Nicole NAKANGUSO akong pumasok ng kwarto habang bitbit ko ang mga pinamili ko. Ngunit napatigil ako sa pinto nang magtama ang tingin namin ni Jason. Prente siyang nakahiga sa kama, walang damit pang-itaas, nanonood siya ng TV. Inilagay ko sa sahig ang mga pinamili ko para maiwasan ko ang tingin niya. Siya naman ay nakita ko na ibinalik ang atensyon sa panonood. Alam ko naman na may kasalanan ako, pero parang napaka-OA naman niya, para naman akong bata na walang kaalam-alam. Bumuntong-hininga ako tyaka kumuha ng damit sa closet tyaka ako naligo sa banyo dahil pakiramdam ko ay sobrang puno ako ng alikabok dahil sa labas ako galing. Enjoy na enjoy pa naman ako sa labas tapos ito ang madadatnan ko? Bw*sit! Lumabas ako ng banyo, syempre nakabihis na ako, wala akong balak na magbihis sa har