Athena Ang sarap ng kain ko nang makaramdam akong gusto kong masuka kaya nagmadali akong tumakbo sa lababo at doon inilabas rin ang lahat ng kinain ko. Kahit anong kain ko humihilab pa rin ang tiyan ko kaya't himas himas ko lang na lang ito pagkatapos kong magsuka. Hindi ko nga napansin na nasa harapan ko na pala ang mommy ni Hades. "Athena, are you alright?" Nagmadali itong lumapit sa akin tsaka hinimas himas ang likod ko. "Ayos lang po ako. Meron lang po yata akong nakain na hindi nagustuhan ng tiyan ko kaya ako—" "That's normal. Buntis ka kaya nagsusuka ka, nasa stage ka pa lang ng paglilihi. Ako noon ipinagbubuntis ko 'yan si Hades, hindi ako pinapakain niyan. Panay lang ang balik ko sa lababo dahil hindi tinatanggap ang kinakain ko. Napaka-arte ko noong ipinagbubuntis ko si Hade