Chapter 9

1412 Words
Maaga kami naligo ng pamilya ko at kumain ng almusal sa bahay bago kami lumabas para mag simba. Tamang tama lang din dahil linggo ngayong araw, at ang saya saya nga ng dalawa kong kambal na kapatid dahil naka pagsimba ulit kami ng sabay sabay. Dati kasi tuwing may birthday lang ang isa sa amin kami nagsasabay ng simba dahil laging namamasada si tatay at lagi namang nagtitinda si nanay sa palengke. “ Kuya pagkatapos po ba natin magsimba mamamasyal din po tayo.” tanong sa akin ni Jelly habang papasok na kami sa loob ng simbahan. “ Oo bunso, mamasyal tayo at kakain din tayo sa labas ng sabay sabay gusto ko bago man lang umalis papunta sa laban ko sa thailand ay na kasama ko kayo para ipagdiwang ang panalo ako kagabi sa MCUT.” Nakangiting sagot ko at ginulo ang buhok niya. Si Jelly ang bunso sa aming lahat, mas matanda sa kanya SI Jessy ng tatlong minuto. “ Kuya naman eh! Hindi naman po ako lalaki para guluhin niyo yung buhok ko tignan mo ang pangit na tuloy." Reklamo niya sa akin. " Asus nagdadalaga na yung bunso namin. Kayo ha, ikaw Jessy, Jelly ayaw ko na makarinig na nagpapaligaw na kayo ha, ang babata niyo pa, unahin niyo na muna ang pag aaral niyo para balang araw may panangga tayo sa mga tao na manloloko.” sabi ko kay Jessy at Jelly. “ lkaw din Sandy, ha, baka naman may boyfriend ka na, sinasabi ko sa inyo aral muna bago mga yan.” Paalala ko rin kay Sandy na siyang sumunod sa akin. Sa mga nakasalamuha ko sa university hindi malayong magagaya din sila kapag hindi sila pinaalalahanan. “ Naku kuya, wala pa yan sa isip ko. Gusto ko na makapagtapos po muna ako at maka tulong kay nanay at tatay. Gusto ko po na makapagtapos ako ng teacher, saka ko na po iisip ang pag bo- boyfriend kapag nakapagtapos na po ako.” Sagot ni Sandy sa akin. Pangarap niya kasi na maging teacher at makapag turo sa mga bata. “ Mabuti naman kung ganun.” Ani ko at inakbayan siya. " Ako din po kuya, wala pa sa isip namin ang ganyan ganyan kasi bata pa kami, sabi ng mga kaklase namin kuya okay lang daw po yun kasi yun daw ang ginagawa nilang inspirasyon.” sagot naman ni Jessy sa kanya. “ Ang gawin niyong inspirasyon ni Jelly sina nanay at tatay, lalo na ang estado natin sa buhay. Gawin yung inspirasyon ang buhay na meron tayo para makahaon tayo sa hirap.” Saad ko naman kay Jessy at Jelly. Alam ko na maintindihan nila ang pangaral ko sa kanila. “ Opo kuya, lagi po namin tatandaan yan." Sabay sabay pa nilang sagot na tatlo sa akin kaya napangiti ako sa kanila. “ Ikaw naman Sanjo, okay lang mag nobya basta mag iingat ha, baka naman kasi malqman ko lang din na may na buntis ka na rin.” ani ko naman kay Sanjo. “ Wag ka mag alala kuya, laging may protection to, para makarami ako.” Natatawa na sagot sa akin ni Sanjo. Tumawa na rin ako dahil sa sinabi niya, kagaya ko may itsura din ito at hindi din lingid sa akin na maraming babae na humahabol dito. Pumasok na kami sa simbahan at sa may bandang likuran kami pumwseto ng pamilya ko. Tama tama rin na nagsimba kami ngayong lahat na buong pamilya dahil tungkol sa pamilyang mahirap na nagtiis at umahon ang naging sermon ng pari. Tanging sa pari lang ako naka focus para at pinakikinggan ang sinasabi nito hanggang sa natapos na ang mesa. Masaya kaming lumabas ng pamilya ko sa simbahan. “ Pumunta tayo ngayon sa mall para makain tayo at mamasyal na rin tayo sa may park.” Aya ko sa kanila. " Yes papasyal kami sa mall.” masayang sabi Jessy. " Yehey, mag ma-mall kami, sa wakas makakain din ng masarap.” Sunod na sabi naman ni Jelly. Habang si Sanjon at si Sandy ay tahimik lang pero halata sa sa mga mukha na masaya sila dahil sa ngiti sa labi na naka bakas sa kanila. Pumunta kami sa isang sikat na mall sa aming lugar, at kumain sa isang sikat na fast food chain. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakikita ko ang pamilya ko na masayang kumakain dito sa isang sikat na fast food chain, first time kasi nila makapasok dito, hindi ko naman na ito una dahil ilang beses na akong ni libre ni jenelyn dito sa restaurant nato. “ Kuya ang sarap po ng pagkain dito, sana po sa sunod na pag uwi ay maka labas ulit tayo at maka kain dito.” Sabi ni Sandy. Kung kanina ay tahimik lang siya ngayon ay nagsasalita na. “ Oo nga kuya, ang sarap po, itong fries po sa kanto lang namin nabibili bente po isang serve pero tuwing biyernes lang kami po kami nakaka yung natitira po sa baon namin.” Segunda naman ni Jessy. " Oo kuya, kasi po ang pera na kita namin sa linggo nilalagay namin sa alkansya. Gusto po kasi namin bumili ng cellphone sa pasko, kahit po second hand lang.” Ani naman ni Jelly. " Wag kayo, mag alala dahil malapit na makapagtapos si kuya, at makakahanap na rin ako ng magandang trabaho.” Saad ko, tinapos na namin ang pagkain at pumunta na sa pinakamalapit na parke. Masayang nag naglaro ang kambal kahit na malalaki na ganun si Sandy at Sanjo ay masaya na nakipag habolan sa bike, at slide. “ Nay, ito po pala para sa inyo.” Inabot ko kay nanay ang sobre na binigay kagabi sa akin ni coach Rey. “ Ano anak?” Tanong niya na tiningnan ang sobre. " Naku anak, ang laki naman nito. Baka wala ka nang natira para sa pag aaral mo." Aniya na binalik sa aking kamay ang sobre. “ Hindi nay, para po talaga sa inyo yan, bente mil po ang panalo ko kagabi at diyes mil lang po iyan, gusto ko po na yan na ang magiging puhunan niyo, para hindi, na po kayo nag aalsa ng gulay sa iba at mas malaki po ang inyong kita. Sa susunod tay tricycle niyo naman ang bibilhin natin para tumigil na kayo sa pag co-construction at mamasada na lang po kayo.” Saad ko sa kanilang dalawa. Tumango si tatay at nagpapasalamat sa akin. “Salamat anak ha malaking tulong na itong binigay mo para may baon sa araw araw ang mga kapatid mo.” Masayang sabi ni nanay at niyakap ako. Balak ko rin ibigay mamaya ang cellphone ko dati Sandy para may magamit siya kapag nag se search niya tungkol sa klase niya, may binigay kasi sa akin si coach Rey na cellphone, ang pinaglumaan niya dati. Nang mapagod na ang mga kapatid konay nagpasya na kaming umuwi, alas tres pa lang ng hapon kaya balak kong magpahinga at matulog pag dating ko nang bahay. “ Gil, tama nga ang balita na umuwi.” Nagulat pa ako ng tinawag ako ni Chel at bigla siyang yumakap sa akin. " Nakakainis ka na man, pumasok ka lang sa training center nakalimutan mo na ako.” May himig ng nagtatampo na sabi niya sa akin. “ Sino ka naman sa palagay mo para maalala ka ni kuya.” Pasaring sa kanya ni Sandy. Ito ang isa sa mga ugali ni Sandy, kahit na tahimik ito kapag ayaw niya sa isang tao, talagang ipapakita niya. “ Sandy, tama na yan, sige na mauna na kayo, kakausapin ko lang si Chel." Ani ko sa kanila. Padamog naman na umalis ang kambal at umirap kay Chel, ganun din si Sandy. " Hello, ate Chel.” Si Sanjo na ngumiti at pumasok na sa bahay, ganun din ang aking mga magulang. " Pupuntahan na lang kita mamaya sa dati nating tagpuan Chel, pagod kasi ako ngayon at gusto ko muna mag pahinga.” Sabi ko sa kanya ng wala na sila nanay. " Sure ba yan? Baka naman ini echos mo lang ako” aniya. " Oo nga, sige na papasok na ako.” " Basta ha, hintayin kita, same place and same time.” Malanding sabi niya sa akin at hinimas pa ang gitna ko. Bigla tuloy ako napatingin sa bahay baka mamaya nakatingin ang mga babaeng kapatid ko. “Bye baby, hihintayin kita ha, nasasabik na ako sayo." Bulong niya at mabilis na humalik sa aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD