Malawak ang ngiting nakapaskil sa mga labi ko habang palabas ako ng condo building ng talimpadas na adik sa yakult na lalaking yun.Kahit papaano ay na realease ko na ang pagkainis ko sa kanya na kinimkim ko ng dalawang taon.He deserved to be punched and i'm happy to that i did that to that yakult lover boy.
Though bahagya din naman akong na guilty kasi sa lakas ng suntok ko sa kanya baka magka pasa ang gwapo nyang mukha pero pag naiisip ko ang tatlong beses na pag reject sa akin bilang co-model nya ay nakakalimutan ko ang guilt sa ginawa ko.
Kung ayaw nya fine, hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman ako makatrabaho.Nakakapanghinayang man ang Lacoste project ay hahayaan ko nalang na lumagpas sa akin dahil baka hindi yun para sa akin.Tama nga siguro si Aaron na kaya kong sumikat gamit ang sarili kong kakayahan at hindi aasa sa kasikatan ng iba.Magagawa ko ding matupad ang pangarap kong maging Asia's Top Model ng hindi kinakailangan ng kasikatan ng pangalan ng Sergio Fritz na yan.Magiging kilalang model ako at mauungusan ko ang talimpadas na yun makikita nya!
"THERICE CARVAJAL!!"
Natigil ako sa paglalakad at nakita si Paolo na kababa lang sa kotse nya at humangos na tumakbo palapit sa akin.
Sumunod pala ang manager kong ito.
"Oh Paolo bakit late naman ata ang pagsunod mo sa akin?" salubong na tanong ko sa kanya ng makarating sya sa tapat ko.
"Seryoso ka talagang sinugod mo sa condo unit nya si Sergio Fritz?" hindi makapaniwalang tanong nya na ikinatango ko.
"Hindi ba obvious?Kalalabas ko lang sa building na ito so it means galing nga ako dun."
"Anong ginawa mo sa condo unit ni Mr.Fritz?Nakiusap na tanggapin ka na bilang co model nya kasi hindi ako maniniwala kung yan ang ginawa mo dahil para kang mananapak ng tao sa inis mo kanina nung umalis ka sa condo mo." pahayag nya na ikinangisi ko.
"Binigyan ko lang naman ng leksyon ang talimpadas na yun at tama ka sinapak ko nga ang hudyo na yun dahil sa tatlong ulit na pag refuse nya sa akin." sagot ko na gulat na ikinalaki ng mata ng manager ko.
"What?!?!Sinuntok mo si Mr.Fritz?Saang parte mo sya sinuntok?My gosh Therice wag naman sana sa gwapo nyang mukha?"
"Hindi ko na napigilan ang inis ko sa kanya eh.Tsaka hindi naman siguro mahahalata kung magkapasa nga ang mukha ng lalaking yun." sabi ko na mas ikinalaki pa ng mata ni Paolo.
"ANO?!SA MUKHA MO NGA SINUNTOK?!GUSTO MO BANG KUYUGIN NG MGA FANS NI SERGIO FRITZ NA MILYON MILYON LANG NAMAN AT HINDI LANG SA PILIPINAS KUNDI SA IBA'T-IBANG BANSA PA?" di makapaniwalang bulyaw nya sa akin na ikinahalukipkip ko at tinaasan ng kilay si Manager na OA kung magreak.
"So?Hindi ako natatakot kung ibash ako ng mga fans nya dahil sa pagsuntok ko sa idol nila.Masyado kasing ma attitude ang idol nila dapat hindi nila hinahangaan ang talimpadas na yun eh." katwiran ko na ikinailing ni Paolo.
"Paano kung magreklamo ng physical injury si Mr.Fritz ha?Baka lalong mawala ang pangarap mong maging top model.Kilala mo bang mabuti si Sergio Fritz ha?" pahayag nya na ikinataas ng kilay ko.
Bakit dapat ko bang kilalanin ang talimpadas na yun?Tsaka anong physical injury?Parang suntok lang magrereklamo na sya?Tadyakan ko pa sya eh!
"He's Sergio Fritz the most indemand and famous model in Asia and in other country.Adik sa yakult at masyadong malakas ang tiwala sa sarili at makasarili yeah!I know him." sagot ko kay Paolo na bumuntong hininga.
"Yun lang alam mo tungkol kay Mr.Fritz?" tanong ni Paolo sa akin na ikinapamewang ko sa harapan nya.
"Bakit ikaw?Ano bang pagkakakilala mo sa talimpadas na lalaking yun ha?"
Kung makapagsalita ang baklang ito parang close sila ng lalaking yun at kilalang kilala nya yun.
"Listen Therice, hindi lang basta top model si Mr.Fritz, sya din ang nag iisang tagapamana ng Natividad group of companies and Natividad Aviation."
Natividad group of companies and Natividad Aviation?Sounds familiar ang mga business company na yun sa pandinig ko ah.
Inisip ko pa kung saan ko narinig ang mga pangalan na yun ng dahan-dahang nanlaki ang mata ko ng maalala ko na kung gaano kalaki at kaimpluwensya ng mga kumpanya na yun.
"S-seryoso ka Paolo?Ang talimpadas na yun ang nag iisang tagapag mana ng Natividad group of companies at Natividad Aviation?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya na sunod sunod na ikinatango ng managet ko.
Ang lalaking yun ang tagapag mana ng ganun kalakaking kumpanya?Ang talimpadas na yun?
"Sya nga at walang iba.Hindi sa pagmomodel sya yumaman kundi mayaman na talaga sya bago pa sya ipanganak.Ang alam ko ayaw nyang ihandle ang negosyo nila dahil mas gusto nito ang magmodel pero parang may issue pa kung bakit ayaw nyang hawakan yun at hindi ko alam kung ano yun." paliwanag ni Paolo sa akin na ako naman ay hindi makapaniwala na ganun pala kayaman ang talimpadas na yun.
"Isa pa sa pagkakaalam ko din ay kasapi si Mr.Fritz sa isang maimpluwensyang grupo na puro mayayaman ang kasama nya na gumagawa ng mga illegal na gawain na hindi sila nahuhuli." dagdag na sabi pa ni Paolo na ikinakunot ng noo ko.
"Grupo?Anong grupo?"
"Teka ano nga yun?Pa-Fa teka ano ngang sabi ng pamangkin ko?Ah! Phantom DX Gang." pahayag ni Paolo na ikinalaki ng mata ko.
G-gang?So ang talimpadas na mayabang na adik sa yakult na yun ay kasapi ng isang gang?
"Ba-bakit alam mo ang tungkol sa part ng buhay ng lalaking yun ha?Stalker ka ba nya?"
"Stalker ka dyan!Edi baka matagal na akong tegi kung iistalk ko si Mr.Fritz.Crush at idol kasi sya ng pamangkin ko at inalam nya ang tungkol kay Sergio Fritz." sagot nya na bahagya kong ikinalingon sa cindi building.
"S-so w-what kung tagapag mana ang lalaking yun at gang pa?Hi-hindi ako matatakot sa kanya nuh?Tsaka huwag kang magsosorry sa ginawa ko sa lalaking yun Paolo, tama lang yun sa kanya." pahayag kong sambit kay Paolo ng ibalik ko ang tingin sa kanya.
Hindi mababago ng nalaman ko ang inis na meron ako sa lalaking yun.Kung bibigyan pa ako ng pagkakataon baka suntukin ko sya ulit sa mukhang pinagmamalaki nya.
"Mananalangin nalang ako na palagpasin ni Mr.Fritz ang ginawa mo dahil kung hindi goodbye career ka na." sambit ni Paolo na hindi ko nalang sineryoso.
Hindi naman sya madadala sa ospital dahil sa suntok lang ng isang babae nuh.Mabilis lang din naman mawala ang pasa kaya huwag syang mag inarte kasalanan din naman nya kung bakit ko sya sinuntok.
"Umuwi na nga tayong amazona ka, pag inaatake ka ng kamalditahan mo hindi ka mapigilan.Paano kaya nakatagal si Papa Aaron sayo eh." sabi nito na nag umpisang maglakad na ikinasunod ko.
"Excuse me Manager nagmamaldita lang naman ako sa taong kagaya ng Fritz na yun nuh!Tsaka nagtagal kami ni Aaron dahil mahal nya ako.Inggit ka lang bakla ka dahil malaki ang paghanga mo sa boyfriend ko." pahayag ko sa kanya na ikinasama ng tingin nya sa akin at ikinangiti ko sa kanya.
