Chapter Twenty-four: Merciful Nagulat ang lahat ng biglang umulan ng bala sa puwesto nila. Ang ilang mga kasamahan nila ay kasamaang-palad ay tinamaan at agad binawian buhay. Hindi nila alam kung sino ang nagpapaputok sa kanila. Ang iba ay agad na yumuko at gumapang papalayo upang makaiwas. May ilang naglakas-loob na lumaban at nakipagpalitan din ng putok sa mga kalaban. “Sino iyon?!” sigaw ng isa. “Hindi ko alam!” “Pata---” hindi na natapos ang sinasabi nito ng bigla na lamang itong bumulagta sa semento. Umagos nag masanang dugo nito mula sa butas ng noo nito. “F*ck!” sigaw nila. Walang habas ang pamamaril ni Anton sa grupong ito. bawat kalabit ng gantilyo ay baon nito ang poot para sa mga pinaslang nilang mga bata. Wala siyang pakialam kung saan