Samantala ay hindi pa man lang sila nakarating ng market ay biglang nag iba ang takbo ng sasakyan nila. “s**t! Na plat ang gulong kaya magsi baba kayo!” “Paano yan, malayo yata tayo sa talyer?” “Mag abang kayo ng taxi at daanan nyo ako sa unang talyer na makikita nyo.” “Kung bakit kasi ang jeep na yan ang naisipan dalhin eh!” “Huwag mo parinig kay Kuya Kyle ang tungkol sa jeep. Magagalit yon alam nating lahat kung gaano kamahal ang antiq na sasakyan niya.” “Nasaan ang sasakyan na binigay ni Brix sa lokong yan?” “Ayon at balot na balot ng kumot, kulang na lang ay gawin ng asawa. Hindi naman ginagamit ay araw araw pa rin yatang nililinis.” “Magdadaldalan na lang tayo o sisimulan na nating maglakad. Sa lugar na ito sa akala nyo ba ay may dadaan na taxi?” Subalit may isang pick up na