Athena's POV NAKATULOG na pala ako, napabalikwas ako ng bangon dahil naalala ko ang nangyari kagabi bago ako nakatulog ng tuluyan. Sinuyod ko ang buong silid ko ngunit wala naman si Hades. Nakahinga ako ng maluwag. Mukhang sumuko yata siya kagabi. Hindi ko kasi pinagbuksan. Meron naman yata siyang duplicate key sa silid na ito. Bakit hindi niya nabuksan? Tumayo na ako para maligo at magbihis na rin para pumasok na sa school. Dahan-dahan akong lumabas ng bahay. Useless rin naman ang pagdahan-dahan ko dahil wala naman pala akong dapat na pagtaguan. Nakalabas na ako at palabas na ng gate nang may biglang bumusina sa akin. Napatalon pa ako sa gulat. Nang lingunin ko ito ay sasakyan ni Hades ang nakita ko. Kanino pa nga ba sasakyan ang makikita ko? Nandito pa naman ako sa loob ng gate hin