"Manager mo ko Therice baka nakakalimutan mo?" sabi nya na mas ikinalaki ng ngisi ko
"At source of income mo naman ako Manager, sino kaya nakikinabang sa ating dalawa hmmm?"
"Maldita!" inis na sambit nya sa akin bagi nagmadaling sumakay sa kotse nya na ikinatawa ko.
Kahit kailan talaga mabilis mapikon ang manager kong 'yun.
Pinuntahan ko na din ang kotse ko at habang naglalakad ako dun ay pumasok sa isipan ko lahat ng sinabi ni Paolo tungkol sa lalaking yun.
Sinong mag aakala na ang lalaking yun ay pinanganak ng mayaman at gangster pa?
Gangster, sabi ni Paolo gumagawa sila ng mga ilegal at ayoko sa mga taong ganun.Pero wala sa hilatsa ng mukha ng talimpadas na yun na gangster sya eh, inaamin ko naman na gwapo sya pero si Sergio Fritz isang gangster?Seryoso?
Naiiling na pumasok na ako sa kotse ko at pinaandar na ang makina nito ng aksidente akong mapalingon sa may entrance ng condo building na tinutuluyan ng lalaking yun ng mahagip nga mata ko ang talimpadas na yun na nakatayo lang doon at nakapamulsa ang dalawang kamay sa short short nyang suot.Hindi ko alam kung sa akin ba sya nakatingin pero sa dereksyon na tinitingnan nya no doubt na ako nga ang tinatapunan nya ng seryosong titig.
Akala nya ba mag sosorry ako sa ginawa ko sa kanya?Over my gorgeous and sexy body!Kanya na ang Lacoste project hindi ko na hahabulin yun dahil hindi naman ako ganun kadesperada.
Inalis ko na ang tingin ko sa lalaking yun na hindi kumikilos sa pwesto nya at pinaandar ang kotse ko palayo sa lugar na yun.Sisiguraduhin ko na ito na ang huling beses na magkakasalubong ang landas namin.Makikilala din ako gamit ang sarili kong kakayahan at ipapakita ko yun sa kanya.
-THIRD PERSON P.O.V-
Sa Harap ng altar ay nakatayo si Ford at nasa likod nya ang mga kaibigan nya na kanya-kanyang bumabati sa kanya dahil ang kasal na naudlot dalawang taon ang nakakalipas ay matutuloy na.
"This is it Fordie magiging Mrs mo na si Sora after two years of being miserable." masaya at ngiting bati ni Travis kay Ford na hindi mawala ang ngiti sa mga labi nito.
"Yeah!I can't contain my feeling right now.Naiintindihan ko na kung anong pakiramdam nina Taz nang sila ang ikasal." ngiting sagot ni Ford sa kanyang mga kaibigan.
"Masaya kami para sayo dahil ilang oras nalang makikita mo ng maglakad papalapit sayo si Sora pero kanina ko pa napapansin na may isang bata dyan na nakabusangot." puna ni Tad kay Sergio na nasa may gilid lang nila at tahimik na nakatayo.
"Oi Fritz anong drama mo?" tanong ni Paxton kay Sergio na lumingon sa kanya at tinuro ang pisnging may pasa na makikita.
"Ito!Hindi ako makapaniwalang aabay ako kay Ford ng may pasa sa pisngi." naiinis na pahayag nya na ikinaakbay ni Demon sa kanya.
"Ikaw naman kasi sinagad mo na ata ang pasensya ni Ms.Model kaya nabigyan ka ng make up sa mukha." nang aasar na kumento ni Demon na tinabig ni Sergio ang pagkakaabay sa kanya.
Nang makita kanina ng mga kaibigan nya ang pasa nya sa pisngi ay agad mga nagtanong ang mga ito kung saan nya iyon nakuha kaya wala syang nagawa kundi ang ikwento ang ginawa ni Therice sa kanya.Naasar nga sya sa mga kaibigan nya dahil pagkatapos nyang magkwento ay pinagtawanan sya mga mapang asar nyang kaibigan sa pangunguna ni Demon.
"Kasalanan ko bang ayoko syang makasama sa trabaho?I can do modeling alone di ko kailangan ng kasama." pahayag ni Sergio na ikinalapit ni Blue sa kanya.
"Bakit kasi ayaw mong itry na makipag colab kay Ms.Model malay mo magwork ang partnership nyo."
"Maganda naman si Ms.Model ah?I saw one of her pictures sa isang ordinary na magazine.She had a body at masasabi mong malakas ang charm." kumento ni Tad na sinamaan ng tingin ni Sergio.
"Saang parte ng mukha ng amazona na yun ang gandang sinasabi mo ha Tad?Kababaeng tao ang lakas manapak." sagot ni Sergio
"Hindi ba mas nakaka attract ang mga babaeng may strong personality?" pahayag ni ToV na ikinaungos lang ni Sergio.
"Tantanan na natin si Sergio mukhang natamaan kay Ms.Model kaya di makalimot." ngising sabi ni Paxton na mabilis na ikinalingon ni Sergio sa kanya.
"Anong tinamaan?Hindi ang klase ng babaeng yun ang magugustuhan ko nuh!" protesta ni Sergio na ikinapigil ng pagtawa nina Tad,ToV,Demon at Blue habang hindi naman interesado sina LAY,Devil at Lu sa pinag uusapan nila.
"Ang advance mo naman mag isip Sergio!Ang ibig sabihin ni Paxton sa sinabi nya natamaan ka ng suntok nya kaya di mo makalimutan ang ginawa nya.Ikaw ha!Baka mabalitaan nalang namin ikaw na pala ang susunod na mabaliw sa tinatawag nilang pag ibig." ngising pahayag ni Demon na sinimangutan lang ni Sergio.
"Malabo Demon!"
Natigil na sila sa pang aasar kay Sergio ng tumunog na ang theme song ng kasal nina Ford hudyat na magsisimula na ang kasal.Umayos na sila sa kinatatayuan nila habang hindi mawala ang saya sa mga labi ni Ford habang hinihintay ang babaeng gusto nyang makasama habang buhay.
Nagsimula na ang seremonya ng kasal habang tahimik lang na nakaupo si Sergio sa upuan nya habang iniisip ang ginawa sa kanya ni Therice.Buong buhay nya wala kahit na sinong babae ang sumubok na gawin ang ginawa ni Therice sa kanya.Hinahangan sya ng mga kababaihan at hindi sya makapaniwala na may lakas ng loob si Therice na suntukin sya at sa mukha pa nya.
"Hoy Fritz nakakakaba ang pananahimik mo dyan.Iniisip mo parin ba si Ms.Model at ang pagkakasuntok nya sayo?" pansing tanong ni Demon kay Sergio dahil hindi ito sanay na hindi nakikitang hindi madaldal ang kaibigan.
"Puhunan ko ang mukha ko Demon malamang naman big deal sa akin ang ginawa ng babaeng yun.Manununtok lang sya talagang sa mukha ko pa diba?Pwede namang sa may tiyan ko o sa braso sa mukha ko pa talaga." inis na pahayag ni Sergio sa kaibigan
"Baka kasi bwisit na sa mukha mo tatlong beses mo ba namang i turn down sa mga project na kasama ka eh baka di na nakapagtimpi." singit ni Blue sa usapan nila ni Demon na nakikinig pala sa pag uusap nila.
"Ang sabihin nya hindi nya matanggap na kahit maganda sya hindi ko sya gugustuhing makasama sa trabaho." sambit ni Sergio na mahinang ikinatawa ni Demon.
"So inaamin mo na nagandahan ka kay Ms.Model?"
"Wag mong lagyan ng ibang meaning ang sinabi ko Demon." inis na sambit ni Sergio na isinuksok ang kamay sa bulsa ng pants nya at kinuha ang kanina pa nya dala-dalang yakult na hindi makapaniwalang ikinatingin ni Demon at Blue sa kanya.
"Kahit kailan talaga Sergio hindi mawalay sayo ang pambatang inumin na yan.Mabuti at di ka naoover dose kakainum nyan." puna ni Demon sa kanya na sinundan ng kumento ni Blue
"Pag kinasal ka Fritz never akong aattend ng reception ng kasal mo dahil for sure puro yakult lang ipapainum mo sa amin."
"That's for sure." sabat na sambit ni Devil na abala ang mata sa panunuod ng seremonya ng kasal ni Ford.
"Ang advance mo mag isip Asul, sinong nagsabi sayo na ikakasal ako?Wala yan sa plano ko isa pa mas masarap kasama ang kaibigan kaysa sa babae." pahayag ni Sergio na ininum ang yakult nya at natigilan nalang sa pag inom ng magsalita si Taz mula sa likuran nya.
"We already forgive ang forget Fritz,enough showing us that you need to still prove us your worth as a friend and a member because you already gain that.It's fun being with friends but it's more happiness you can get when you fell inlove with right woman."
Napatunganga si Sergio sa sinabi ni Taz, hindi nya inaasahan na napapansin nito na hindi pa sya nakukuntento na ipakita sa kanila ang katapatan nya at ang hindi na pag uulit na talikuran sila.
"Dalawang taon na Fritz move on din pag may time." kumento naman ni Travis na hindi na natiis na makisali sa usapan ng mga kaibigan.
Hindi nakaimik si Sergio sa mga sinabi ng mga kaibigan nya hanggang sa matapos ang kasal ni Ford at magpunta sila sa reception ng kasal nito.Ang gusto ni Sergio ay makisali sa biruan ng mga kaibigan nya pero dahil sa naging usapan nila ng mga kaibigan nya kanina sa simbahan ay nagdesisyon syang mapag isa muna sa isang mini bar ng reception at mag isang uminom ng alak.
Kahit dalawang taon na ang lumipas hindi magawa ni Sergio na patawarin ang sarili sa kagaguhang ginawa nya noo sa mga kaibigan nya.Dahil sa kanya nawala ang pamilya ni Taz,dahil sa kanya nawalan ng minamahal si Paxton,Dahil sa kanya nawala ang ina ni Gail at dahil sa kanya nasaktan nya ang babaeng minamahal ni Ford.Hindi nya magawang kalimutan ang mga nagawa nya dahil para sa kanya hindi pa sapat ang ginagawa nya maipakita lang kina Taz na hindi nya na uulitin ang pagkakamaling nagawa nya.
Malalim na napabunting hininga si Sergio at derederetsong nilagok ang alak na hawak nya ng mag ring ang phone na agad nyang kinuha at ganun nalang ang pasasalubong ng kilay ni Sergio ng makita ang pangalan na tumatawag sa kanya.Ayaw man nyang sagutin pero wala syang nagawa dahil baka mas puntahan pa sya nito sa condo nya.
"Hello."
(Sergio atlast you picked up your busy phone.)
Napasalin ng alak si Sergio sa baso nya dahil sa halatang pagrereklamo ng kausap dahil ngayon nya lang ito sinagot.Pag tumatawag kasi ito ay pinipilit nyang iignore ito pero this time ay hindi nya na nagawa.
"What do you want Mom?I'm here with my friends celebrating with them." sagot nya sa kanyang ina sa kabilang linya.
(Bakit ba hindi mo nalang sundin ang gusto ko na layuan ang mga kaibigan mong yan lalo na ang Westaria na yan na pumatay sa Lolo Sid mo.)
Napapikit si Sergio dahil sa binungad na topic ng kanyang ina.Sa tuwing tumatawag ito hindi pwedeng hindi sisingit ang usapan tungkol sa nangyari nang nakaraan.
"No way Mom!Hindi ko lalayuan ang mga kaibigan ko so please accept that!Besides ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na si Lolo ang may kagagawab kung bakit namatay sya.Him being selfish and a monster brought him to his death."
(Oh shut up Sergio!Wag mong ipagtanggol ang mga kaibigan mong yan!)
"Kung wala kayong ibang sasabihin Mom i'm sorry but i have to end this call." sabi nya na akmang papatayin nya tawag ng ina marinig nya itong nagsalita pa.
(Sergio Fritz don't you dare end this call.)
Napabuntong hininga si Sergio sa kanyang ina kaya nagsalin na naman sya ng alak sa baso nya at deretso ulit itong ininom.
(You always taking the sides of them but how the sides of your grandfather huh?)
"It's his fault Mom so please stop bringing up the past.How can i trust myself again to as a f*cking friend if you always telling me the past that i should forget?" hinaing nya sa kanyang ina na ikinatahimik nito sa kabilang linya.
"Si Lolo Sid ang may malaking atraso sa mga kaibigan ko kaya wag nyong sinisisi sa kanila ang nangyari kay Lolo."
