lang makuha ka, Tinay gagawin niya lahat." parang kinik