Laura Perez: Chapter 9

913 Words
LAURA Hindi ko alam pero pagkauwi ni Daddy, natataranta na siya. Tinatanong ko siya pero ayos lang naman daw siya. Hanggang sa sumunod na linggo, ganoon pa rin siya. Pagkauwi niya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako kay Daddy. Inabangan ko si Daddy sa kanyang room, ilang araw na rin niya ako hindi pinapansin. May iba na kaya siya? Akala ko ba ako lang doll ni Daddy? Kung sino man ang babaeng nagpapasaya kay Daddy ngayon, masasampal ko siya! Urgh! Naka-underwear na lang ako at hinihintay si Daddy Aleric na makauwi. Inabot na ko ng gabi rito pero wala pa siya. Saan ba siya pumupunta? Kinuha ko ang aking phone at tinawagan siya. Kinakabahan na talaga ako. Baka kung ano na nangyayari sa kanya. Ilang ring bago siya sumagot sa aking tawag. "Daddy? Where are you po? Alas-siyete na po, hindi pa po kayo umuuwi." Sabi ko rito. "Nasa kaibigan lang ako, Laura. Wag mo na akong hintayin. Matulog ka na." Napaiyak ako dahil sa sinabi niya. "Pero... Pero, Daddy... Hihintayin po kita ha? Uwi ka na po, Daddy..." Narinig kong nagbuntong hininga siya sa kabilang phone. "Okay, Laura. Matulog ka na." Laura? Nawala na iyong doll? Hindi na ba niya ako mahal? Sawa na ba siya sa akin? Kasi... Kasi nakuha na niya ako? Napaiyak ako at pinunasan ko ang aking luha na tumulo sa aking pisngi. Pumasok ako sa aking k'warto at nagsuot ng damit. Gusto ko na lang umalis dito. Ayaw naman niya sa akin, e. Wala na akong kwenta sa buhay niya? Nakahanap na ba siya ng bago? Nakatulog na lang ako lahat-lahat, pero, walang Aleric na pumunta sa aking k'warto. Naghilamos ako at naligo na rin. Nagsuot ako ng magandang damit. Bumaba ako sa sala, tinignan ko ang dinner hall namin pero wala siya. "Manang, si Daddy po?" Tanong ko kay Manang na makita kong lumabas siya sa kusina. "Hindi umuwi ang Daddy mo, Laura. Hala, sige, kumain ka na, Iha. Bagong luto ang mga iyan." Tumango ako at umupo sa lamesa. Nakakalungkot. May bago na yata siya. Kumain ako nang tahimik, tanging kubyertos lamang ang naririnig sa lamesa. Hindi na rin kami sabay kumain, ayon ang ayaw niya. "Manang, tapos na po ako kumain. Salamat po." Tumayo na ko at pumasok ulit sa aking k'warto. Tinext ko si Daddy Aleric, "Daddy? Hindi ka po umuwi? Nasa'n ka po ba? Miss na po kita. Uwi ka na po." Sent. Tinadtad ko siya ng text pero ni-isang reply, wala akong nareceive. Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay ang kanyang phone. Bumaba ako at kinausap ang driver ni Daddy, "Manong Tony? P'wede po ba pahatid sa company ni Daddy? Dadalhan ko lang po siya ng food. Please po..." Pagmamakaawa ko rito. Wala siyang nagawa kaya tumango siya. "Mapapagalitan ako nito ni Sir, Ma'am Laura. Pero, sige po. Hatid ko na po kayo." Natuwa ako at nagpasalamat kay Manong Tony. Kinuha ko ang apples and menudo na niluto ni Manang kanina. Wala pang isang oras, nandito na kami sa company niya. Anderson's Steel Company. Pinagbuksan ako ni Manong ng pinto at sinamahan ako papasok sa company. Sinita kami nu'ng guard kung sino ang pakay namin buti na lang nakilala nila si Manong Tony. "Kasama ko, boss. Anak ni Sir Anderson." Wika nito sa guard. "Ah-gano'n ba, Kuya? Sige, nand'yan na si Sir Anderson. Maaga dumating." Maaga dumating? Hindi nga siya umuwi sa amin. "Tara na, ma'am?" Tumango ako rito at sinundan siya. Pumasok kami sa elevator at pinindot ang fourth floor. 'Di kalakihan ang kanyang building. Nang makalabas kami, "Ma'am, iyan po iyong office ni Sir Aleric po. Kayo na lang po pumasok. Hintayin ko na lang po kayo rito." Tumango ako sa kanya at nakita ko siyang umupo roon sa waiting area. Walang tao sa labas. Walang nakaupo roon sa lamesa. Dito siguro iyong secretary niyang nakaupo. Nasa'n kaya iyon? Huminga akong malalim at dahan-dahan kumatok sa pinto niya. Nakailang katok ako pero walang nagbubukas. Wala bang tao? Pero, sabi nu'ng guard kanina pa siya dumating. Anong nangyari? Pinihit ko ang kanyang door knob, dapat pala... Dapat pala hindi ko ginawa. Nakita ko si Daddy Aleric, may hawak na baby at sa kanyang harap ay may isang babaeng maganda. Bagay sila. Mukha silang isang maganda at masayang pamilya. Ito ba ang dahilan? Ito ba iyon? Kaya ba siya hindi umuuwi at late ng umuwi sa amin... Kaya ba naging malamig siya sa akin? Ang sakit. Ang sakit-sakit. Pinaglaruan niya lang ba ako? Pinagsawaan? Sinarado ko ulit ang pinto. Pinunasan ko ang aking luha sa aking pisngi at umalis na. Nakita ako ni Manong pero 'di ko siya pinansin. Nagdire-diretso lang ako. Tumakbo. Hindi ko alam kung sa'n ako pupunta. Sobrang sakit. Ganito ba magmahal? Masakit. Sana hindi niya na lang ako inampon. Masaya na iyong buhay ko, e. Masaya na. Bumalik iyong sakit na naranasan ko nu'ng six years old ako dahil sa aksidente na naranasan nila Mama. Bakit nararanasan ko na naman? Bakit ako na naman? Iniwan na nga ako dati. Iniwan ulit ako ngayon. Kabit ba ako? O, pinaglaruan niya lang ba ako? Hindi ba ako magaling? Lahat naman ginawa ko ha? Napahinto ako, hindi ko alam kung nasa'n ako. Napaupo ako ng makaramdam ako ng hilo. Parang umiikot ang paningin ko. T-teka... Anong nangyayari sa akin. Sa isang iglap, bumagsak ako sa kalye at isa lang ang pumasok sa isipan ko at ang huling narinig ko. "Miss, ayos ka lang? Miss?" Hanggang nawalan na ko ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD