Straight from the heart Chapter 3

1243 Words
Chapter 3 Straight from the heart Araw araw at palaging bukang bibig ni Rico sa dalaga ang patungkol sa pangangailangan nila ng modelo sa kompanya. "You really don't like to be our model? By your looks palang kasi, bagay mong maging Model ng Wine" pagpupumilit ni Rico sa dalaga, habang siya ang tiga salo ng mga suntok nito while doing kick boxing. "Hindi ako Photogenic sa Camera Rico, baka imbis na bumili sila ng Wine sa inyo. Baka matakot, mukha akong mangkukulam" Pinatikhim niya pa ito ng isang malakas na suntok, at sinalo ni Rico ang kamay nito. Hinatak niya ang dalaga upang mapalapit sila sa isa't isa. "Who told you that you're not pretty?" Mahinahon nitong bulong sa kanya. Nagsitaasan ang balahibo ng babae nang maramdaman ang pagbulong nito sa kanyang teynga."Alam mo Rico, huwag mong gagawin 'yan!" Nagpumiglas si Maya at ginamitan ng martial arts si Rico, kung kaya't bumagsak ito. "Ang ano? Gusto ko lang naman maging employee ka namin. Although isa kanang Professor. Sayang 'yung offer Maya, ang daming gustong maging model tapos ikaw tatanggihan mo?" Pagpupursige ng lalaki para tanggapin ni Maya ang offer niya. "Hindi naman sa gano'n, hindi lang ako gano'n ka confident para i-brag ang itsura ko. At isa pa, alam ko naman sa sarili kong kailangan ko pang magpaganda, mag-aral pa at kung ano ano pa. Para maboost ang self-confidence ko." Pagdadahilan ni Maya kahit ayaw naman niya talaga. Ngunit makulit ang lalaki at ayaw siyang tigilan nito. "Maya, kaya nga kinukuha kitang model kasi nakikitaan kita ng Potential. Sabihin na nating maraming magandang babae at mas tatangkad pa sa'yo. Pero wala 'yung fierce factor or reason ko kung bakit ikaw ang gusto kong maging Model." Pagpupumilit ni Rico at sinundan pa si Maya. Naaasiwa si Maya sa mukha ng lalaki dahil kapag kausap siya nito, hindi puwedeng hindi ka titingin sa mga mata ni Rico. Tunay na ideal man ng kababaihan si Rico, pero ang ugali nito ay sobrang kulit. Para bang ang mga mata ni Maya ay nakalitrato padin sa mukha ng kanyang dating asawa. Kung kaya't sa tatlong taon na hiwalay ang dalawa, wala pa siyang nakakarelasyon. Ika nga niya, sa tamang panahon at pagkakataon ang lahat. Sa tatlong taon na naghiwalay sila ni Adamson, tanging paggy-gym nalang ang inatupag niya. Bukod sa pagiging Accounting Professor. Sinubukan niyang mag-aral o magreview, para pumasa sa board exam bilang CPA. Buong paghihirap at dugo't pawis na nairaos ang pangarap Board Exa. Samot-sari ang pagmamaliit na natanggap niya sa magulang ni Adamson, dahil hindi gano'n kataas ang mga grado niya noong nag-aaral pa sila. Tanging grado salamang ni Maya ay sumasakto sa passing grade. Malayo ang ugali nilang dalawa ni Adamson, dahil sa sobrang talino nito kumpara sakaniya. Pero ginawa niya ang lahat para makabawi sa kanyang Ina at sa katangahan niyang desisyon noon. Sideline din niya ang pagiging accountant sa Hospital. Bukod sa hawak niya ang schedule niya, nagagawa niya pang mag-gym. Tumatak sa isip niya ang mga masasakit na salita na iniwan ni Adamson sa kanya kaya ito ang ginamit niyang armas para maging matibay ulit. "Alam mo Rico, huwag mo akong daanin sa laki ng katawan mo at sa katangkaran mo. Kayang kaya kitang itaob." Minabuti niyang pumunta sa Female Comfort room at iniwan ang lalaki para magpahinga bago magshower. Nakatitig siya sa salamin at pinagmamasdan niya ang itsura niya ngayon. Kinukumpara niya ang itsura niya noong sila pa ni Adam. Biglang lobo ang katawan niya dahil sa pills na kanyang iniinom. "Ayan, sexy kana. Mas may shape at may abs. Ibang iba kana Maya! Malayang Malaya, tama lang na ito ang pinangalan ni Mama sa'kin." Masaya siya sa naging resulta ng kanyang paghihirap pagtapos ng pinagdaan niya noong naghiwalay sila ni