KANINA pa hindi mapakali si Athena dahil ilang minuto nang late si Hades. Hindi pa rin ito dumarating. Hindi niya nga alam kung darating ba talaga ang lalaki dahil hindi naman na sila nag-usap kagabi. Pero ang sabi ng senyora Carmela ay nakahanda na raw si Hades at parating na. Wearing a white simple gown, white flat sandals. Hindi na kasi siya pinayagan ni senyora Carmela na mag-hills pa dahil natatakot itong baka matapilok siya at mapaupo pa sa sahig. Medyo napapansin na rin kasi ang umbok ng kaniyang tiyan. "Athena, relax, darating ang anak ko." tapik nito sa kaniyang balikat. Bumuga siya ng hangin tsaka huminga ng malalim. Alam naman niyang hindi siya gusto ni Hades at fifty fifty ito na pakasalan siya dahil hindi naman siya nito mahal. Bakit nga ba ako kinakabahan? " Let's get th