-THERICE P.O.V-
After ng pag uusap namin ni Manager Paulo ay nakipag kita na ako sa long term handsome boyfie ko,wala naman akong kahit na anong shoot o other prior commitment na naka line up kaya ilalaan ko ang gabi na ito para sa aming dalawa ni Aaron.Kakaunting oras lang ang binibigay ko sa kanya kaya kailangan kong bumawi.Hindi muna ako mag iisip ng tungkol sa trabaho ko at lalo na sa lalaking mayabang na makapal ang mukha na adik sa yakult na yun.I'm sure naman na pagbalik ni Manager Paulo sa akin ay may maganda syang balita na pumayag na ang lalaking yun na makapartner ako bilang co-model nya sa Lacoste.
Subukan nya lang na i-turn down ulit ako makikita nya na ang hinahanap nya.
Napag pasyahan namin ni Aaron na sa isang park nalang kami mamasyal, madilim na at kakaunti lang ang tao at wala masyadong makakakilala o makakapansin sa akin.Hindi naman ako ganun kasikat para pagkaguluhan pero mas ok na ang nag iingat diba?Isa pa mas gusto kong mag stay sa lugar na makakapag relax ako na mararamdaman ko ang pagdampi ng hangin sa balat ko.Hindi naman kasi ako yung klase ng babae na classy masaya na ako sa kahit anong simpleng bagay,kahit isang shell nga na bigay lang sa akin ng isang taong matagal na naging parte ng buhay ko na hindi ko na matandaan kung sino sya ay nakatago parin sa mahahalagang gamit ko.
"Atlast!The beautiful Top Model in my life Therice Carvajal has gave her precious time to his kind, handsome and caring boyfriend."
Napangiti ako sa tinuran ni Aaron, alam ko naman ma masyado na akong nagkukulang ng time sa kanya dahil sa career ko na gusto kong mag boost at nagpapasalamat ako dahil naiintindihan nya ako at hindi kahit minsan sya na naghanap ng iba na kayang bigyan sya ng oras at importansya.Masasabi kong maswerte ako kay Aaron pero may oras na nagtataka ako kung bakit hindi ko makuhang pumayag na maikasal sa kanya.He's my childhood sweetheart at nararamdaman ko naman na mahal na mahal nya ako so am i pero bakit hindi ko mafeel na ikasal sa kanya?
Ang weird diba? Dapat pinapangarap ko na maglakad papunta sa altar na sya ang groom na sasalubong sa akin pero hindi man lang kahit isang beses na sumagi yun sa isipan ko.
"Sorry babe, i feel so irresponsible girlfriend for not giving you time that you deserved." malungkot at bahagyang ngiting sambit ko sa kanya na ikinangiti nya sa akin at ikinahaplos nya sa nakalugay kong buhok.Nakaupo lang kasi kami sa damuhan at pinagmamasdan ang bituin d
sa kalagitan.
"Don't be babe, i understand. Modeling is your greatest dream right?When we are kids lagi mong sinasabi sa akin na magiging kilala at pinagkakaguluhang model ka ng buong mundo and your starting to build that dream at nakasuporta lang ako sayo.Besides i'm saving the best for last." pahayag nya bago ako kinindatan na bahagya kong ikinatawa.
Alam ko naman na deep inside tutol sya sa pagmomodel ko pero hinahayaan nya lang ako.
Kahit kailan itong lalaking ito hindi pwedeng hindi ako pakikiligin eh!
"Thank you for understanding babe."
"You're welcome, isa pa bago mo pa ako naging boyfriend, i am your former biggest fan and bestfriend right?So i'll support you all the way as your fan, bestfriend and most epscially your boyfriend."
Sinandal ko ang ulunan ko sa balikat nya na agad namang ikinayapos ng kamay nya sa bewang ko habang parehas kaming nakatingin sa kawalan, sa madilim na parte ng parke na kinalalagyan namin.
"Hindi ko nakakalimutan yan at masasabi ko boyfriend na sobrang swerte ko sayo dahil kahit wala akong gaanong time sayo eh hindi ka naghahanap ng kapalit ko." sambit ko sa kanya na rinig kong ikinatawa nya at ramdam kong ikinahigpit ng kamay nyang nakahawak sa bewang ko na bahagya pa akong inilapit sa katawan nya
A warmth feeling beside him.
