CHAPTER 1: HIS PROPOSITION

3161 Words
KAILLE ORTEGA NABASA ko sa website ng Castellano Corporation noong nakaraang linggo na hiring sila kaya sinubukan ko rin na magpasa ng resumé sa kanila. Isang successful na wine company ang CC at kilala ito kaya hindi ko inasahan na tatawagan nila ako para sa interview. Nandito ako ngayon sa harap ng entrance, nakatayo. Kinakabahan ako kaya pinapakalma ko muna ang sarili ko. Nang makaipon na ako ng lakas ng loob ay pumasok na ako. Bumungad sa akin ang limang lalaki na nakasuot ng midnight blue na suit at may earpiece silang suot. Kung hindi nila iniscan ang buong katawan ko at chineck ang shoulder bag ko ay hindi ko aakalain na security sila dito. Ang good-looking kasi nilang lahat at mukhang hindi nagkakalayo ang mga edad namin. "Anong sadya mo rito, Miss?" tanong ng isa sa kanila. "Job Interview." Matapos kong sumagot ay in-escortan ako ng isa sa kanila papunta sa reception area. Umalis din siya kaagad matapos niya akong ihatid. "Good morning, Ma'am!" abot tengang ngiti na bati ng receptionist. "Good morning!" nakangiti ko ring bati. "I'm looking for the HR representative named Miss Lourdes," sunod kong sinabi. "for a receptionist job interview. Ma'am, pumunta po kayo sa 5th floor. Nandoon ang HR office." "Paano mo nalamang interview ko sa receptionist job?" nagtatakang tanong ko. Hiring kasi sila sa iba't-ibang posisyon kaya nagtataka kung bakit inisip niya kaagad na receptionist ang inapplyan ko. "Ngayon po kasi at hanggang bukas lang ang schedule ng interview para sa receptionist job. Marami po kasi ang gustong makapasok dito sa CC. Dinagsa kami ng mga aplikante kaya ginawa nalang by schedule ang interview sa bawat posisyon." Ah. Kaya pala. "Salamat." "Sana makapasa ka para ikaw ang makakasama ko rito." Hindi mawala-wala ang mga ngiti niya. "Gagalingan ko para ako ang makasama mo rito," sagot ko sa kanya sabay tumalikod na at dumirecho sa isa sa mga elevator dito. Lumabas ako sa elevator nang marating ko na ang 5th floor. Napahinto pa muna ako sa hallway nang makaramdam ulit ako ng kaba. Sandamakmak na interview ang naranasan ko dati bago ako nakapagturo, pero ewan ko kung bakit parang hihimatayin ako sa kaba ngayon. Huminga muna ako ng malalim bago tinuloy ang aking paglalakad sa hallway papunta sa HR office. Nang marating ko ang HR office ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Pagbukas ko ng pinto tumambad sa akin ang mga busyng HR representatives na nag-iinterview at mga taong busyng ini-interview. Lumapit ako sa isa sa mga HR representatives na walang iniinterview as of the moment, pero busy rin ito sa pagtingin sa mga hawak niyang resumé. "Good morning!" masiglang bati ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Nakakunot ang noo niya at panay kamot sa ulo niya habang tinitingnan ang mga resumé na hawak niya. "Sorry for the distraction, but I am looking for Miss Lourdes. May I ask where she is?" "Absent si Lourdes today. You can comeback tomorrow," masungit niyang sagot. "Salamat." May follow up questions pa sana ako kaso mukhang stress na siya baka sa akin pa niya mabuntong. Hinihintay kong magbukas ang elevator para makababa na ako pero nang magbukas ito ay bumungad sa akin ang apat na lalaki at isang babae. Ang nakakuha ng atensyon ko ay si Mr. Castellano. Hindi nabigyan hustisya ng tv at magazines ang perpektong pagkahulma ng mukha niya. For me, the most attractive part of his face was his eyes—he has seductive, devilish hazel eyes na kumompleto sa natural na intimidating niyang aura. Tingin pa lang niya ay matatakot ka na at nakatingin siya sa akin ngayon kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit mukha akong istatwa na nakatayo lang sa harapan nila. "Miss, pakisara ng bibig mo baka may tumulo," biro ng lalaking matangkad na payat kaya kaagad kong tinikom ang bibig ko. Hindi ako aware na naka-nganga ako. Gusto ko tuloy magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan. "Ang gago mo talaga, tingting," natatawa namang sabi ng lalaking sobrang puti. "Miss, papasok ka ba o hindi?" masungit na tanong ng babaeng nakasecretary attire nang pasara na ang pinto. Nataranta ako kaya pumasok nalang ako sa loob ng elevator. Sa bandang likuran lang ni Mr. Castellano may space kaya dito ako pumuwesto. Naaamoy ko ang amoy ng iba-ibang pabango nilang lima. Nagtatalo ang mga amoy ng pabango nilang sumisigaw mamahalin. Bumulong si Mr. Castellano sa babae pero wala akong narinig sa sobrang hina. Sinilip ako ng babae sa bandang likuran ni Mr. Castellano kaya yumuko ako. "I'm Tracy, Mr. Castellano's secretary. May I know your name please, Miss?" Kanina ang sungit niya pero ngayon mukhang friendly na siya. Kahit nagtataka ako kung bakit niya tinatanong ang pangalan ko ay binigay ko nalang. "Uhm...I'm Kaille Ortega," nahihiya kong pagpapakilala. Inabot niya ang kamay niya sa akin. "Halika dito. Dito ka." "Hindi na. Dito lang ako," tanggi ko. Pinapalipat niya kasi ako sa tabi ni Mr. Castellano. "You forgot your employee ID? Saang department ka?" "Hindi pa po ako empleyado rito. Nandito lang ako para sa job interview." "What job?" "Receptionist." "How did it go? Are you hired?" "Unfortunately absent yung mag-iinterview sana sa akin kaya babalik pa ulit ako bukas." Bumulong ulit si Mr. Castellano kay Tracy. Bakit kaya bulong siya ng bulong? "Hindi mo na kailangang bumalik pa bukas, Miss Kaille—" Biglang bumukas ang elevator pagkarating namin sa fifteenth floor kaya naputol ang sasabihin niya. Ay teka! Fifteenth floor? Paakyat pala sina Mr. Castellano hindi pababa? Ngayon ko lang napansin! Naunang lumabas si Mr. Castellano sumunod naman ang tatlo pang lalaki. Nagulat naman ako dahil bahagya akong hinila ni Tracy palabas sa elevator kahit hindi naman dito ang destinasyon ko. Pagkalabas namin ng elevator ay binitawan niya ako sabay mabilis siyang naglakad para mahabol si Mr. Castellano. Hinabol ko rin si Tracy dahil nabitin ako sa dapat na sasabihin niya. "Ano po ang ibig mong sabihin na hindi ko na kailangan bumalik bukas?" "Just follow me. Mr. Castellano wants to see you in his office." Kahit nagtataka ako kung bakit ako pinapapunta ni Mr. Castellano sa office niya ay sinunod ko nalang ang sinabi ni Tracy. Malalaki ang hakbang niya kaya patakbong-lakad ang ginawa ko para hindi niya ako mapag-iwanan. Binuksan ni Tracy ang pinto na may nakalimbag na "CEO". "May aasikasuhin ako kaya hindi na kita masasamahan sa loob," paalam niya sabay iniwan na ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan siyang maglaho sa paningin ko bago ako pumasok sa loob. Nang makapasok na ako ay napanganga ako ng bahagya dahil sa laki ng opisina ni Mr. Castellano at sa ganda ng view na makikita mula rito. Inikot ko ang paningin ko sa loob ng opisina pero hindi ko makita si Mr. Castellano. Ang tanging nandito lamang ay ang tatlong kasama niyang mga lalaki kanina. "I think hobby mo yata ang ngumanga," natatawang sabi ng lalaking matangkad na payat. Nakaupo siya sa taas ng office desk at pinapakialaman ang mga papeles na nakalapag doon. "I'm Boris, but "gwapo" will do," pakilala niya sabay kindat. "Baka kamo "gago"," kontra ng lalaking sobrang puti. Nakasandal siya sa pader habang nilalaro sa kamay niya ang hawak niyang ballpen. "f**k YOU!" sigaw ni Boris sa lalaking sobrang puti habang pinapakita pa ang gitnang daliri niya. "ULOL GAGO!" sigaw rin pabalik ng lalaking sobrang puti sabay binato kay Boris ang hawak niyang ballpen. Natamaan naman sa mukha si Boris. Binalingan ulit ako ng atensyon ng lalaking nakasandal sa pader. "Hi, gorgeous! Ako pala si Damon, ang pinakagwapo." Oo na, gwapo na kayo hindi na kailangang sabihin pa kasi may mata naman ako. Bumalik sa bangayan ang dalawa kaya hindi na ako nag-abalang magpakilala pa sa kanila dahil nasabi ko namana kanina ang pangalan ko sa elevator. Nahagip ng paningin ko ang lalaking moreno na matangkad na kasama rin nila kanina kaya nilapitan ko siya. Tahimik lang siyang nakaupo sa isang sulok ng sahig habang nakatutok sa cell phone niya. "Hi! Ikaw anong pangalan mo?" "Draco," sagot niya habang naglalaro ng mobile game. "Nasaan si Mr. Castellano?" "GET OUT, BEFORE I FREAKING KILL BOTH OF YOU!" bulyaw ni Mr. Castellano sa dalawang nagbabardagulan malapit sa office desk niya. Bago siguro ako makalabas dito sa opisinang ito ay bingi na ako. Ang hilig nilang magsigawan. Ganito yata magbonding ang mga mayayamang magtropa biglang nagsisigawan at nagmumurahan. Nagmadaling lumabas ang dalawa habang hindi naman gumalaw si Draco sa kinauupuan niya. Nagsisigawan na ang mga kaibigan niya laha't-lahat pero siya busy parin sa kakalaro sa cell phone niya. "Anong ginagawa mo pa diyan, kapre? Privacy sabi ni Boss A," sabi ni Damon habang nakasilip sa pinto. Nakalabas na si Draco pero nanatiling nakasilip si Damon sa pinto. Nakangisi siya at may panunuksong tingin kay Mr. Castellano. Nang maglakad si Mr. Castellano papalapit sa kanya ay kaagad niyang sinarado ang pinto ng malakas. Napakaloko! Naglagay si Mr. Castellano ng upuan sa harap ng office desk niya. "Sit here, Miss Ortega." Nanlamig at nanghina ako sa sobrang cold at manly ng boses niya. Minsan ko ng narinig ang boses niya sa tv pero iba pala ang epekto kapag sa personal. Pakiramdam ko siya ang tipo ng tao na kapag may sinabi o may ipapagawa sayo ay mapapasunod ka nalang kaagad dahil sa natural na maawtoridad niyang boses. Matapos kong umupo ay nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Naiilang kasi ako sa mga titig niya at isa pa ang lapit lang namin sa isa't-isa. Tanging office desk lang niya ang pumapagitna sa aming dalawa. "Tell me about yourself," pormal niyang sabi kaya napaangat ako ng tingin sa gulat. "Ikaw ang mag-iinterview sa akin, Mr. Castellano?" tanong ko habang halos lumuwa na ang puso ko sa sobrang kaba. "Pwede ka ng umalis kung ayaw mo," seryosong sabi niya. Nang akma niyang buksan ang laptop niya ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya para pigilan siya. "Gusto ko, Mr. Castellano," nakangiti kong sagot. Omg! Ang swerte ko, owner mismo ang interviewer. Tumikhim siya habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa kamay niya kaya mabilis ko itong tinanggal. "So, tell me about yourself." "Good morning, Mr. Castellano. First of all, I would like to thank you for giving me this opportunity to introduce myself. I am Kaille Ortega, 25 years old and I am currently living in La Paz, Makati. I graduated with a Bachelor of Early Childhood Education from a state university. I am a former educator, but I resigned for personal reason. My family consists of four members, including my parents, my sister, and me, but my parents have died of sickness. I don't have any fun hobbies because I don't have time to do so. My strengths are that I am a quick learner and that I am hard-working and self-motivated. That's all about me," dire-diretso kong sagot sa kanya. "You do have a sister. Is she your twin, or do you perhaps have a twin sister?" "Hindi kami kambal ng kapatid ko at sigurado rin akong wala akong kambal, Mr. Castellano. Bakit mo tinatanong?" "Nothing. You said earlier that you were applying for a receptionist position. So, what do you think is the most essential quality for a receptionist to have?" "Mr. Castellano, a great receptionist should have excellent organizational skills and, most importantly, they should have a positive and friendly attitude at all times because this job is usually the first point of contact for customers," confident kong sagot habang nilalabanan ang mga titig niya. Actually, naiilang ako sa mga titig niya kaya nahihirapan akong makipag eye to eye contact ng matagal sa kanya. Para kasi niyang binubusisi ang mukha ko. "How do you keep yourself organized?" "Well, Mr. Castellano, I am naturally a very organized person. I have certain materials that I use to keep myself organized, such as a calendar for making sure I won't miss any of my commitments and to-do lists to make sure that I get everything done." Binibilugan ko ang mga araw sa mini calendar ko kung kailan ako may commitments. May sticky notes din ako na kung saan nakalista ang mga "to-do" ko araw-araw tapos dinidikit ko sa pader ng kwarto ko para hindi ko makalimutan. "Have you applied for any other job opportunities?" "Yes, Mr. Castellano, since I'm currently unemployed. I am actively pursuing a few different opportunities. Luckily, your company, a well-known company, called me first, so it's such an honor for me to have a position here if ever." "You said earlier that you were a former educator. Why did you give up such a noble profession if you were to look for job opportunities afterward?" "I need to give it up for the moment, Mr. Castellano. I was an early childhood educator before, but I resigned due to my sister's condition. She has stage four leukemia, and she needs constant care and attention. We only have each other in life, so there is no one else who would take care of her. That's why I resigned." Hindi biro ang maging isang guro dahil kailangan mo talaga itong paglaanan ng oras at panahon. Nawawalan na ako ng time para sa kapatid ko kaya pansamantala ko muna itong binitawan. "If I hired you, who would take care of your sister?" "Mr. Castellano, for the time being, there is someone who constantly looks out for her in the hospital when I'm not there." "It's just for the time being. How can you convince me that your sister's condition won't affect your work? that you will not resign abruptly?" panggigisa niya sa akin. "Mr. Castellano, I assure you that my personal problems won't affect my work, and I will not resign abruptly either." "So, why should I give you this job?" tanong niya habang sumasandal sa office chair. "Mr. Castellano, if you select me for this position, I can assure you that I have all the qualities that I've mentioned in your first question. Also, I love putting my heart and my all into everything that I do, so I think that would make me worth it for this position," benta ko sa sarili ko. "You're good, but I'm sorry I can't give you any position in my company." Bumagsak ang buong pagkatao ko sa narinig ko. Hindi dahil hindi ako tanggap pero dahil pakiramdam ko una palang ay wala na siyang balak ihired ako. "Good, but not enough. I understand. Well, thank you for speaking with me anyway, Mr. Castellano. Have a great day," paalam ko habang tumatayo at sinusukbit ang shoulder bag ko sa balikat ko. Tumayo siya sa office chair niya sabay hinawakan ang braso ko para pigilin akong umalis. "I didn't mean it that way, Miss Ortega. Actually, Tracy was directed to bring you here to my office for another reason." Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko. "So, what's the interview for?" irita kong tanong. Pinahirapan pa niya ako sumagot iba naman pala ang pakay niya. "With this interview, I got to know you somehow." "Pinagtitripan mo ba ako, Mr. Castellano? Sana tiningnan mo nalang ang resumé ko kung gano'n at sana una palang sinabi mo na ang totoong pakay mo para hindi na tayo nagsayangan ng oras." "You were an early childhood educator, so I guess you like children." "So?" masungit kong sagot dahil hindi ko alam kung saan pupunta itong usapan. "I have a proposition for you." "Hindi ako interesado sa kung ano man yan, Mr. Castellano. Nandito ako para mainterview. Hindi para makipagdeal sayo." "Sit down and hear me out, Miss Ortega." Umupo naman ako kaagad ulit. Umupo rin siya ulit. "Would you like to live in my house?" Nasamid ako dahil sa sinabi niya kaya inabot niya sa akin ang bottled water na nakapatong sa office desk niya. "Bakit naman ako titira sa bahay mo?" tanong ko matapos kong inomin ang tubig na binigay niya. "I want to hire you as my son's instant mom." This time sunod-sunod na ubo na ang pinakawalan ko dahil sa pagkasamid ko sa sarili kong laway. Bukod sa nagulat ako na may anak na pala siya, para rin kasing wala lang sa kanya ang pag-alok niya sa akin na maging ina ng anak niya. "Baliw ka ba? I mean, bakit mommy? bakit hindi tutor or yaya?" Kapansin-pansin ang inis sa mukha niya. "Is it crazy to find someone who will take care of my son?" "Bakit ako? at sino naman kasi ang matutuwa kung isang araw ay bigla nalang may aalok sayo na maging isang magulang?" "I feel like I can trust you. One more thing: you have experience when it comes to children, so you know how to handle them. My son grew up without a mother beside him, so I guess what he needs is not a nanny nor a tutor but a mother." Nakaramdam ako ng kirot sa puso nang marinig ko na lumaking walang ina ang anak niya. "Mas malaking responsibilidad ang pagiging isang magulang kumpara sa pagiging guro ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko kaya I'm sorry, Mr. Castellano, I have to say no." "I will quintuple the receptionist's salary as your salary if you accept my offer. I trust this will make it worth it." Napalunok at biglang nagising ang diwa ko. Hindi ako mukhang pera, nangangailangan lang talaga ako. Nakaschedule na ang chemotherapy ng kapatid ko pero ubos na ang savings ko kaya naghahanap ulit ako ng trabaho ngayon. Ang laking tulong na nang inaalok na sahod ni Mr. Castellano kaya sigurado akong kapag tinanggihan ko siya ay manghihinayang ako't magsisisi. Isa pa, sigurado akong hindi na ako makakahanap ng trabaho na may ganito kalaking offer. "Kailangan ba talagang doon ako titira sa bahay niyo?" interesado kong tanong. "Yes, Miss Ortega. Kailangan." "Okay, accepted, but with a condition," argumento ko sa kanya. "Name it," mabilis niyang sagot. "I need three days off a week if it is not too much for you." Alam kong sobra itong hinihiling ko sa kanya. "I guess it's for your sister's. Sure, reasonable enough." "I will be your son's instant mom then," matapang na sabi ko kahit kinukumbinsi ko pa ang konsensya ko kung magagampanan ko ba ng maayos ang trabaho ko. "My son will be very happy to meet you for sure," sabi niya na para bang siguradong-sigurado siya na matutuwa talaga ang anak niya na makita ako. Malalaman mong mahal niya ng sobra ang anak niya dahil sa tuwing binabanggit niya ito ay kumikislap ang mga mata niya pero mabilis din nawawala ang kislap na iyon dahil mabilis siyang bumabalik sa kung ano talaga siya—cold at business-like demeanor. "Salamat, Mr. Castellano. Aalis na ako," paalam ko matapos kong tumayo. "Tracy will give you my address on your way out. See you tomorrow, Miss Ortega." "Bukas agad?" nanlalaking mata kong tanong. "Yes, you'll start tomorrow." "Noted, Mr. Castellano. See you again tomorrow." Tinanguan niya ako habang binubuksan ang laptop niya. Naglakad na ako palabas at bago ko tuluyang isara ang pintuan ng opisina niya ay naghuling sulyap pa muna ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD