Athena Nasa living room kami ni senyora Carmela habang si senior Rafael naman ay nasa kusina nagluluto ng ulam. Nakaka-miss dahil ganito din sila mama at papa. Palaging talo si Papa pagdating sa bahay. Si Mama ang palaging nasusunod at si papa ang under ni mama. Ang sagot naman palagi ni Papa sa akin kapag tinatanong ko siya kung bakit hindi niya magawang labanan o palaging nagpapatalo na lang siya sa kasungitan ni mama. "Hindi nasusukat ang tapang ng lalaki sa pamamagitan ng pananakit sa mga babae. Ang totoong matapang na lalaki, magbibigay ng distansya at magpapatalo kahit na ano pang ugaling meron ang babae." Nakaka-miss si Papa. "Athena, nanahimik ka?" puna sa akin ni senyora. Nasa kalagitnaan na rin ang palabas na aming pinapanuod. Nandito rin sa sala ang pinamili namin hindi pa n