Adamson. Pagtapos ng kanyang pagmuni-muni, pumasok na siya sa banyo upang magshower. "Ano ba Rico?!" Gulat na gulat si Maya, dahil sinalubong siya ng binata sa labas niya sa comfort room. "Dinner?" Aya ng binata sa kanya. Sobrang kulit at hindi siya tinitigilan ni Rico. Sa ilang taon na niyang pagpupursige na makuha itong Modelo ng kompanya nil, sanay na sanay na ito kay Rico. Nakasakay sa front seat ngayon si Maya, pumayag narin siya dito. Kahit papaano, nakilala narin niya ang attitude ng binata. Nakasports bra at maluwag na longsleeves lamang ang suot ni Maya, pagtapos maikling shorts at rubber shoes. Palaging ganito ang soot niya kapag nasa gym, tanging sa eskwela lamang siya pormal ang itsura dahil siya ay guro. "Hindi ka naman ba giginawin sa suot mo? Malamig sa Mall." Inabot ni Rico ang jacket kay Maya. "Hindi okay lang ako, mainitin ang katawan ko. Hindi ako agad nilalamig." Pagtanggi ni Maya dito. "So pagmalamig puwede akong yumakap sa'yo?" Agad nitong sagot kay Maya. Isang malakas na hampas ang inabot niya sa dalaga. "Ang bigat ng kamay mo Maya! Mukhang makakalas ang braso ko sa palo mo." Bulalas ni Rico at nginisian si Maya. "Oo aalisin ko 'yan kapag hindi ka nagtigil Rico!" Suway niya dito. Nagtawanan ang dalawa dahil sa biruan nila. Palaging napapangiti ni Rico si Maya, kahit kadalasan ng biro nito ay hindi pasok sa banga. Sa sobrang komportable ni Maya kay Rico, kahit anong itsura nito na humarap sa binata. Hindi siya nakukuhang mahiya. Barkada at gym buddy ang turing niya dito. Nanag makarating sila sa loob ng Mall, pumunta sila sa isang Ramen house. Bukod sa ito ang request ng dalaga sa kanya. Paborito ni Maya ang Ramen at sinusulit din niya panlilibre ni Rico sa kanya. "Kaya pala ganyan ang suot mo, papawisan kanga naman talaga sa init ng Ramen at sobrang anghang." Sambit ni Rico. Pakiramdam niya'y namamaga na ang kanyang labi sa sobrang anghang ng sabaw. Habang si Malaya na walang pakialam at basta nalang nagdagdag ng chilli oil. "Ahhh! Busog! Salamat Rico ha, next time libre mo ako ulit para naman hindi na'ko magsungit sa'yo" Saad ni Maya at hinawakan niya ang ilong ni Rico. Napakatangos ng ilong ng binata, kung tutuusin ay perfect ang panglabas na kaanyuan nito kumpara sa dati niyang asawa. "Kung alam ko lang type mo itong ilong ko!" Pag-iwas ni Rico dito. Inirapan ni Maya ang binata at iniwas ang sarili dito. "Why don't you try kasi Maya. Gusto ko sanang ikaw ang maging face ng Red wine namin. Bagay na bagay kasi sa datingan mo, Fierce and Hot" Seryosong giit nito. Nang matapos anag dalawa sa pagkain, bunto lang ito ng buntot kay Maya hanggang sa marating nila ang cosmetic area ng Department store. Pati si Rico na nakikitingin sa kulay ng lipstick na babagay kay Maya. "Ipa birthday gift mona sa akin, ako din kasi ang nagdesign doon sa bottle ng Wine. Kaya gusto ko sanang ikaw ang gawin kong Modelo." Pagpupumilit ni Rico. "Hmm" napaisip si Maya at binitiwan ang hawak na lipstick. "Sige pero sa isang kondisyon!" Nakapikit si Maya habang nag-iisip. "Basta lagi mo akong ililibre, tyaka bigyan mo ako ng tatlong bottle niya bilang remembrance." Sunod sunod na sinabi ni Maya. Namilog ang mata ng lalaki at ngumiti sa Dalaga. Nagiwas tingin si Maya dahil ayaw niyang nakikitang ngumingiti si Rico sa kanya. Pakiramdam niyang matutulala siya dito at mabibihag sa matatamis nitong pagngiti. "Sure! Walang problema! Salamat Maya, nako at matutuwa ang CEO at relatives ko. Palagi din kasi kitang kinukuwento sa kanila. Dahil ikaw ang gusto kong maging model." Pagtatapat nito. "Nako! Bakit naman? Napressure ako bigla Rico! Kailangan ko pa bang mag diet?" Hampas ang inabot ni Rico kay Maya. "Basta tatawagan kita kapag ready na ang team!" Masayang pagsagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD