I'll be over you Chapter 2

1116 Words
Chapter 2 I'll be over you... 2 years later. Dalawang taon nang kasal si Adamson at Malaya, walang araw na hindi sila nagtatalo. Maliit na bagay ay pinapalaki nila. Palaging mainit ang ang ulo ni Adamson kay Maya. Tila nawala lahat ng mga pangako nila sa isa't isa.Simpleng hindi pagkakaintindihan ay umaabot sa mga masasakit na pananalita. "Alam mong pagod ako Maya pero aabutan kopang sunog ang uniform ko? Tang ina naman, dalawang taon na tayong kasal. Hindi kapa rin natutong Mamalantsa?" Pagalit na initsa nito ang Polo niya sa sahig. "Sorry, marunong naman ako, ngayon kol ang naman nasunog Adam." Nakayuko si Maya at nagpipigil ng luha. "Ano? Ilang beses na! Kaldero sunog, ulam sunog, kaning suno at tapos itong damit ko naman? Pambihira ka naman Maya! Palagi kanalang bang ganyan! Ang tanga mo!" Sigaw nito sa asawa niya. Napaangat ang ulo ni Maya at pulang pula ang mukha "TANGA? Oo tanga ako! Tanga kong pinakasalan kita agad! Kasi hindi ko agad nakilala 'yang ugali mo! Perfect mo ha?! Bakit, dahil ba nagkakamali ako Tanga na? Ni hindi mo man lang tinanong kung kamusta ako dito mag-isa sa bahay?" "Kaya ka tumataba dahil panay kain mo, magtrabaho ka kaya para alam mo ang pakiramdam ng napapagod. Pagtapos kadiliman pa ang aabutan ko sa bahay! Maya nakikisuyo ako at asawa kita para paglingkuran ako. Simpleng household chores hindi mo magawa ng tama? Parang hindi ka babae!" Sigaw ng lalaki sa kanya at tila ba naubusan na ng pasensya si Maya. Isang sampal na malakas ang binigay niya kay Adamson. "Ang kapal mong sabihin sa akin 'yan? Tumataba? I'm taking Pills right? Dahil ayaw mong mabuntis ako! Sasabihin mo sa akin noon na dito lang ako sa bahay at ikaw magtatrabaho?! Pero ngayon sumbat lahat ang isasampal mo sa akin? Tinanong mo ba kung okay lang ako? Puro desisyon mo ang nasusunod, puro ikaw! Ano ako puppet mo?!" Sigaw ng Babae sa kanya habang umiiyak. Tahimik lamang si Adamson at tinalikuran siya. Pinulot narin niya ang polo niyang nasunog, narinig niya ang mga Hikbi ng asawa. "Maghiwalay na tayo." Salitang nagpatigil kay Adamson sa paglalakad mula kay Maya. Humarap si Adamson sa kanya at napangisi. "Yan ba gusto mo? Sige maghiwalay na tayo! Tutal at walang kwenta 'tong relasyon natin. Wala akong napala sayo. Useless!" Inalis niya ang singsing sa daliri at Binato. Napaatras si Maya at nasagi nito ang Wedding Picture nila. Nagulat si Maya nang makitang bumagsak sa sahig ang masaya at matatamis na ngiti sa kanilang litrato. Parang bumagal ang lahat nang makita ni Maya na nagpira-piraso ito sa sahig, kasabay ng pagbagsak ang Wedding ring na binato ni Adamson. Tumalikod si Adamson at walang pakialam na umakyat papuntang kuwarto. Nilapitan ni Maya ang litrato nila at pinulot ang wedding ring na nagmula kay Adamsom. "Ito ang mali kapag nagmamadali. Akala ko nasa tamang tao na'ko. Akala ko, ikaw na 'yong lalaking magmamahal sa akin. Pero mali, hindi pala ikaw. Ikaw lang pala ang magmamaliit sa akin. Lahat ng pangako mo nawala, dahil lang sa mga maliliit na bagay na pilit mong pinalaki." Pag-iyak nito habang nakatitig sa litrato nila. Makalipas ang dalawang oras, dahan-dahang kinuha ni Maya ang mga gamit niya habang mahimbing ang pagtulog ng kanyang asawa. Lahat ng mga bagay na magsisilbing memorya nalang nila ay kanyang dinala. ~~~~ Tanghaling tapat ng nagising si Maya, dahil narin sa sobrang kalasingan nito. Naghilamos at pinuntahan niya ang Ina na sobrang busy sa pagluluto. "Mama good morning!" Bati niya sa Ina at humalik dito. Tinapik nito ang kanyang balikat at pinalayo. "Ikaw magtigil ka! Kahit araw araw kang maglambing sa akin. Hindi mawawala at hindi ko makakalimutan 'yang kabobahan mong desisyon sa buhay." Asar na sinabi ng kanyang Ina. "Mama naman! Magtatlong taon narin naman kaming hiwalay! Hindi mo paba ako pinapatawad?" Yumakap ito at pilit na nilalambing ang kanyang Ina."Alam mo Malaya. Ang tanga tanga mo! Tyaka gusto kong ibalik na sa kanya itong negosyo na binigay niya sa akin. Tutal pinagkagastusan naman niya ang pagpapa-annul ng Kasal niyo. Kitang kita na ayaw niya na talaga sa'yo, kaya 'wag kang tanga anak." pinukpok ng sandok sa ulo si Maya at napa ngiti naman ito sa Ina niy. "Alam mo Ma, alam ko naman po iyon. Kitang kita at ramdam na ramdam ko naman po na wala ng balikan sa'min ni Adamson. Tyaka Mama 'wag niyo naman ilakas o pagsigawan ang pangalan ko, ang pangit po kaya!" reklamo nito. "Ayaw mo ba yon? MALAYA kana kay Adamson. Sana hindi lang pangalan ang Malaya sa'yo anak. Kung 'di ang puso at isip mo din." Payo ng Ina nito na ayaw ipakita ang kalungkutan sa harap ni Maya."Oo naman Ma!" pilit ngumiti ang dalaga kahit na nakakaramdam padin ng lungkot. Mismong si Adamson pa ang nag-atubili na ma annul ang kasal nila. Busy sa pag gy-gym si Adam, ito narin ang naging libangan niya pagtapos ng pagtatrabaho sa Kompanya nila. Hindi narin niya itinuloy ang pagiging Doctor. Kung 'di, siya na ang nag mamanage sa Wine Company ng kanyang Lola. Buong pagtataka din niya dahil sa kanya ipinamana ang lahat ng negosyo ng kanyang Lola bago ito Pumanaw. Sakatunayan kasama niya ang Pinsan na nagmamanage ng kompanya bilang Chief Financial Officer. Utak din ito sa mga Marketing Strategies ng Company. "Pare! Balita ko dating kayo ni Danica? Kailan pa?" Wika ng Pinsan niya habang umiinom ito ng Tubig. "Hindi ko pa siya napapasagot, masyadong mailap si Danica. Mag-iisang taon kona siyang nililigawan, pero wala paring Oo." umupo ito at kinuha ang bottled water para uminom. "But you guys did that thing, diba?" pang-aasar ni Rico sa pinsan niyang si Adam. "Yeah, actually many times, pero sana sagutin na niya ako. Inunahan na namin 'yong gawain pang mag-asawa. Well how about you? Sana man lang nag-uwi ka ng Babae." Pangungutya ni Adamson sa pinsan niyang si Rico. "Actually, wala ako saibang bansa. But I have here in the Philippines." nakangiti nitong sambit "Wow, sana naman at ipakilala mo Rico! Napagkakamalan ka ng bakla sa pamilya." sambit ni Adamson at tinawanan ang pinsan. "Tutal at dito kana rin naggy-gym, makikita mo siya every 6 PM. Ito ang oras ng pagpunta niya dito. Alam mo bang gusto ko siyang i-recruit sa kompanya natin." Parang nasa langit ang reaksyon nito habang nakangiti sa kawalan. "Oh dude, I think in-love kana diyaan!" Sagot ni Adamson. Napatingin ito sa kanyang wrist watch at namilog ang mga mata. "Bro, I'll go ahead. Malelate ako sa date namin ni Danica." Pagpapaalam ni Adamson sa kanyang pinsan. "Okay dude! Galingan mo magshoot!" Pasigaw na sinabi nito sa pinsan habang siya ay nagpapatuloy sa ginagawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD