Chapter- 11

2091 Words

Wedding day… Para kay Pauline, ang araw na ito ang pinaka masayang mangyayari sa buhay niya. Ang kaisa isang lalaking minamahal, ngayon ay magiging asawa na niya. Kailanman ay hindi inakala na darating ang araw na iyon. Akala niya ay hanggang pangarap na lang at kailanman ay iyon matutupad. “Hija, bakit ka umiiyak?” “W-wala naman po, masayang masaya lang ako.” “Please take care of our son, sana ay patuloy mo siyang mahalin at intindihin anuman ang mga kahinaan niya. At ang magiging pagkukulang bilang asawa ay patuloy mo sanang unawain. Huwag mo sanang susukuan ang anak namin.” “Pangako po Tito Tita, na mamahalin, iingatan at igagalang ko po ang inyong anak.” “Salamat hija, huwag ka ng umiyak at siguradong parating na ang iyong groom.” Tumango na lang siya, kahit ang totoo ay hindi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD