Hillary Alcantara: Chapter 10

952 Words
LEVI Napalunok ako. Hindi ko alam kung magiging success ba 'tong plano ko. Pero, sigurado na ako. I'm gonna marry her sa ayaw at sa gusto niya. Papakasalan ko siya. Kinausap ko ang parents niya kahapon, sinabi ko ang lahat-lahat sa kanila ang tungkol sa amin ni Hillary. And, sa naging problema naming dalawa. Nagalit ako kay Devon, hindi ko alam kung nasa'n na siya. Pero, kung maging best friend ulit namin siya ni Harold, di na. Ayaw na naming masaktan ang mga mahal namin. Nakatanggap ako ng sapak sa balikat kay harold, "bro, para kang natatae d'yan. Easy, relax, okay? Kunin mo na iyong sunflower para makapunta na tayo sa bahay. Wag ka ng uminom ng kape." Gago! "Thank you..." Pagpapasalamat ko sa babae na nag-ayos ng arrangements ng flower na binili ko. Nakuha ko na rin ang pinagawa kong singsing. Our engagement ring. Binalita ko na agad sa barkada na ikakasal na ko kahit di ko siguradong sasagutin niya ako mamaya. Ang mga gago, tuwang-tuwa. Finally, matatali na ako at mabibilang sa tinatawag na UNDERstanding husband. Sana nga lang gano'n din si Theodore. Hanggang ngayon 'di pa rin niya nakikita si Stella. He's one true love. Kawawang nilalang. Akala namin nagbago na dahil kay Stella, ayon pala, hindi pa rin. Binalikan iyong Flores, Ito palang si Stella, nakipag-break na rin sa boyfriend niya at gustong makasama na habang buhay si Theodore, eh, si gago, nahuli ni Stella. Gulo ng buhay nila. Bahay sila. Basta ako? I have Hillary. My baby. Huminga akong malalim. Papunta na kami sa kanila. Please, say yes, Hillary, please, my baby. ## HILLARY Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Bakit kailangan kong magdress ng puti? Ano ba iyong bisita namin? White family? Bumaba ako at nakita sila Mommy na nakaputi rin. Wow! Color coding? Akala ko ako lang magpuputi. "Mom? Why we need to wear white clothes? Color coding?" I asked. Nalilito na talaga ako. "Why are you here?" Gulat kong sabi habang nakaturo kina Manilla at Stephen na kasama si Alex. "Huh? You don't know anything, Hillary?" Lalong kumunot ang aking noo sa sinabi ni Stephen. "What? Ano ba dapat kong malaman? Please, enlighten me, okay? Naguguluhan na ko!" Pakikiusap ko sa kanila. Humarap sa akin si Manilla, "Sorry, Hillary. Mas mabuting malaman mo mamaya sa kanya, okay? For now, see you later!" Kumaway ang mga ito sa akin at humalo sa mga bisita. Bakit ang dami naming guests? Ano bang mayro'n? "Hi, Congrats." It's kuya Jayden. He's a doctor. May kasama siyang babae, "she's my wife, Miyuki. Miyuki this is Hillary." Napa-'o' ang kanyang bibig at parang gulat na gulat, "mahihilig talaga kayo sa mga bata," tumawa si kuya Jayden at umiling. "Hi, I'm Miyuki. Nice to meet you, Hillary. Si Laura palang kasi nakikilala ko sa mga wife ng kaibigan ni Jayden. You know Phoebe and Alisse?" Tumango ako rito, "Y-yes... Fortunately, nandito sila..." Ani ko rito. "Really? I want to know them. So, see you later?" Lalo akong naguluhan. Ano bang nangyayari? Pinuntahan ko sila Mom at magtatanong sana kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon pero nakita kong kinakausap siya nila Tita. Ang Mom and Dad ni Levi. "Oh, she's here... Hillary, Iha, Come on." Lumapit ako sa kanila. Nahihiya ako. "G-good evening po..." Ani ko at yumuko sa kanila. "Good evening too, Hillary. You're so pretty in your white dress. Levi is here anytime. Join us?" Levi? Oh fudge. May mali talaga. "E-excuse me po, pupun---" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng makita si Levi kasama si kuya Harold sa mini stage na nakasuot ng formal suit. I knew it. "Mic test. Mic test..." Nakita kong binigyan sila ng mga kaibigan niya ng mic. "Good evening everyone. Thank you for joining in this events..." Nakita ko siyang tumingin sa akin. Napalunok ako. At, parang nanunuyo ang aking lalamuna. I need water. "Nais ko lang tawagin ang aming minamahal ni Harold," tumingin ito kay kuya, "bro?" Tumango si kuya sa kanya. "Please, join us in stage... Hillary, my baby and Manilla." Para akong natupok sa aking kinatatayuan. Baby... "Hillary, go in the stage..." Napabalik ako sa aking wisyo dahil sa sinabi nina Mom and Tita. Inakla ni Manilla ang kanyang braso sa aking kanang braso at sabay kaming umakyat sa mini stage. Oh fudge. Don't tell me, magpopropose sila? Kaya kami naka-white lahat? Nang maka-akyat sa stage agad silang lumahod na dalawa. Sinasabi ko na nga ba. "Hillary/Manilla, You will Marry Us." Sabay na sabi nilang dalawa sa amin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko pero unti-unting pumatak ang aking mga luha at namalayan ko na lang na tumango-tango na ko sa kanya. "Y-yes/Of course, Yes!" Sabay namin wika ni Manilla. Lahat ng tao ay sumigaw at pumalakpak sa amin. Hindi ko alam pero kahit galit ako kay Levi, mahal ko pa rin siya. Tanga ako kung sasabihin kong wala na, na hindi ko na siya mahal. Kung ang puso ko naman ay paulit-ulit na sinasabing Levi. "Oh my god, baby... I'm sorry, okay? I'm sorry, Hillary. I'm sorry." Paulit-ulit niyang sinasabi ang katagang niyan pero halik na lamang ang aking sinukli sa kanya. Trust. Love. God. Sila dapat ang nangunguna sa isang relasyon na agad kong sinira. "It's okay, Levi. I'm sorry also, I'm sorry... I love you..." Nagulat na lang ako ng kabitan ako ng belo at extension sa aking hita para magmukhang mahabang dress sa akin. Binigyan din ako ng flower. A beautiful sunflowers bouquet. Naguguluhan ako, "anong nangyayari, Levi?" "We're gonna married today, baby... A double wedding ceremony." Nakita ko na lamang na may pari sa aming harapan. "Oh fudge..." It's all planned. And, kasabay namin sina Kuya and Manilla. What a beautiful wedding.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD