Data

2361 Words
"Nasaan ba kayo?" "Basta sabihin mo idiretso lang ni manong driver." Sagot ni Eula. "Nasaan na ba si Ian?" "Computer." "Nag co-computer nanaman siya? Sa ganitong-" "Hindi. Basta. Magpunta ka na lang kasi dito at dito na natin pag usapan." "Manong doon po oh. Doon po sa babae." Aniko nang makita ko siyang nag aantay. Pagkarating namin ay agad din akong nagbayad atsaka lumabas. "Halika na." Paghila niya saakin. Pumasok kami sa silid ni Ian at naabutan namin siyang nag co-computer habang naka headset. Alam kong tungkol sa computer ang trabaho niya, pero madalas ko kasi siyang makita na nag lalaro. Ngayon ay nakabukas ang kung ano-anong files sa screen ng computer niya at mabilis siyang nag ta-type at nagpipindot na parang nagmamadali. Si Gizelle na nakaharap din sakaniyang laptop habang naka headset katulad ni Ian. Si Irish naman ay kasama si Kurt sa mga papel na kanilang ginagawa. Si Kuristen ay inaayos ang mga wires na nagkakabuhol buhol, samantalang si Eula ay nanonood ng balita sakaniyang Cellphone. "Anong nangyayari?" Tanong ko ngunit hindi ata nila ako napansin. "Giz, gather the data once I said gather it." Seryosong sabi ni Ian na hindi lang man maalis ang atensyon sa computer. "Nakapasok ka na ba?" Tanong naman ni Gizelle. "Sinusubukan ko ulit. Their system is secured, but if I use the boomerang trick, I can hack their system... even the private one." "Sige." Sagot niya "But hold their security a little longer. Ang dami nilang lumalaban saakin." "Got it." Sagot niya ulit atsaka sumipsip sakaniyang inumin -softdrinks... again. "Irish? Kurt? Anong ginagawa niyo?" Tanong ko naman sakanila pagkaupo ko. Biglang tumunog ang tv ni Ian at alam kong dahil ito sakaniya. "There are many unknown creatures here on earth, Dahlia. Hindi ka ba nagtataka sa mga namatay? Pare-pareho sila ng pagkakamatay, hindi ba?" Tanong ni Eula at tinukoy ang mga balitang nasa tv. Base dito ay pati sa ibang bansa ay nagkalat na ang mga ito. Unti-unti na silang dumadami. Sila mama at Jade. Lumipat ulit ang channel pagpindot ni Ian ng kung ano sa kaniyang keyboard. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, pero itong magaling nating kaibigan ay parte ng grupo na kung tawagin ay 'Crest'." Aniya. "Huh?" "I know it's confusing and all..." "Gather it, Giz. Gather. Faster." Malakas na sabi ni Ian. Ang daming mga numero na kulay berde ang mabilis na lumilitaw sakaniyang screen kasabay ng pagpindot niya ng kung ano ano. "Save it." Dagdag niya. "Ahhh... Kurt, let me borrow your flashdrive." Wika ni Gizelle at agad na sinaksak sakaniyang laptop. Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan at ang ingay lamang na maririnig ay ang babaeng nagbabalita. "Ha!" Nakangiting sabi ni Ian atsaka tumayo papunta saamin. "Could you explain it to me mister Ian Mendoza." Sambit ko na nagpatawa sakaniya ng bahagya. "Sorry na. Hindi ko sinabi sainyong lahat. Paano kasi, pag sinabi ko, baka madamay kayo at ayokong maging dahilan kayo kung sakaling may mangyaring aberya sa trabaho ko." "Bakit? Anong ibig sabihin nito?" Pagturo ko sa balita. "Eww, Dahlia. Ano ito?" Tanong ni Kuristen habang hawak ang bag ko. "Did they-" "Yes, Ian. Muntik na akong mamatay dahil sa mga iyan." Madiin kong sabi nang makita ang tumalsik na dugo ng nilalang kanina. "Papaano ka naka..." "Ahhh, Ian. A little help here. They're trying to access our system." Sabi ni Gizelle kaya mabilis siyang bumalik sakaniyang upuan. "What are we gonna do now?" Tanong ko sakanila Eula. "Hindi ko pa alam. Ibigay natin ang trono sa lalaking iyan." Tukoy