Chapter 8

1361 Words
“ Yeah . Congratulations tol" masaya na bati sa akin ni Toni ng makababa ako galing sa loob ng boxing ring. Katatapos ng laban ko sa M-CUT at nanalo ako kaya naman tuwang tuwa sila ni coach pati na rin ang mga ka team ko. “ Salamat tol, umpisa pa lang ito, dahil ipapanalo ko ang laban natin sa Olympics.” mayabang na sagot ko sa kanya. “ Sure yan, tol, dahil magaling ka." Aniya na nakipag high five sa akin. Masaya din si Coach Rey dahil sa tagumpay na natamo ko dahil bet bet ko ang pangalan ng Boxing pinas sa pagkapanalo ko. “ I celebrate natin yan tol, mag inuman tayo, diba coach? Total panalo si Seb kaya dapat lang na icelebrate natin ang pagkapanalo niya. “ Yeah, sure saan niyo ba gusto mag celebrate?” Tanong na naman ni coach sa amin. " Coach pwede ba na sa training center na lang tayo? At pwede po ba na umuwi ako bukas ng maaga? Gusto ko po muna makasama bukas ang pamilya ko bukas coach at i celebrate din ang pagkapanalo ko kasama sila." Pakiusap ko naman kay coach Rey. Gusto ko kasi umuwi bukas at ibigay kay nanay ang napanalunan ko at maibalita sa kanila na nananalo ako sa MCUT. Kahit bago man lang ako maka alis ay nakapag simba ako kasama sila at makakain kami sa labas na magkakasama. “ Kung yun ang gusto mo, sige pero kailangan na bumalik ka din sa susunod na araw. Papayagan kita bukas na umuwi sa pamilya mo dahil alam ko na miss na miss mo na rin sila.” Nakangiting sabi ni Coach sa akin. " Thank you coach, asahan niyo po maaga ako babalik sa susunod na araw dito sa training center.” Masayang saad ko at napa yakap sa kanya. " Oh siya tayo na." Aniya sa amin at nauna nang lumabas kung saan ginanap ang MCUT. “ Tol, sure ka ba na sa studio lang tayo mag iinom? Ayaw mo na ng babae?" Tanong ni toni ng wala na si coach. “ Oo nga tol, sabi mo naman sa amin noon nag enjoy ka sa huling babaeng naka s*x mo hindi ba? Bakit hindi natin ulit gawin yun at baka mag enjoy ka ulit sa babaeng makakasama mo.” Segunda ni Jovic na umakbay sa akin. " Past muna ako tol, mas importante sa akin ngayon ang pamilya ko at gusto ko na umuwi ako ng maaga bukas para masurprisa ko sila. Ayaw ko kasi umuwi na nasa palengke na si nanay at namamasada na si tatay nag eextra kasi siya tuwing linggo at hinihiram niyabang tricycle ng kaput bahay namin. Gusto ko kapag umuwi ako nadatnan ko pa sila doon para hindi na sila natuloy sa trabaho nila dahil gusto ko na sabay sabay kaming mag simba bukas.” Pagtanggi ko sa kanilang dalawa. Sa mga oras na yo mas importante sa akin ang pamilya ko, mas gusto ko na ipagdiwang ang panalo ko na sila ang kasama ko. “ Mukhang hindi na namin mababago ang isip mo, dahil alam namin na mas importante sayo ang pamilya mo sa kahit na ano pa man.” Saad ni Toni sa akin at katulad ni Jovic ay umakbay din. Alam naman ni Toni kung gaano ka kahalaga sa akin ang pamilya ko at uunahin ko sila kahit na kanino pa. Masaya kaming nag iinom nina, coach Rey habang kini kwento niya sa amin ang mga dating pinagdaanan niya. Katulad ko isang mahirap din si coach na nangarap na maging tanyag at maiahon din ang pamilya niya sa hirap. “ Coach, mauuna na po ako, aayusin ko lang ang gamit na dadalhin ko pauwi sa amin." Paalam ko sa kanila na isip ko na ngayon na ako uuwi sa amin para mas maaga ang pagdating ko doon. Alas onse pa lang ng gabi kaya alas dose o ala una ng madaling araw ay nasa bahay na ako. “ Sure ka ba na ngayon ka na uuwi?" Tanong niya. “ Opo, coach para maaga ako makauwi at makasama sila ng mas matagal." Sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at may kinuha siyang sobre sa bulsa. “ Ito na yung premyo mo kanina sa panalo, alam ko naman na ibibigay mo ito sa pamilya mo dahil kailangan nila.” Aniya na tinapik ako sa balikat. " Sige na, mag ayos ka na para makadating ka sa inyo ng maaga.” dugtong pa niya. Agad ko naman tinanggap ang sobre na binigay niya lawat nagpapasalamat ako sa kanya. Matapos akong nag paalam sa kanila ay agad na akong kumilos at nagligpit na ako ng mga gamit ko na dadalhin sa bahay. *** Pasado alas dose emedya na ng makarating ako sa bahay namin at patay na ang lahat ng ikaw, tanging mga tahol na lamang ng aso ang maririnig ko. Kumatok ako sa de kahoy na pinto ng bahay namin. “ Sandali, sino ba yan at gabing gabi ay kumakatok pa.” Dinig ko na sabi ni nanay mula sa loob ng bahay. “ Sebastian, anak ikaw pala, diyos kong bata ka, gabing gabi na. Bakit ngayon ka lang umuwi ha?” ani ni nanay ng makita akong nakatayo sa labas ng pinto namin. “Ngayon lang po kasi ako pinayagan ni coach nay.” Sagot ko sa kanya at nag mano sa kanya. " Melda, sino ba ang kumakatok na yan at gabing gabi." Tanong naman ni tatay kay nanay na lumabas sa kanilang kwarto. “ Silvio, itong panganay natin uwi na gabing gabi na." Sagot ni nanay kay tatay. “ Aba’y umaga na ah, hala sige pumasok na nga kayo dito." Lumapit ako may tatay at sa kanya naman ako nag mano. " Kamusta po tay?” " Kaawaan ka ng diyos anak. Bakit gabi ka na ata nakauwi, sana nag paumaga ka na lang dahil delikado na at gabing gabi na.” Aniya sa akin pero ngumiti lang ako sa kanila " Ang mabuti pa ay bukas na tayo mag usap at matulog na tayo para makapag pahinga ka na." Si nanay na niyakap ako. “ Sige po nay. Ah nay, pwede po ba na wag na muna kayo mag tinda bukas? kayo din po kung pwede po wag mu a ako mag extre sa mamasada? Magsimba naman po tayo buong pamilya bago po ako umalis papuntang Thailand para sa laban. Pero kunin niyo pa rin po ang pinapasada niyong tricycle tuwing linggo tay, ako na po ang bahala mag bayad sa boundary. Kakain na rin po tayo sa labas para sama sama naman po tayo.” Wika ko sa kanila. Pumayag naman si tatay at nanay sa gusto kaya pumasok na ako. Sa kwarto namin ng kapatid kong lalaki. Pagpasok na pagpasok ko ay masarap na ang tulog ni Sanjo. Nahiga na ako sa tabi nila at pinikit ko ang aking mga mata. Kinabukasan ay nagising ako sa sigaw ng dalawang kapatid kong babae. “ Kuya Gil…” sabay pa na sigaw ng dalawa kambal na nag pagising sa akin. " Jessy, Jelly, ang aga aga nagsisigaw kayong dalawa." Pupungas pungas na saad ko. Bumangon idinilat ko ang mata ko at bumangon sa kama. “ Totoo ngang umuwi ka kuya, at sabi ni nanay magsisimba daw tayo at kakain sa labas. Totoo po ba yun kuya?” Si Jelly na sumampa sa kama kaya na gising na din si Sebo. “ Jelly, naman ang aga aga nandito ka na sa kwarto namin, ano naman ba ang gusto mo at ganitong ka aga ka mambulabog?" Ani ni Sanjo pero nanatilinitong naka pikit. “ Kuya Sanjo, gising na ka na, kuya Sanjo gising na dali.” Si Jessy naman na dunagan sa likod ni Samjo para tuluyan itong magising. " Jelly, Jessy, hindi na nakakatuwa ang gina–” naputol ang pagrereklamo ni Sanjo ng makita akong naka upo sa paanan nila. “ Kuya Gil? Umuwi ka kuya.” Sigaw niya sabay biglang bangon. “ Kuya Gil, kailan ka pa umuwi?” Tanong niya. " Kagabi pa pero pwede ba mag simumug muna kayo at ang babaho ng hininga niyo." Natatawa na saad ko at tumayo na sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD