Chapter Forty-nine: Kung sana lang Ilang araw na ba ang nakalipas? Mahigit isang linggo na ang nakalipas buhat ng mamatay ang kanyang anak. Kung sana lang ay hindi niya hinayaan ang anak niyang makilala ang lalaking iyon ay sana ay hindi nangyari ito ngayon. Pero ano pa bang magagawa niya? Kahit magsisi siya, manghinayang man siya hindi na niya maibabalik pa ang buhay ng kanyang anak. Kung sana lang… Kung sana lang may nagawa siya laban sa babaeng iyon. Kung sana lang… Kung sana lang pinigilan niya ang anak niya sumama sa babaeng iyon… Kung sana lang… Napapikit siya dahil sa malakas na hangin na umihip. Kasalukuyan siyang nasa teresa at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Ang kulot at mahaba niyang buhok ay tinatangay ng hangin. Ilang araw na an