niya kay Ian. Oo nga naman. Wala kaming magawa at hindi kami makapag desisyon dahil wala kaming alam sa mga nilalang na nagkakalat sa mundo. "Giz!" Tawag niya na inaasahan naming dadagdagan niya ng 'ano ba?!' ngunit hindi. "I'm sorry. Humina ang signal. I can't get in." Sagot niya. Bigla na lang kaming nakarinig ng kalabog sa taas. "Ahhh, they're ruining the goddamn wireless fidelity." Madiin niyang sabi atsaka mas lumapit sakaniyang computer. Alam kong alam naming lahat pag siya'y lumapit na ng sobra sakaniyang ginagawa. He's full attention is now on it. "Anong gagawin natin? Hindi na natin siya makakausap." Sabi ni Irish na ngayon ay hawak ang mga papel na inaasikaso nila kanina ni Kurt. "Dito lang kayo. Sisilipin ko lang kung sino o ano yung nandoon." Ani ni Kurt. "Para saan ang mga iyan?" Tanong ko naman kay Irish. "These are the data I've gathered in my research." "For what?" "It's broad. About anesthesia... tranquilizer, if the place or weather or country affects the human brain, a rat if you inject it with some drugs. Many more." "It's the unknown thing." Wika ni Kurt pagdating niya. "H-h-how do we kill it? Dahlia, paano ka nakaalis doon sa mga iyon kung nakaharap ka na ng katulad nila?" Tanong niya. "May mga pumapatay sakanila. Hindi ko alam kung sino. Pero ang gamit nilang pampatay, baril na pampatay sa mga iyan at hindi ordinaryong baril lamang." "My Go- These fu- s**t!" Sambit ni Ian ngunit napatingin kaming lahat sa bintana kung nasaan ang nilalang na parang butiki habang ito'y nakatingin sakaniya na hindi na alintana ang kaniyang paligid. "Close all the f*****g windows." Utos agad ni Kurt kaya kami mabilis gumalaw at sinarado lahat ng pwedeng maisarado. Pagsara ko ng kurtina ay nabalot kami nang nakakabinging katahimikan. Ang babaeng nagbabalita kanina ay nawala na dahil inalis na ito sa saksakan ni Kuristen. "Akala-" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Ian dahil sa pagsalita niya. "Anong nangyayari?" Tanong niya. "Bumalik na ang signal. Giz, gather it all agai- woah." Tumunog ulit ang kaniyang bubong kaya kami naalerto. Sumilip si Kuristen sa bintana ng ilang minuto hanggang sa mabilis niya itong sinara at lumayo habang nakahawak sakaniyang dibdib. "You.. you.. you.." "Tin. What?" Sabay naming sabi sakaniya kaya siya bahagyang tumigil at pinakalma ang sarili. "I notice that they don't have ears. But they have eyes so we all need to control our breathing. We need to calm down." "And so? Anong meron sa mata nila? Hindi naman nila tayo naririnig sa mata nila, hindi ba?" Sagot ko. Bigla ulit tumunog ang taas at sumunod ang pintuan. "No." Mahina niyang sagot. "Their eyes could see and hear us. Their tongue could feel the vibrations we make." Sagot niya. Oh yes. Here's the nurse. Pareho sila ni Irish na marunong sa Science. Magaling sa pakikipag usap si Eula, she was a reporter before but an artist now. Si Gizelle naman ay sa computer katulad ni Ian, si Kurt ay sa Mathematics at player - mahilig sa competition- atleta, si Irish ay journalist at curious kaya mahilig mag research sa mga bagay bagay, si Kuristen ay nurse at mahilig sa kahit anong konekta sa Science, ako naman ay mag balanse ng debit at credit sa balance sheet. Parang lugi naman ako dito. Lugi kami ni Kurt dito, pero mas lugi ako. Paano ko gagamitin ang mga numero upang mabuhay? "Then how are we gonna get away with this thing?" Mabilis at madiin kong tanong. "Ian. Ano ba? Para saan ba iyan?" Tanong ko naman sakaniya na gumagawa ng ingay dahil sa pag type niya sakaniyang keyboard. "I'm just transfering the