Chapter Forty-six: Just a small revenge Part V Halos gumulong na sa kakatawa si Anton dahil sa mga nangyayari sa loob ng old engineering building. Sa totoo lang, hindi naman niya akalaing papatulan ng grupo ang kanyang mga plano. Silang dalawa lang naman ni Catherine ang nakakaalam noong una ngunit napansin ng tatlo na kakaiba daw ang mga ikinikilos nila kaya wala na silang choice kung hindi ang sabihin. Hindi niya na inaasahan na sasang-ayon sila sa kanya. Expected pa nga niya na pagsasabihan siya ni Henry na childish o bully. Ang nasa isip lang naman niya ay bawian ang mga taong nambully sa bago nilang miyembro na si Mikael. Nasa labas siya ng old building, nasa loob ng kanilang itim na van at pinanunuod ang mga footage na kuha sa loob ng building. Kita niya kung gaan