CHAPTER 2: KIDNAP AND RANSOM

3134 Words
ALEXANDRE CASTELLANO "DIDN'T I tell you to keep following her until the end of the day? Why are you already here?" sermon ko kay Sheben pagpasok niya rito sa basement. After Miss Ortega left my office, I texted him immediately and instructed him to follow her, but this moron, hindi pa nga tapos ang pinapagawa ko sa kanya ay pumunta na siya rito sa pamamahay ko. Maaga kong tinapos ang trabaho ko sa CC dahil nangako ako kay Blaze na ngayong araw kami pupunta sa mind museum pag-uwi niya galing sa school kaya umuwi na rin muna ako rito sa bahay. May inaabot si Scheben sa akin na mga litrato kaya kaagad ko naman itong kinuha at isa-isang tiningnan. "What's this—what's with the close-up shots?" Hindi ko naman siya inutusan na kuhanan ng litrato si Miss Ortega. Ang sabi ko lang sundan. "Ang ganda ng mga kuha ko, Boss A, 'no?" panggagago niya habang tinataas-taas pa ang kilay niya. I slammed the photos on the table in front of him. "It is not even worth getting information about her; you just take photos of her from various angles." "Hindi naman 'yan para pagkuhanan ng impormasyon, Boss A. Pasalubong ko lang 'yan sayo." "Are you teasing me with Miss Ortega?" "Mr. Castellano, I am your friend, so I'm familiar with your type. Tipo mo ang mga katulad ni Kate at ni Miss Ortega na may inosenting mukha at charming. And, for the first time in history, you look at a woman the same way you look at Kate." "You didn't noticed something on her?" "Na alin, Boss A?" Maybe I am just hallucinating since he didn't notice it. "Wala." "Pero nagustuhan mo ba ang mga shots ko, Boss A? Change career na kaya ako at maging photographer nalang. Boudoir photographer ang gusto ko para heaven everyday," ngumiti ito ng nakakagago. Alam kong puro kalaswaan nanaman ang nasa isip niya. I took the pistol from the top of the table and pointed it at him. "I'll grant your wish. I'll send you to heaven right away." "Iyan ay kung papapasukin siya sa langit," sabat naman ni Hanschu na nasa bungad ng pinto. "Chill lang, Boss A. Hindi naman ganoong heaven ang tinutukoy ko, eh," sabi niya habang tinataasan ang gitnang daliri niya kay Hanschu. Ibinaba niya ang gitnang daliri niya at nagseryoso. "Mukhang wala namang kahina-hinala kay Miss Ortega. Pag-alis niya sa CC dumirecho kaagad siya sa Northern Care Hospital. Hindi na siya lumabas pa sa hospital kaya inassumed ko na baka may binabantayan siya doon na pasyente at doon na siya magdamag." "Call the hospital and ask about Miss Ortega's sister," utos ko kay Hanschu na nakahilata sa sofa. Hindi ako mapakali. I want to confirm if it's just me who noticed their resemblance before I seek a psychologist's help if I am just really hallucinating. "Look at the photos carefully and let me know if you notice anything," sabi ko kay Scheben. Fortunately, he begins scanning Miss Ortega's photos one by one without bothering to ask stupid questions. "Boss A, ang sabi ng nurse na nakausap ko may leukemia raw yung kapatid ni Miss Ortega," sabi ni Hanschu habang binabalik ang telepono sa lagayan nito. "She mentioned that earlier. Any other information?" I'm asking him to give me details that I don't know yet. "Kinakailangan na raw ng chemotherapy. May financial problem kaya hindi pa nila sinisimulan ang gamotan. Ito lang ang kinaya ng flirting skills ko para bigyan ako ng impormasyon ng nurse, Boss A." So she's in need. That's why she's looking for a job after she resigned from her former job. "Si pandak ang expert mambola ng mga babae dapat pala siya nalang ang pinakausap ko." Hanschu. "Ulol!" Scheben. "Look at the photos carefully and tell me if you notice anything," sabi ko rin kay Hanschu kaya kaagad niyang hinablot sa kamay ni Scheben ang mga litrato at umupo sa tabi niya. When I saw Rusco finish playing darts, I asked him to do it as well, but that moron rejected me. Binuksan niya lang ang cell phone niya at doon naman nag-laro. Fuck his play addiction! "Bukod sa maamo niyang mukha hindi rin ito nakakasawang tingnan." Scheben looks serious kaya ang buong akala ko ay kahit hindi niya napansin matinong sagot ang ibibigay niya sa akin. I shouldn't have trusted this moron. "I wasn't looking for such an answer." "Mali ako, Boss A? 'yan lang ang napansin ko, eh," sagot naman niya habang nagkakamot ng ulo. "Ito kasi ang sagot na hinahanap ni Boss A. Listen and learn," pagmamayabang ni Hanschu kaya nag-eexpect ako na baka napansin niya rin. He snaps his finger first. "Bukod sa ang ganda niya. Her lips—ang lips niya maganda rin." I gave him an evil look. I expected nothing from this moron. "Mali rin, Boss A?" disappointed niyang sabi. Nadisappoint siya sa sarili niyang katangahan. Both Scheben and Rusco hit Hanschu's head at the same time. "Ang yabang mo pa mali ka rin naman pala," pang-aasar ni Scheben sa kanya habang kulang nalang ay hingalin siya sa kakatawa. "Tsaka mo nalang ako tawanan kapag nabigay mo na ang hinahanap na sagot ni Boss A." I guess I really need therapy. I'm missing her so much that I'm seeing her in someone. Habang kinukuha ko ang litrato sa dalawa ay biglang nagsalita si Rusco. "Familiar siya, Boss A. Parang nakita ko na siya bukod sa CC kanina," sabi niya habang busy parin sa paglalaro. Hindi manlang niya nga tiningnan ang litrato. "Ikaw Draco, ha. Sekreto kang nakikipagdate. Naidate mo na si pretty girl, 'no?" Scheben. "Kaya pala nilapitan ka niya at kinausap tapos kami hinayaan niya lang magbardagulan." Hanschu. "You noticed too, Rusco?" "Ang alin, Boss A? Kanina mo pa sinasabi ang "noticed" na 'yan," takang tanong ni Scheben. Scheben and Hanschu were surprised by what I said, "Kaitlyn Nievera." Ibinalik nila ang tingin nila sa litrato. "Oo, Boss A. Si Kate. Kaya familiar si Miss Ortega kasi may pagkakahawig sila ni Kate. Hindi lang kaagad pumasok sa isip ko si Kate kaya hindi ko matandaan." Rusco. "Imposible namang mabuhay ang sunog na bangkay." Hanschu. "I am not saying she is Kate, but who knows?" She bears an uncanny resemblance to Kate, and if Kate hadn't died, she'd be the same age as she was, but I clearly saw Kate's corpse with my two eyes while wearing the necklace I had given her. I also saw the results of the identification of the burned bodies—the burned body who had a necklace really belonged to Kate, but who knows? The results can be fabricated. If she was Kate, I was fooled for six f*****g years. "Boss A, si Cesar tumatawag," paalam ni Rusco. I motioned to him to answer the call. "Actually, nagtaka kami kung bakit mo siya pinapunta sa office mo, eh, hindi ka naman basta-basta nagpapapasok sa opisina mo." Scheben. "Lalo na't sinabi ni Miss Ortega na nandoon lang siya for interview. So, wala kang rason para ipatawag siya sa office mo." Hanschu. "Inisip namin na may pakay ka kay Miss Ortega pero hindi lang namin matumbok kung ano." Scheben. "When I saw her resemblance to Kate in the elevator earlier, I was drawn to her. That's why I ordered Tracy to send her to my office to just have a better look at her." My intention was simply to get a better look at her face, but she'd probably think I'm a creep if I just brought her to my office to stare at her, so I turned it into an interview. "Kung tititigan mong maigi ay hindi lang sila basta magkahawig. Siguro kung buhay si Kate at magmamatured ang facial features niya ay nakikita kong magiging ganitong-ganito ang mukha niya katulad ng kay Miss Ortega," komento ni Hanschu habang halos idikit na sa mukha niya ang litrato ni Miss Ortega na hawak niya. "Hindi kaya kambal sila, Boss A? Baka long lost sister ni Kate si Miss Ortega. Hindi lang natin alam," dagdag pa ni Hanschu. "Kate never once mentioned that she had a twin sister at kanina nang banggitin ni Miss Ortega na may kapatid siya ay tinanong ko kung kambal sila pero sinabi niyang hindi at sigurado raw siyang wala rin siyang kambal." "Sa sobrang bait ni Kate baka binigyan siya ng second life ni Lord," natatawang sabi ni Scheben kaya tiningnan ko siya ng masama. "This is not the right time to crack a joke, Scheben." "Sorry na, Boss A, seryosong-seryoso kasi kayo, eh." Scheben. "Kung ikaw ang mamamatay kahit si Satanas ay hindi ka pagbibigyan ng kahit na katiting na chance para mabuhay ulit." Hanschu. "Akala mo naman siya pagbibigyan. Pare-pareho lang naman tayong kampon ni Satanas dito, ulol ka!" Scheben. There hasn't been a single day that has passed that these two morons haven't been teasing each other. "Ano nang plano natin, Boss A?" Scheben. I sat while holding a glass of wine. "Find out everything about her." "Umaasa ka talaga na siya si Kate? Sa reaksyon palang ni Miss Ortega kanina nang makita ka ay parang iyon ang first time na nakita ka niya ng harapan. Hindi naman siguro siya nagpapanggap lang kasi natural naman ang mga reaksyon niya." Scheben. Napansin ko rin ang reaksyon niya kanina. Nahalata ko rin sa facial reaction niya na nagulat siya nang banggitin kong may anak na ako. It seems like she really doesn't know me personally. Her and Kate's personalities were also different: Miss Ortega was a little bit feisty, while my love, Kate, was such a crybaby. "Hindi ako umaasa, but we'll never know the truth unless we investigate, and I offered her to be Blaze's instant mom, so whether she's Kate or not, I really need to investigate her for my son's safety." If I want to, I can give her any position she wants at my company. Pinahanap ko kasi kay Tracy ang resumé ni Miss Ortega sa HR and her credentials were excellent. Her answers to my questions were all good; they were full of sincerity, and I liked how she addressed me every time she answered my questions. She exceeded my expectations, so she deserves a spot in my company, but as I spoke with her, things have turned out that way. Bukod sa malaki ang pagkaka-hawig niya kay Kate, I felt like I wanted her to be closer to us, especially to Blaze, so I asked her to be Blaze's instant mom instead without hesitation. "Iyan ang tunay na para-paraan!" Sabi ni Scheben sa mataas na tono. "Ano na kaya ang nangyari sa Mr. Castellano na hindi basta-basta nagtitiwala? Bakit naglaho nalang na parang isang bula? Si Miss Ortega lang pala ang makakasira ng mataas na bakod na itinayo mo," natatawang panggagago ni Scheben. "Our Boss A is in love again after six freaking years. This is a miracle!" sabi sabi ni Hanschu habang ngumingiti ng nakakaloko. When it comes to teasing me, these two morons are on the same page. "Isn't it ironic? Nainlove nga ulit pero sa kahawig pa ni Kate. Tipo mo talaga ang mga katulad ni Kate, 'no, Boss A?" Scheben. "Are you mocking me? You want to die this instant?" "Gusto na yata talaga ni Damon, Boss A. Nakapaghukay na yata siya ng sarili niyang libingan. Mukhang makikipagkompetensya pa siya sayo. Hinanap