Chapter Nineteen: Please, save my sister! Hindi mapigilan ni Raymond na mapayuko habang naglalakad sila ni Thomas sa grounds ng Universididad de Froilandon. Kakaibang tingin ang ipinupukol ng mga mag-aaral sa kaniya samantalang si Thomas ay taas-noo at nakangiti pa. Sino nga ba naman ang hindi mapapatingin sa hitsura niya? Putok ang kilay at labi niya, may mga pasa sa mukha at halos gulanit na ang damit niya at heto siya ngayon, naglalakad sa loob ng campus ng isang prestihiyosong paaralan sa buong kaharian ng Azalea. “Don’t mind them, Raymond.” Napatingin siya kay Thomas na nakangiti lang na naglalakad. “Saan ba kasi tayo?” tanong niya. “Hindi mo man lang ako pinagbihis man lang.” “Ano bang mas mahalaga sa’yo? Ang kapatid mo o ang sinasabi ng mga walang kuwentang tao na