HILLARY
Diretsong umuwi ako sa amin. Hindi ko alam kung makakapagtrabaho pa ako after ng nakita ko.
What the fudge! Naiinis and magagalit ako sa sarili ko, all this time niloloko lang niya ako? Kilala ko iyong babaeng iyon. That's Devon!
After ni Kuya, siya naman? Oh, baka naman she's just a pkpk? Lahat nalang hinahalikan.
Kailangan kong ilabas itong galit ko. Napaupo ako nang mahirapan akong huminga. Sumisikip ang aking dibdib. Napahawak ako sa aking bandang puso at sinusuntok ito. Kinakapos na rin ako ng hangin.
Oh fudge!
Nasa'n ang inhaler ko? Hingang malalim, Hillary. Hingang malalim.
Gumapang ako na nanghihina na papunta sa drawer ko kung nasa'n nakapatong ang aking inhaler. Breath in and out, Hillary. You can do it.
Nang nasa harap na ko nito, hindi ko naman maabot dahil sa panghihina ko. Lalo akong kinakapos ng hininga.
"H-help..." Mahinang sabi ko, halos di na yata marinig ang aking sinabi.
"M-ma'am, ano pong nangyayari sa inyo?" Napalingon ako sa nangsalita, s-si manang.
"I-inhaler..." Sapat na marinig niya sabay turo ko rito.
"W-wait lang, Ma'am..." Inabot niya ito sa akin. Inalog na muna niya ito at inabot.
Napasandal ako sa drawer ko at ginamit ko ito. Muntikan na. Muntikan na kong mamatay dahil sa'yo, Levi.
"A-ayos na po ba kayo, Ma'am? Buti na lang po hinatid ko ang mga damit niyo... Wait lang po, tatawagin ko lang si Jun, ihahatid ka namin sa hospital..." Hindi ko na napigilan si Manang at bumaba na ito.
Hinang-hina pa rin ako. Ilang saglit lang at dumating na siya kasama si Mang Jun at dinala nila ako sa hospital.
Inadmit ako at pinagamit ng dextrose at nebulizer dahil nga raw nanghihina ako. Chineck-up din ako ng doctor, tinignan kung may other findings ako, which is wala.
Bumukas ang pinto ng aking k'warto, at nakita kong humahangos na pumasok si kuya Harold.
"Are you okay, Hillary?" Tumango ako rito.
"Yes. I'm good, kinapos lang ako ng hininga..." Ani ko rito at tinignan ang dextrose ko na hindi pa nangangalahati.
"P'wede na ba akong umuwi? Kahit hindi pa ubos niyan?" I asked and tinuro ang aking dextrose.
"Wait, tatanungin ko kay Jayden kung p'wedeng sa bahay mo na ipagpatuloy niyan." Tumango ako rito.
Jayden Carter is one of his friends also and owner of this hospital. Lucky bastard, right?
Bumukas ang pinto at nagsara rin ito.
"Kuya, p'wede na ba?" Sabi ko rito at dahan-dahang tumayo. Nilingon ko siya ng hindi sumagot sa aking tanong.
"What are you doing here?" Asik ko rito.
"What happened to you, Hillary? Hinihintay kita sa office ko kanina, nagpakuha ako sa secretary ko ng mga food for our lunch pero bigla ka raw umalis..." I chuckled nang kinabigla niya.
"Fck you!" I shouted at him at tinaas ang aking middle finger.
"Really? Ako pa gagaguhin mo? Really, Levi? Hindi ako pinanganak kahapon lang, Levi. Waiting for me?" Tumawa ako rito, wala na kong pake kung nagmumukha na kong baliw rito.
"Kissing with Devon sa loob ng office mo? Oh, hinihintay mo kong makita niyon? Eeww... After, kuya Harold ikaw naman? Ano ba niyang best friend niyo? Pkpk ng taon?" Mukhang nagulat siya sa aking sinabi.
"How do you said that, Hillary? We're not kissing! We're best friends!" Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Uulitin ko sasabihin ko, Levi. Hindi ako pinanganak kahapon. You not kissing with her? Gago! Halatang-halata!" Kahit nanghihina ako ay binangga ko siya habang hawak-hawak ang aking dextrose.
Pagkalabas ko nakita ko si Kuya na pabalik na rin, magsama-sama sila.
"Bakit ka bumangon? Hindi pa raw p'wede sabi ni Jayden, Hillary!" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"I want to go home kaysa makasama kayo d'yan! P'wede ba kuya, kung wala kang gusto kay Manilla. Please, hayaan mo na siya... Pare-parehas lang naman kayong ang habol sa mga babae ay s*x!" I shouted at him at hindi na siya inabalang tignan ulit.
Wala akong pake kung may makarinig sa akin. I don't fcking care!
Pagkarating sa room ko, inayos ni Manang ang aking dextrose. Nangangalahati na kasi ito.
"Okay ka lang ba rito, Iha?" Tumango ako.
"Yes po. Salamat po..." Tumango siya sa akin.
"Magsabi ka lang kapag may kailangan ka, ha? Pupuntahan kita agad." I nod and tumingin sa aking ceiling.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Basta galit ako sa kahit na sinong lalaki d'yan. Konti na lang ba ang loyal ngayon? Bakit hindi sa akin napunta?
May kumatok sa aking pintuan pero hindi ako sumagot.
"Hillary, open this door!" Si kuya Harold.
Hindi ko siya pinansin. Buti na lang ni-lock ni Manang ang pinto ko.
"Hillary! Hillary!" Paulit-ulit na tawag niya sa akin pero 'di ko pinansin.
P'wede bang tumigil muna ang mundo kahit ilang segundo lang? P'wede bang tumahimik muna ang paligid? P'wede ba?
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Ubos na rin ang aking dextrose, tinanggal ko ang IV sa akin at umupo. Sumandal ako sa headboard ng kama ko. Nanghihina pa rin ako pero hindi katulad ng kanina.
Kinuha ko ang aking phone. 100+ messages and calls ang nakalagay.
What the fudge.
Binasa ko ang mga ito. Sina Manilla and Stephen and ang iba sina kuya Harold and... Levi.
Parang biglang sumikip ang aking dibdib.
Binasa ko ang mga message nina Manilla and Stephen.
"Are you okay, Hillary?
"We're worried to you!"
"What happened to you ba?"
"Sinugod ka raw sa hospital?"
"Sinabi sa akin ni Harold na nagalit ka raw sa kanya. Ano bang nangyayari sa'yo, Hillary?"
Sinunod kong binasa ang kay kuya, same questions and messages na natanggap sa dalawa.
What happened? Bakit hindi niya itanong sa Devon at sa best friend niyang malandi? Baka mahanap niya ang kasagutan.
Ang huli kong binasa ay kay Levi.
"I'm sorry, okay? She kissed me pero di ko tinugon, Hillary. Nagsasabi ako ng totoo. I'm sorry, baby..."
Napailing ako. Sorry your ass! Hindi tinugon? Eh, halos yakapin niya na iyong Devon na iyon, tapos hindi tinugon? Gago!
Paulit-ulit ang kanyang text na humihingi ng sorry.
I'm sorry Levi pero I'm done with you! Hindi lang ikaw ang lalaki rito.
You're fcking bastard and liar!