Nicole UMALIS si Jason matapos namin magtalo kagabi. Hindi ko namalayan kung anong oras siya nakauwi dahil tuloy-tuloy ang tulog ko dahil sa sobrang pagod na para bang binugbog ng ilang tao ang katawan ko. Sa kauna-unahang pagkakataon, nawalan ako ng gana na mag-ayos bago lumabas ng kwarto. Bigla ay tinamad ako. Pagod na pagod na ako sa buhay ko dito, kung pwede lang at kung may pagpipilian lang, umuwi na sana ako doon sa bahay namin kung saan mas maayos ang buhay ko. I can stop myself shopping, I can change my spending habits, lahat ng parte ng lifestyle ko, I can adjust all of that basta lang makaalis ako sa impyernong 'to. Matapos kong makapaghilamos ay tyaka ako lumabas ng kwarto at bumaba, akala ko ay mag-isa na naman ako dahil late na akong nagising, ngunit nakalimutan kong Lingg