ba naman ang resumé ni Miss Ortega sa HR para lang makuha ang cellphone number." Hanschu. "Napakagagong sumbongero talaga nito ni tingting. Ipapahamak pa ako akala mo hindi ako sinamahan sa pagkuha." Tumingin si Scheben sa akin. "Wag kang maniwala sa kanya, Boss A. Para sayo talaga ang number na kinuha ko. Pinapunta mo kasi siya sa opisina mo, so naisip ko na baka kakailanganin mo ang number niya in the future." Lumipat ang tingin niya kay Hanschu sabay binatukan siya. "Isa pa, ulol ka, hindi ko type ang mga babaeng may innocent looks katulad ni Miss Ortega. Ang mga tipo ko ay ang mga wild. Alam niyo yan, matagal na." "Kidding aside, Boss A, si Blaze yung pinag-uusapan natin dito, ha. Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" Hanschu. Hindi ko na nasagot si Hanschu dahil bumalik na dito si Rusco sa basement na mukhang nag-aalala. "Bad news, Boss A." "Just tell me the details, Rusco. Huwag ka ng pabitin." "Si Blaze nawawala nanaman." Fuck! "Ang sabi ni Cesar bumili lang daw siya ng ice cream sa isang convenience store dahil nagpapabili si Blaze pero pagbalik niya wala na raw ito sa kotse. Hindi niya raw kasi nilock ang pinto ng kotse dahil nakampante siya na hindi naman aalis si Blaze." "That irresponsible fuckwit. Tell him to see me in the parking area." Pangatlong beses ng nangyari 'to. Hindi ko siya sinisisante dahil kailangan niya ng trabaho para sa asawa niyang nakaratay sa hospital. "Copy, Boss A." Rusco. "Kayong dalawa, check all the CCTV footage near the convenience store." "Copy, Boss A," sabay naman nilang sagot. Lumuhod si Cesar sa harap ko. "Mr. Castellano, pasensya na talaga. Sumaglit lang naman ako para mabilhan ng ice cream si Sir Blaze kaya hindi ko na sinarado ang pinto. Sinabi ko naman sa kanya na wag siyang umalis pero matigas ang ulo niya." Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila niya. "You have no f*****g right to call my son like that, Cesar. I will just fire you, but I swear, kapag may nangyaring masama kay Blaze, kahit saan ka pa magtago, I will hunt and kill you. Mark my word," pagbabanta ko sa kanya. Hinawakan niya ang tuhod ko. "Mr. Castellano, kailangan ko ng trabaho. Pangako hindi na mauulit," pagmamakaawa niya. "Leave. Umalis ka na bago pa dumilim ang paningin ko sayo," pagbibigay ko ng pagkakataon sa kanya kaya mabilis siyang tumayo sabay tumakbo. I will spare his life for now, for his sick wife, pero kapag may nangyari kay Blaze, I'll let him see hell right away. After a few minutes, Scheben and Hanschu came back, riding in their respective cars. "Did you find out where he might be?" tanong ko sa kanila habang sinasarado nila ang pinto ng kotse nila. "Mukhang kidnapping, Boss A. Hindi kayo maniniwala kung sino ang kasama ni Blaze na nakita namin sa CCTV," pabitin pang balita ni Hanschu. "Why can't you just f*****g tell me who right away? Ang hilig niyong mangbitin ng sasabihin." Hanschu handed me the flash drive. "See it for yourself." My laptop is just inside my car kaya pumasok ako rito para panuorin ang kopya ng CCTV footage. "f*****g s**t!" I cursed when I saw Miss Ortega in the footage. She was holding Blaze while entering the van. Kanina pa tumutunog ang cell phone ko sa bulsa kaya kinuha ko na ito. It's an unknown number. I answered the call, and it was Miss Ortega who called. "I told you to keep following her tingnan mo kung anong nangyari ngayon!" sermon ko kay Scheben. If he had just obeyed what I told him to do, this would not have happened right now. Napigilan niya sana si Miss Ortega na kidnappin ang anak ko. "Look who's blaming. Mas mabigat pa nga ang desisyon na ginawa mo kung ikukumpara sa desisyon kong hindi na sundan si Miss Ortega magdamag. Sino ba ang nag-alok sa kanya na maging mommy ni Blaze?" I admit it. Masyado akong nagpadalos-dalos sa desisyon ko, pero hindi ako nagsisisi na inalok ko siya. "Atsaka hindi mo manlang binigyan ng pagkakataon mag-explain ang tao kahit gustong mag-explain. Malay mo na set-up lang siya. Paano kung hindi naman talaga siya ang kumidnap?" Scheben is a very straightforward person. He never talked s**t behind my back. Sinasabi niya talaga sa mukha ko ang gusto niyang sabihin kahit magkasagotan kami. "May punto naman ang mga sinabi ni Damon, Boss A. Baka namisinterpret lang natin ang kuha sa CCTV. Ang nakita lang natin sa footage ay sinakay lang siya ni Miss Ortega sa van. Hindi natin alam kung ano ang nangyari behind the scene or kung ano ang nangyari before that." Hanschu. Tsk. Looks like I'm the only one here na naniniwalang possible ngang magawa 'to ni Miss Ortega. "If I let her explain magpapaawa lang siya. She's in need kaya hindi malabong gagawa siya ng ganitong bagay." "Ang baba naman pala yata ng tingin mo kay Miss Ortega. Lagpas isang minuto lang na video clip ang napanuod mo pero kung makabintang ka akala mo naman alam mo na ang lahat ng nangyari. Basta ako naniniwala akong hindi niya 'to magagawa. Malakas ang kutob ko." "f**k your chivalry." When it comes to women, lumalambot talaga ang puso nito ni Scheben. "And f**k your rotten mindset, Mr. Castellano. Hindi naman lahat ng gipit sa patalim kumakapit. Ang iba ay rumaraket." Tumawa ng napakalakas si Hanschu. "Putang ina mo, pandak! Akala ko pa naman ay may aral na akong mapupulot sayo." "Kung gusto mong may matutunang aral, mag-aral ka ulit, ulol ka." Scheben. "Si Miss Ortega nga, Boss A?" tanong naman ni Rusco na kakabalik lang dito sa parking area. Kinuha niya kasi ang mga baril sa basement na gagamitin namin. "Yeah," sagot ko sa kanya. "Hindi pa sure," kontra ni Scheben. "Let's go," sabi ko pagkatapos kong lagyan ng bala ang 9mm Tisas Zigana pistol ko. "Ready na rin ang mga tao natin, Boss A. Nasabihan ko na ng dapat gawin." This is what I like about Rusco, kumikilos kahit hindi pa inuutusan. "No need. They're just simple thugs." I'm sure na hindi naman konektado si Miss Ortega sa mga bigtime crime organizations at simpleng kidnap and ransom lang ang pakay niya just like the previous cases na nangyari rin kay Blaze. Their kidnapping tactics are the same. It's lame. "Wala ka bang tiwala sa ating apat, kapre?" Hanschu. "Sa ating apat meron pero kapag ikaw lang wala," pangbabara ni Rusco. "Burn! Nice one, kapre!" gatong naman ni Scheben. "Anong gagawin natin kay Miss Ortega, Boss A?" Rusco. "Kill her," seryoso kong sagot. "Kanina lang pinaghihinalaan mong siya si Kate tapos ngayon gusto mo na siyang patayin. Siguraduhin mo lang na hindi ka magsisisi sa huli." Scheben. "I was just confused earlier, okay? But if she's Kate, she wouldn't kidnap her own son for money." "Paano kong mali ka ng hinala?" Scheben. "Kill her still. She will soon find out that we are not just ordinary people and that I am not just a businessman. She will definitely tell the police if we let her go." Well, I am not afraid of the police, but what worries me is that she could possibly ruin our plan if the police start to investigate. Ayokong masira ang mga plano namin para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Kate at ng pamilya niya. Nangako ako kay Kate at ayokong maging hadlang si Miss Ortega sa pangakong 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD