Laura Perez: Chapter 10

1247 Words
LAURA "Urgh..." Napahawak ako sa aking ulo ng sumakit ito dahil sa pag-upo ko. Nasaan ako? Puro puti ang nasa paligid ko. "Miss, ayos ka na ba?" Napatingin ako sa kaliwa ko. May lalaki. Sino siya? "Nasa'n po ako? Ano pong nangyari sa akin?" I asked. "Wait lang, Miss, ha? Pupuntahan ko lang iyong mga nurse. Nakita kasi kitang nahimatay sa kalye, e." Tumango ako rito at iniwan ako. Ano bang nangyari sa akin? Ang huling natatandaan ko, e, iyong nakita ko si Aleric na may kargang baby... Na... Na niloko lang pala niya ako. Na pinaglaruan niya lang ako. May tumulong luha sa aking mga mata at agad ko itong pinunasan. Sabi niya ako lang? Sabi niya hindi siya magsasawa. Sabi niya papakasalan niya ako. Puro sabi lang ba iyon? Nakita ko iyong lalaking pabalik dito na may kasamang dalawang nurse. Chineck nila ako at tinanong kung anong nararamdaman ko. Sinabi ko namang ulo na lang. "Ms?" Tumingin ako sa kanya. "L-laura po," sabi ko rito. Tumango ito sa akin, "buntis po kayo. Two weeks na po kayong buntis. Dapat po hindi kayo ma-stress, Ms. Laura." Ha? Napatulala ako sa sinabi niya. Paano ko sasabihin sa kanya? Kung may asawa naman pala siya at anak. Lalo akong napaiyak buti na lang wala na iyong mga nurse. "Ms? Ayos ka lang? Hindi ka raw pwede ma-stress. M-may gusto ka bang kainin? Bibilhin ko." Napatingin ako sa kanya. He's cute. "Ha? W-wala naman." I smiled, "m-may naghanap ba sa akin habang tulog ako? May pumunta ba rito?" He shooked his head. Wala. Kinalimutan na ba niya ako? Pinaglaruan lang niya ba talaga ako? Bakit sobrang sakit? Huminga akong malalim at pinigilan umiyak. Hindi ka na iiyak sa kanya, Laura. You're brave girl, right? Don't cry for a fck boy. He doesn't deserve your cry. "What's your name, Mister?" I asked. Siya iyong tumulong sa akin. Tapos, hindi ko alam kung anong name niya. "I'm Aaron Franco, Laura. Mukhang we're same age? Ilang taon ka na?" He asked. "Twenty." Agad kong sabi. Nagulat siya, "really? Mas matanda ako sayo," sabay tawa niya. "I'm t-twenty-one Call me kuya Aaron." Tawa na naman niya. Nababaliw na yata siya? Nakakatakot. Inayos niya ang kanyang sarili, "I'm sorry. Akala ko kasi we're same age. Mas matanda pala ako sayo. Sa'n ka nakatira? Ihahatid na kita sa inyo." Umiling agad ako rito. "Ayokong umuwi sa amin. Please, ayoko. Isama mo ko sa inyo." Nagmamakaawa ako sa kanya. Baka kasi pag-umuwi ako, ipalaglag ni Aleric iyong baby ko. Kasi, may anak na siya at kay asawa siyang tao. Ayoko. Ayokong ipalaglag niya ang baby ko. "Hah?" Napakamot siya sa kanyang buhok, "paano ba ito? Baka pagalitan ako nila Dad. Ah! Doon ka na lang sa apartment ko. Malapit lang dito. Come on?" Inalalayan niya akong tumayo sa kama. Ito pa rin naman ang suot ko. Walang nagbago. Nang makalabas kami, nagtanong ako sa kanya, "ilang oras na akong tulog?" Tumingin ito sa akin, "two or three?" Tumango ako sa kanya. So, sa tatlong oras na iyon, hindi man niya ba ako hinanap? Wala na ba siyang pake sa akin? Pinabayaan niya lang ba ako? Naglakad lang kami ni Aaron. Malapit lang kasi ang apartment niya rito. "Sorry ha? Walang kotse," sabay tawa niya. "Okay lang. Sanay naman akong maglakad." Tumango ito. Pakiramdam ko bakla ang isang 'to. Iyong lakad niya parang kumekembot. Iyong pilintik ng kanyang daliri ang lambot. Pumasok kami sa isang building dito. Almost thirty minutes lang kami naglakad. Umakyat kami sa elevator, pinindot niya ang second floor. Pagkababa namin pumunta siya sa 209 na room. "Uunahin na kita, Laura, hindi malaki ang apartment ko, ha?" Tumango ako. Pagkabukas niya. Hindi nga gaanong malaki. "Ito ang apartment ko. Dito ako ng Monday to Friday. Para malapit sa university na pinapasukan ko. Dito ka muna ngayon. Diyan ka lang ha? Bibili lang akong food mo. Feel at home lang." He smiled. Lumabas siya kaya naiwan ako rito. Sana nag-aalala ka, Aleric. Sana hinahanap mo ko. ## Two days na kong hindi umuuuwi sa bahay ni Aleric pero inanino niya hindi ako hinahanap. Pinabayaan na ba niya ako? Kasi may asawa naman na siya? O, baka naman? Nakahanap ulit siya ng bagong pagsasawaan? Nandito pa rin ako sa apartment ni Aaron. Nu'ng bumalik siya galing sa labas nung unang araw ko rito. Tinanong ko siya kung babae ba siya, then, tumango siya. Iyon nga lang hindi alam ng parents niya. Natatakot siyang magsabi. Sabi ko nga sa kanya, magpakatotoo na siya kasi hindi habang buhay natin na malilihim ang ating sikreto. Maya niya alam na rin pala ng parents niya ang tungkol sa kanya. Sinagot lang niya sa akin, kukuha at mag-iipon siya ng lakas nang loob para masabi sa magulang niya. "Laura? Tara na. Bili na tayo ng healthy foods for your baby. I'm so excited, ako kunin mo ninang ha?" Ngumiti ako rito at tumango. "Oo naman, Aaron. Ikaw pa ba?" Nakakatuwa lang kasi pagbalik niya nu'ng unang araw ko rito, bumili siyang damit ko and undies, nakakahiya nga, e, pero kiber daw niya. Pusong babae rin naman siya. "And, bibilin tayo ng damit ko. Paulit-ulit lang iyong damit na sinusuot mo, Laura. Ako bahala. Okay?" Nakakahiya man pero tumango na lang ako. Wala naman akong pera. Iyong phone ko at sling bag ko nahulog ko yata habang tumatakbo ako. "Bakit dito tayo pumunta?" I asked. Nasa mall kami. Ang mamahal ng mga bilihin dito. "Don't worry. May budget ako para rito." He smiled at hinila ako sa aking kamay. "Wala akong pambayad ha? Utang muna, Aaron. Kapag nagkawork ako, babayaran ko rin." Sabi ko sa kanya. Pumunta kami sa department store. Ladies section ayon sa nabasa kong karatula. Buti na lang talaga hindi pa ako naglilihi. Ayon sa napanood namin ni Aaron, nasa second trimester daw ng pagbubuntis ang paglilihi. Inangat niya ang isang damit. Ang ganda. Tinapat niya ito sa akin, "Ito maganda sayo at bagay." Tinignan ko ang price tag. "Ang mahal, Aaron." Pigil ko sa kanya. Kakaloka iyong price. 899.00? Seryoso? "Ganito talaga dito, Laura. Maganda namang klase ang ganitong tela." Nilagay niya ito sa basket namin. Hala? May kinuha pa siyang iba at nilagay sa basket namin. Pagtumututol kasi ako, nilalagay pa rin niya. "Doon naman tayo sa children's section. Bili tayo for your baby, Laura." Pinigilan ko siya. "Maalit pa kaya. Sa susunod na lang, Aaron." Ani ko rito. "Mas maganda kapag namimili ka na, kahit paisa-isa para di ka magkumahog kapag manganganak kana." Lagi talaga akong talo rito. Namimili ako rito ng damit nang may mahagilap ako. Sino nga ito? Namumukhaan ko siya. Nakita ko na siya kung sa'n. Oh s**t! I-it's, Steven, right? Napaatras ako nang makita niya ako. He smirked at me. Tumingin sa gawi ko iyong kasama niyang babae. "Siya si Laura, diba?" Rinig kong sabi niya kay Steven. Napalunok ako at agad na hinila si Aaron. Nagulat siya sa paghila ko pero wala akong pake. Need na namin bayaran ito at makauwi. "Anong nangyayari sayo? Namimili pa ako ng damit." Ani nito. Tumitingin ako sa paligid, sana siya lang. "Uy, Laura?" Napaigtad ako nang kalabitin niya ako. "W-wala, Aaron. Nahihilo lang ako. Gusto ko ng magpahinga." I smiled. Another white lies. Sana hindi niya kami maabutan paniguradong tumawag na iyon kay Aleric. Tinignan ko ang pila ng counter, bakit ang haba? Christmas is coming na kaya ganito. Lalo akong kinabahan ng makita ulit si Steven habang winawagayway ang kanyang phone. Oh s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD