Chapter Thirty-three: Judgement and Punishment Noong unang beses na mangyari iyon ay aksidente lamang ang lahat. Hindi naman niya akalaing magagawa niyang pagbuhatan ng kamay ang kanyang mahal na asawa. Kasalanan din naman niya dahil hindi niya ipinaalam sa kanyang asawa na si Louisse na gagabihin siya ng uwi. Sandamukal na meetings ang kanyang pinuntahan at talagang pagod na pagod na siya. Nairita siya sa boses ni Louisse kaya nagdilim ang kanyang paningin kaya nasampal niya ito sa kaliwang pisngi. Huli na ng mapagtanto niya ang kanyang nagawa kaya agad siyang lumabas ng kanilang silid at nagpunta sa sarili niyang bar. Napahilamos siya ng kanyang mukha dahil sa unang pagkakataon ay nasaktan niya ang kanyang asawa. “Hindi ko sinasadya,” bulong niya at inisang lagok ang