(Fine!Kahit ilang beses kitang sabihan tungkol dyan laging nasa mga kaibigan mo ang panig mo.Anyway kaya ako tumawag sayo ay para paalalahanan ka sa mga negosyo natin.You need to handle our business Sergio, siguro naman tama na ang pag momodel mo.)
"I don't want to handle the business na galing sa kasalanan ni Lolo Sid and i love modeling Mom just support me on what i loved." sagot nya sa ina nya na pinatayan nya na ng tawag at pinatay ang phone nya para hindi na sya nito matawagan.
Sakit din sa ulo nya ang kanyang ina dahil galit ito sa mga kaibigan nya lalo na kay Taz.Hindi ito alam ng mga kaibigan nya at ayaw nyang ipaalam ito dahil ayaw nyang mag isip ang mga kaibigan nya na hindi sila magkasundo ng ina nya dahil sa pakikipagkaibigan nya sa mga ito.Nagsalin nalang ulit ng alak si Sergio sa baso nya at ininum ito.
"Bago sa paningin ko na alak ang iniinum mo imbis na yakult ah.May problema ba?"
Napalingon si Sergio kay Ford na hindi nya pansin na nakalapit sa pwesto nya at nakiupo sa isang bakanteng stool malapit sa kanya.
"Wala na akong dala extrang yakult nakalimutan kong magbitbit ng madami." ngiting pahayag ni Sergio na ikinatingin ni Ford sa alak na nangalhati na sa pag inom ni Sergio.
"Akala ko ba alak si bad for the health eh mukhang mauubos mo na ang isang yan.Isa pa ikaw makalimot na magdala ng maraminh yakult?Humor me Fritz." pahayag ni Ford na ikinawala ng ngiti ni Sergio at itinuon ang paningin sa hawak nyang baso.
"Dapat kasama mo ang bride mo sa pagharap sa mga bisita nyo." sambit ni Sergio na ikinalingon nyang muli kay Ford ng tapikin sya nito.
"Paano ako haharap sa mga bisita namin kung yung isang bisita ko nagmumukmok mag isa dito.Kanina ka pa daw napapansin ng mga baliw nating kaibigan na tahimik sa simbahan.Tungkol ba sa pasa mo na bigay ni Ms.Carvajal ang iniisip mo o ang tungkol sa nakaraan?" tanong ni Ford na ngumitu pero may lungkot sa ngiting alam nyang napansin ni Sergio.
"I trust and i believe na napatawad nyo na ako sa mga ginawa ko and----"
"Do you trust yourself either?" putol ni Ford sa sasabihin ni Sergio na ikinabuntong hininga nito.
"Aaminin ko Ford hanggang ngayon nahihirapan akong pagkatiwalaan ang sarili ko.Dalawang taon akong laging napapaisip sa isang tanong na pumapasok sa isipan ko.What if i do the same mistake i commit before?"
"Then ask yourself Lunatic, would yoy betray your friends again?Kasi maulit man yun i'll assure you na mapapatawad ka again ng grupo.Were not just friends and a gang Fritz,were family remember that.Stop thinking that you'll betray us again because we knew that you can't do that again." pahayag ni Ford kay Sergio na pinipigilan ang emosyon dahil sa mga narinig sa kaibigan.
"You trust me that much huh?Did you already forgot that i once hit your wife a bullet on her shoulder?" paalala ni Sergio sa ginawa nya noo na ikinangiti lang ni Ford.
"Did you did that?Wala akong maalala." sagot nito na bahagya nyang ikinatawa.
"Tama na ang drama yakult boy baka buong gang pa ang puntahan ka dito.Ayaw mo naman sigurong makatanggap ng batok mula kay Taz?" sabi ni Ford na natatawang ikinatango ni Sergio.
"Haha oo naman masakit mambatok si Boss Taz." sagot nya na sabay nilang ikinatayo ni Ford ng matigilan sya ng may pamilyar na mukha syang nakitang pumasok sa loob ng reception na napansin ni Ford ang pagtigil nya.
"What's wrong Fritz?"
"Wala naman i just thought i saw a familiar face entered this hall." sabi nya na ikinaakbay ni Ford sa kanya.