"Bakit ako maghahanap ng kapalit kung sayo palang sapat na at wala ng mahihiling pa?Ilang babae man ang magpacute sa harapan ko hindi nila maalis sa mga mata at puso ko ang babaeng hawak hawak ko ngayon." pahayag nya na ikinaalis ko sa pagkakasandal ng ulunan ko sa balikat nya na ikinalingon nya sa akin.
"Sinasabi mo lang yan pero pag may magandang babaeng humarap sayo eh makalimutan mong pagmamay ari ka na ng isang Carvajal!"
"That would never be happened, mahal na mahal kita Therice at wala ng kahit na sinong babae ang papalit sayo sa buhay ko.Kasal na nga lang ang kulang sa ating dalawa para masabi ko talagang wala ka ng kawala." ngiting pahayag nya na ikinatahimik ko.
Pag nabi-bring up nya ang tungkol sa kasal hindi ko alam kung bakit nawawalan ako ng imik tungkol sa bagay na yun na alam kong napansin ni Aaron.
"Hey wala akong ibang ibig sabihin sa sinabi ko babe.I told you i can wait until you say Yes to my proposal." pangungumbinsi nya sa akin dahil alam ko na nakikita nya sa mga mata ko ang guilt na hindi pumayag sa kasal na gusto nya para sa aming dalawa.
Nakatitig lang ako sa mukha ni Aaron na nakangiti sa akin,alam kong malawak ang pang unawa nya pero hindi ko maiwasang ma guilty dahil wala akong maisagot sa lagi nyang tinatanong sa akin.
"You know Therice that i can wait, anyway kamusta ang Lacoste project mo did you get it?" pagbabago nya sa topic namin na ikinailing ko ng biglang pumasok sa isipan ko ang lalaking yun.
Masyadong ginagawang kumplikado ng adik na yun ang buhay ko,imbis na pumayag nalang sya na maka partner ako edi sana nabubuo ko na ang pangarap ko at mapag isipan ko na kung saan ko nga gustong humantong ang relasyon namin ni Aaron.
"Inaayawan akong maging co partner ni Sergio Fritz,hindi ko alam kung anong kaayaw ayaw sa akin at nirereject nya ako.Hindi naman sya mapapahiya sa akin kung yun ang iniisip nya." naghihimutok kong pagasusumbong kay Aaron na seryoso lang na nakatingin sa akin na ikinasalubong ng kilay ko.
"Bakit binibigyan mo ko ng tingin na ganyan hon?"
"Babe bakit hindi ka nalang maghanap ng ibang famous brand company na kukunin kang model.Kung ayaw ng lalaking yun na makapartner ka then let it be." sabi nya na ikinaayos ng pagkakaupo ko at pagkakaharap ko sa kanya
"Aaron ang lalaking yun nag pwedeng mag angat sa modeling career ko, pag napadikit ang pangalan ko sa kanya makikilala na rin ako ng lubusan ng mga tao." paliwanag ko sa kanya na ikinaalis nya ng tingin sa akin at tumingala sa kalangitan.
"You can go to the top without the help of any famous name Therice, besides there's a possibility that. ."
Natigil si Aaron sa pagsasalita at nakatingin lang sa kalangitan na ikinataka ko.Bakit sya tumigil sa pagsasalita?Tsaka bakit tumututol sya ngayon sa plano ko?
"Aaron. . "
"Did you see yourself walking in the aisle and dreaming that i am your groom whose waiting for you to come?" biglang tanong nya na ibinagsak sa akin ang seryoso nyang tingin.
Ito ang unang beses na naging seryoso ng ganito si Aaron, what's the matter?Parang yung career ko ang pinag uusapan namin dito ah.
Isa pa sa tinanong nya na naging tanong sa isipan ko,am i dreaming of walking in the aisle with him as my groom?
"Aaron. . ."
"Natatakot ako na baka dumating araw na hindi na ako ang tinitibok ng puso mo at mas natatakot ako kasi Therice pag nangyari yun baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na palayain ka." sabi nya na ikinakunot ng noo ko.
Sinasabi nya ba na maaring magbago ang nararamdaman ko para sa kanya?Bakit naman nys naisip yun?
"Bakit ba ganyan ang mga sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko na biglang ikinasilay ng ngiti sa labi nya.
"Don't mind what i said, besides i trust your love for me." ngiting sabi nya bago hinila pahiga sa damuhan at yakapin ako ng mahigpit.
Bakit biglang nagig weird si Aaron ngayon?
"Hindi ako magmamahal ng iba kung yan ang iniisip mo babe." sambit ko habang nakatingalang nakatingin sa kanya na nakapikit at bahagyang ngumiti.
"I will hold on to what you said babe.I will."
Naguguluhan talaga ako sa biglang pagbabago ng mood ni Aaron.Iniisip nya ba talaga na mawawala ang pagmamahal ko sa kanya at malilipat sa iba?Hindi naman mangyayari yun dahil mahal ko sya at kahit wala pa sa plano ko na magpakasal sa kanya nakakasiguro naman ako na sya ang gusto kong makasama habang buhay.
Yun naman talaga dapat ang mangyari diba?
Ilang oras pa kami nanatili sa parke at nagkwentuhan, bumalik narin sa dating mood nya si Aaron kaya nagagawa nya na ulit akong biruin.Sa pag iiba ulit ng mood nya parang wala kaming pinag usapan na seryoso, nakakapagtaka ang naging side na yun ni Aaron at sa tatlong taon nang relasyon namin ito ang unang beses na sobrang naging seryoso ang usapan namin.Ang weird nya this day pero hindi ko nalang pinansin at inenjoy ang time kasama nya.
Inihatid narin ako ni Aaron ng mapag pasyahan na naming umuwi dahil may maagang board meeting sya sa company nya, hinatid nya ako sa mismong pintuan ng condo unit ko bago ako hinalikan sa noo at nagpaalam na uuwi na.Tatawag nalang daw sya pag nakarating na sya sa bahay nya.
Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng condo ko ng magulat ako ng bigla itong magbukas at lumabas dun ang manager ko na mukhang papatayin ako sa gulat.
"Paulo?!Papatayin mo ba ako sa pang gugulat mo ha?" sita ko sa kanya na ikinasandal nya sa hamba ng pintuan ko.
Ang baklang 'to sayang ang kagwapuhan at lahi ng isang ito.Pero mabuti nalang sya ang klase ng bakla na hindi nagko cross dressing dahil pag nagkataon na ganun sya, malamang maasiwa aking titigan sya.
"May i remind you my dearest Therice wala kang sakit sa puso kaya malabong mamatay ka sa gulat." sambit nya na ikinairap ko lang sa kanya at deretso nang pumasok sa loob ng condo ko na ramdam ikinasunod nya.
Pabagsak akong umupo sofa na ikinatabi agad ng baklang ito.I'm sure makikitsismis lang yan sa nangyaring date namin ni Aaron.
"Kamusta ang date nyo ng gwapo mong boyfie?"
See?
"Wonderful." maikling sagot ko na ikinataas ng kilay nya na nakatingin sa akin.
"Wonderful?Yan lang madedescribe mo sa naging date nyo?wala man lang nangyari?" mga tanong nya na kunot noong ikinatitig ko sa kanya.
Anong gustong sabihin ng isang ito?
"Ano bang tinatanong mo?Ano naman ang dapat mangyari ha Paolo?"
"It's Paula!Mangyari as in love making duh!" sabi nya na ikinalaki ng mata ko na agad kong ikinahampas sa balikat nito na ikinaangal nya.
"Bakit nanghahampas ka dyan?"
"Did you heard what you said Paolo?" sita ko sa kanya na parang balewala lang sa baklang ito.
"Malamang narinig ko." sagot nya na ikinailing ko nalang sa kanya.
"Bakit mo naman naisip na gagawin namin yun?Aaron respect me, isa pa hindi ako pwedeng mabuntis."
"Hala sya?Sino bang may sabi na magpapabuntis ka?Syempre mag iingat si Papa Aaron nuh isa pa may pangangailangan ang boyfie mo na ikaw lang ang makakapag bigay.Isa pa tatlong taon na kayong mag dyowa nuh kahit isang halik sa labi wala akong nakita sa inyong dalawa puro sa noo sa pisngi at sa kamay lang.Nasa modern times na tayo Therice ano ka si Maria Clara?" pahayag nya na ikinadampot ko sa throw pillow na nasa tabi ko at ibinato ko sa mukha ng madaldal kong manager.
Kung ano-anong lumalabas sa bibig ng isang ito.
"Pwede ba Paolo marunong maghintay si Aaron sa bagay na yun.Hindi ang klase ng boyfriend ko ang sabik sa ganun." depensa ko na ikinasandal nito sa kinauupuan naming sofa.
"Yeah marunong nga syang maghintay pero nakakapagod kaya ang mag antay ng mag antay.Nakikita ko kay Papa Aaron na gusto nya ng bumuo ng pamilya with you hindi mo ba nakikita yun?" pahayag ni Paolo na ikinaiwas ko ng tingin sa kanya.
Hindi pa ako handa sa bagay na yun.
"Nakikita ko naman yun pero hindi pa sa ngayon." sambit ko na rinig kong ikinabuntong hininga ni Paolo.
Hindi ko alam kung bakit hindi pumapasok sa isipan ko na pumayag na maikasal kay Aaron.Basta ang alam ko ayaw ko pa sa di ko alam na dahilan.
"Okay change topic tayo, ayoko sanang sabihin ito sayo kaya lang baka maisipan mong itanong sa akin kaya sasabihin ko na." pag iiba ng usapan ni Paolo na muli kong ikinabalik ng tingin sa kanya.
"Sabihin ang alin?Wait, napapayag mo na ba ang manager ng talimpadas na lalaking yun na ako ang makapartner ng bwisit nyang alaga?" agad na tanong ko sa kanya
"Well sa part na yan baka maging amazona ka na naman." pahayag nya na ikinasalubong ng kilay ko.
Bakit naman ako magiging amazona?
Natigilan nalang ako ng mapagtanto ko ang gustong sabihin ni Paolo sa akin na biglang ikinabuhay ng inis ko sa talimpadas na adik sa yakult na lalaking yun.
"Don't tell me he refuse me again, tama ba Paolo?"
"Then i will never tell you that he reject you again for the third time." sagot ni Paolo na asar kong ikinatayo at ikinapadyak sa sahig.
"ARRRGHH!!THAT MAN WAS REALLY GETTING OF MY NERVE!HOW DARE HE REFUSE ME AGAIN AND AGAIN!!!!" malakas na bulyaw ko dahil sa inis na nararamdaman ko sa lalaking yun.
Ano ba talagang problema ng lalaking yun sa akin at tinatanggihan ako?
"Nang pinuntahan ko ang manager nya sa condo nito para kumbinsihin ang alaga nya na pumayag na ikaw ang makapartner nya ay sinabi nito sa aking ayaw talaga ni Sergio Fritz na maging co-model ka nya at yun na daw talaga ang desisyon nito." paliwanag ni Paolo sa akin na mas ikinadagdag ng inis ko sa lalaking yun.
How really dare he!
Mabilis kong dinampot ang susi ng kotse ko na nasa ibabaw ng lamesa ko at nabubwisit na naglakad palabas sa condo ko na ramdam ko ng ikinasunod ni Paolo sa akin.
"Hoy Therice saan ka pupunta?" naguguluhang tanong nito sa akin habang sumasabay sa paglalakad ko patungong elevator
"Masyado ng pinuputol ng lalaking yun ang pasensya ko kaya makakatikim talaga sya sa akin!" asar na sagot ko na mukhang ikinagulat nya
"Don't tell me Therice na susugurin mo si Sergio Fritz?"
Tumigil ako sa paglalakad at nakangising hinarap ang manager ko.
Sobra na ang talimpadas na yun at hindi ko na mapapalampas ang ginawa nya.
"Kung ganun hindi ko sasabihin." pang gagaya ko sa sinabi nya kanina bago sya iniwan sa kinatatayuan nya na tinatawag ang pangalan ko.
Inuubos talaga ng lalaking yun ang pasensya ko at hindi na katanggap tanggap sa pagkakataon na ito!Swear makakatikim talaga sa akin ang talimpadas na makapal ang mukhang adik sa yakult na yun.
Nakalabas na ako sa building ng condo na tinitirhan ko at agad sumakay sa kotse ko at pimaharurot ito papunta sa lungga ng lalaking yun.Siguro naman sa mga oras na ito ay naandun sya at dahil sa kagustuhan kong makarating agad sa lungga nya at sa bilis ng patakbo ko ay agad akong nakarating sa condo building na tinutuluyan nya.Agad kong ipinarada ang kotse ko at agad bumaba doon at mabilis na pumasok sa loob.
Nakapunta na naman ako sa condo nya kaya alam ko kung saan ang lungga nya kaya lang noon ay pinagtaguan ako ng talimpadas na yun at sa tingin ko naman eh hindi nya na ako mapagtataguan sa oras na ito.
Humahangos akong sumakay ng elevator nabubwisit na pinindot ang button papuntang 3rd floor kung saan susugurin ko ang unit ng talimpadas na lalaking sobrang hangin ng ulo.
Sino ba talaga sya sa akala nya?Dalawang beses nya nang tinurndown na makasama ako sa isang contract modeling sa isang sikat ng Lacoste at ngayon gagawin nyang pangatlo?naiinis ako sa kanya nun pero tinanggap ko na tinanggihan nya na makapartner ako.Sabihin na natin na gwapo ang talimpadas na Sergio Fritz na yan at indemand sya at pinagkakaguluhan,sikat at mayaman pero hindi nakakagwapo ang kayabangan nya sa totoo lang!Nakakairita lang.
Kung hindi ko lang talaga kailangan ang kasikatan nya para makilala din ako ay nuknukan kong hahabulin ang adik sa yakult na yun at gagawin ko ang sinabi ni Aaron kanina na maghanap nalang ako ng ibang clothing line.Sa totoo lang ayokong makita ang mukha ng lalaking yun dahil mukha na syang bote ng yakult sa akin kaya lang talaga nakakapikon na sya eh!
Inuubos talaga ng lalaking yun ang pasensya ko!Dalawang taon ang nakaraan nung tinanggihan nya ako tapos ngayon uulitin nya ulit?Ano bang ayaw nya sa akin at ayaw nyang tanggapin na makapartner ako?!!Maganda naman ako,seksi at hinahangaan ng mga kalalakihan so bakit ang talimpadas na yun ay nagagawang baliwalain ako ng ganito!!
Tumunog ang elevator hudyat na nakarating na ako sa 3rd floor at pagbukas ay nanggagalaiti na akong lumabas sa elevator at mabilis na tinahak ang unit ng lalaking gusto kong sampalin ngayon.
Wala akong pakielam kung gabing gabi na eh sumugod pa ako sa condo nya naiinis na talaga ako sa kanya at kailangan ko itong mailabas dahil kung hindi baka sumabog ako.
Nakailang pinto na ako na nilagpasan ng tumigil ako sa tapat ng isang pintuan kung saan makakaharap ko na ang kinamumuhian kong tao sa balat ng earth.
Huminga ako ng malalim bago nilingon ang doorbell nya at sunod sunod ko itong pinagpipindot, sabihin na nating pinangigilan ko ang doorbell nya.
"Pag hindi ka lumabas na adik ka ipapagiba ko ang pintuan mo!" asar na sabi ko sa sarili ko habang patuloy ako sa pagwawala sa doorbell ng talimpadas na yun.
Wala akong pakielam kung masira man ang doorbell nya!
"Ano bang problema mo sisirain mo ba ang doorbell ko?"
Natigil ako sa pagpipindot ng doorbell at napalingon sa kabubukas lang na pintuan at ilabas nun ang lalaking pakay ko na nagsalubong ang kilay ng makita ako na ikinahalukipkip ko sa harapan nya.
Sa wakas the boastful Sergio Fritz is now standing in my front.
"Therice Carvajal?Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito sa tapat ng unit ko?" takang tanong nya na ikinatalim ko tingin sa kanya.
Sapakin ko na kaya ang isang ito?Kahit isa lang!
Kaya lang baka madyaryo pa ako at ibash ng mga fans nya kaya kailangan kong magtimpi pa.
Kalma lang Therice!Have a poise.
"Gaano ba kakapal ang kalyo sa mukha mo at tinanggihan mo na naman na ako ang makasama mo sa project sa Lacoste sa pangatlong pagkakataon ha!" pigil na inis kong sita sa kanya
"Ahhh!So sinusugod mo ko dahil dun?" normal na tanong nya sa akin
Bakit ba nakikita ko na balewala lang talaga ang tungkol doon sa lalaking ito?
"Kailangan ko ang paliwanag mo kung bakit tatlong beses mong tinatanggihan na makapartner ako!May lihim ka bang galit sa akin ha Mr.Yakult Lover?" prangkang tanong ko sa kanya
"Wala!Bakit naman ako magtatago ng galit sayo Ms.Carvajal.Ayoko lang talaga na may kasama ako sa isang project, sanay kasi akong ako lang ang nagtatrabaho.Isa pa, di kita trip." ngising sabi nya na parang ikinapatid ng litid ko sa galit sa sinabi nya.
"A-ako hi-hindi mo t-trip?Huh!Wow galing!Therice kalma. . . "
Pumikit ako at pilit kinakalma ang sarili ko pero hindi ko napigilang maikuyom ang kamay ko.
"Alam mo Ms.Carvajal. . ."
So pag trip nya na makapartner ako hindi nya ako pahihirapan ng ganito?Wow just wow!
"SA TINGIN MO BA TRIP KITANG ADIK KA HA?!!KUNG HINDI LANG KITA KAILANGAN NEVER NAMAN KITANG LALAPITANG TALIMPADAS KA?!!!NAKAKAINSULTO KA NA!!PORKET SIKAT KA AT IN DEMAND AY KAYA MO NA AKONG INSULTUHIN NG GANITO!!!SUMOSOBR----"
natigilan ako sa pagbubunganga ko sa kanya ng tapatan nya ako ng isang yakult sa tapat ng mukha ko.
"Ano yan?"
"Ngayon ka lang ba nakakita ng Yakult?" inosenteng tanong nya na mas nakadagdag sa pagkabwisit ko sa kanya.
"Alam kong yakult yan!Bakit tinatapat mo yan sa mukha ko." sita ko bago hawiin ang kamay nyang may hawak ng yakult na nakatapat sa mukha ko.
"Para kumalma ka!Kababae mong tao ang ingay mo.Try mo masarap yan."
"Aba't. . ."
"Kunin mo na tapos umuwi ka na "
Namumuro na talaga sa akin ang adik na ito!!
Binigyan ko ng masamang tingin ang lalaking ito at humakbang pa palapit sa kanya at walang pasabing sinuntok ko sya sa mukha ng malakas na ikinasalampak nya sa sahig ng unit nya.
Damn!Hindi lang makapal ang mukha ng lalaking ito matigas din!
Nanlalaking mata na nilingon ako ng adik na ito habang nakahawak sa pisngi nyang nasuntok ko na ikinangisi ko sa kanya.
Wala eh!Masyado nya nang inubos ang pasensya ko.Nanapak pa man din ako pag ganun
"Bakit mo ko sinuntok?Alam mo bang aabay pa ako sa kasal ng kaibigan ko bukas ha?!" inis na singhal nya sa akin na ikinapamewang ko.
"Kasi pakiramdam ko kailangang maalog ng utak mo.Fine!Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko kung ayaw mong makatrabaho ako pero eto ang sisiguraduhin ko sayong adik sa yakult na lalaking talimpadas na makapal ang mukha.Darating ang araw na ikaw naman ang magmamakaawa at maghahabol na makatrabaho ako at pag dumating ang araw na yun sisiguraduhin kong maninigas ka!BWISET!!" bulyaw na pahayag ko sa kanya bago sya iwan at umalis sa nakaka bad vibes nyang unit.
Ang kapal talaga ng lalaking yun!Arrrghhh!!Sinusumpa ko ang adik na yan!
Gwapo lang sya pero kasuntok suntok ang mukha nya!!!!
Kung ayaw nya edi wag!Aaron was right makakahanap pa ako ng ibang clothing line na magpapaangat sa pangalan ko na hindi na kailangang dumikit sa pangit na Fritz na yun.