"Kulang ka lang sa yakult mo, wag ka mag alala nagpabili ako kay Erick ng dalawang dosenang yakult kahit namura nya ako kung anong gagawin ko sa ganung karaming yakult.Tara na bago pa maitapon lahat ni Yo ang mga yun sayang ang pinambili ko dun." pahayag ni Ford na hinila na sya pabalik sa lamesa ng mga kaibigan nya at nakatanggap sya ng sunod sunod na batok sa mga ito dahil sa pagdadrama nya.
Sa kabilang banda ay hinihingal na dumating si Therice sa kasal ng kapatid ng nobyo nito.Nabanggit nya kasi dito na wala syang trabaho kaya ininvite syang pumunta sa kasalanan ng magiging future sister in law ng kaibigan nya.Hindi alam ng manager nya na lalabas sya pero hindi nya nalang ipinaal tutal hindi sya ganun kasikat para pagkaguluhan.Nang dumating sya sa reception hall ay agad nyang hinanap ang lamesa kung saan nakaupo ang kaibigan nya na nakita naman nya dahil kumakaway ito sa kanya kaya agad syang lumapit dito.
"Sorry Max late ako si Aaron kasi dumaan sa condo kaya ngayon lang ako nakaalis." dahilan nya sa kaibigan nyang si Maxine at umupo sa tabi nito.
"Okay lang kakastart lang din naman ng program eh.Tsaka mabuti at hindi ka sinamahan ni Aaron dito."
"Gusto nga nya eh kaya lang may mahalaga syang meeting kaya hindi ko na pinasama sa akin." paliwanag nya dito na ngiting ikinatango nito.
"Mukhang kumakayod ng mabuti si Aaron para sa future nyo ah.Bakit di mo pa pakasalan?" sabi nito na ngiting ikinailing ni Therice.
"He knows na hindi pa ako ready sa stage na yan amd he understand that, ikaw nga hindi ka padin nagpapakasal sa boyfriend mong si Erick eh." balik nya sa kaibigan nya na ikinatawa nito.
"Don't worry malapit na kitang padalhan ng invitation sa kasal ko." ngiting sabi nito na ikinangiti nya nalang sa kaibigan nya ng mapadako ang tingin nya sa isang lamesa na puno ng mga lalaki at apat sa mga lalaki ay may katabing mga magagandang babae at sa tingin nya ang isang couple dito ang ikinasal pero hindi nakatakas sa mga mata nya ang pamilyar na mukha ng lalaking nakaupo sa mesa na yun na ikinabuhay ng inis nya para sa lalaking yun na mukhang napansin ng kaibigan nyang si Max ang tinitingnan nya.
"Ang gagwapo ng mga nakaupo dun noh?Mga kaibigan yan ng groom at dahil sa kanya maging friend din sila ni Erick.Kilala ang mga yan sa business industry at ang isa dyan ay katulad mo ang profession isa ding model, kilala mo?" tanong ni Max sa kanya na inis na ikinangisi nya.
"Ofcourse i know him, sikat na sikat kaya sya at pinagkakaguluhan." sagot nya dito pero ang tingin nya ay na kay Sergio.
"Siguro Therice bagay kayong magpartner ni Sergio Fritz sa isang modeling project." sambit ni Maxine na mas ikinainis nya dahil naisip na naman nya ang pagtanggi nito sa kanya.
"I doubt that!Ayokong makapartner sa isang trabaho ang isang tulad nya." pahayag nya bago kinuha ang isang glass na may wine at ininom ito.
Narinig nya pang tinatanong sya ni Maxine kung bakit nya nasabi iyon pero ang atensyon nya ay na kay Sergio na nakikipagtawanan sa mga kaibigan nya.Nadadagdagan ang inis nya sa binata dahil nagagawa nitong tumawa habang sya ay nabubwisit dahil sa kanya.
Sinabi man nya sa sarili nya na ayaw na nyang ipagpilitan ang sarili nya para makatrabaho ito ay hindi parin mawala ang asar nya dito.Naiinis sya dahil sa pwede nyang makita ngayong araw ay ang lalaki pang iyon.Naiinis na sunod sunod lang syang uminom ng wine habang masamang titig ang pinupukol ni Therice para kay Sergio.
"Karmahin ka sanang adik ka!" bulong nya sa sarili nya na hindi nya pansin na naguguluhang nakatingin sa kanya ang kaibigan nyang si Maxine.