files in Giz's drive." "Para saan ba iyan?" "Malalaman mo rin mamaya." Tugon niya atsaka pinindot ang 'enter' bago mawala ang mga files na nakabukas sakaniyang screen. "Unmount it, Giz." "O-kay. Done. Got it. Safe here." Aniya. Tumunog ulit at nag sunod sunod na ang pagtira ng nilalang sa pintuan. "Saan ko ba yun nilagay?" "Ang alin?" Tanong ni Eula kay Ian. "The GNK7." "Huh?" Sabay sabay naming tanong ngunit hindi niya kami sinagot at nagpunta sakaniyang higaan. Itinaas niya ito at bumungad ang parang pindutan ng password. "s**t. I forgot the password." Pagkamot niya sakaniyang ulo. "Ow. Wait. When was the day we all met?" "January 21st on 2010." Sagot ni Kurt. "No. That's the day we met. What I meant is, the day we all met. Like, all of us are present." "Ow, I know. It's April 9th on 2010." Ani ni Irish kasabay ni Kurt. Pagkatapos niyang magpindot ng anim na numero ay bigla itong tumunog at bahagyang bumukas. Pagbukas niya ay bumungad saamin ang mga malalaking baril na katulad sa nakita kong gamit ng mga lalaki noong ako ay nasa apartment pa. Iba't ibang kulay ang mga... -sa tingin ko'y bala- na nakikita sa gilid nito. May kulay asul, dilaw, berde, pula, lila at iba pa. "Here. May iba't ibang paraan at bala ang mga ito." Pag abot niya saamin. Saakin ay kulay pula, si Kuristen ay berde, si Irish ay asul katulad ni Eula, si Gizelle ay lila, at silang dalawa ni Kurt ay dilaw. "Paano ito? I can't shoot." Aniko sakanila. "You can." Sagot ni Giz. "No I can't. You, all of you, you all can shoot because you had the time to take class in shooting. Me, I can't. You all know the reason why." Mahina at madiin kong sabi. "Look. My hands are trembling knowing I am holding a gun." Dagdag ko. "You can do it." Sabi ulit nila. "I can't. Ni wala nga akong maitutulong dito. Wala akong maitutulong sainyo." "Hindi." "Hindi? Sigurado ba kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Kuristen and Irish have knowledge about those things. Why? Because they know science." Madiin kong sabi. "And Giz and Ian can do things in computers. Eula is good at communicating. She might gonna use it when communicating to the government to help us here. And Kurt, he can shoot." "Me? How about me?" "Sige nga. Pag ikokonekta pa lang ang mga alam ko sa alam niyo, wala na. Sabihin niyo nga saakin kung paano ko makokonekta ang worksheets sa scalpel? Paano ko makokonekta ang debit at credit sa stethoscope? Ang cashflow sa anesthesia?" "Ian at Giz. Paano ko makokonekta ang financial statements sa hacking?" Tingin ko sakanila. "Through wireless fidelity?" Mahinang sagot ni Ian. "Tignan mo yan. Pwede mo namang sabihing wi-fi diba? Binubuo mo pa." Aniko. "Let's be honest here. You all know that my work is not for survival. You all know that." "Look, Dahlia. We know you don't have time to practice or take class for shooting. Pasensya ka na, hindi naman namin alam na darating yung ganito." "Halika nga dito." Paghila saakin ni Irish atsaka ako niyakap. "Gosh. You're shivering." "Body heat might help." Dagdag niya. Sumunod na rin sila atsaka ako niyakap. Kahit papaano'y kumalma ako. Pero hindi pa rin maalis ang panginginig ko dahil sa aking hawak. Pagkatapos ng pagtunog ng pintuan ay kumalas na rin sila sa pagkakayakap saakin. "Hey. Breath in, breath out." Ani ni Tin saakin kaya ko rin ito sinunod. "How do we get out of here?" Tanong ni Giz kay Ian. "If you all allow me to type, we can get out of here." Sabi niya kaya hindi kami agad nakasagot. "Sira na ba ang ulo mo? Sige na." Sarkastikong sambit ni Tin. "Anong gagawin mo?" Tanong namin pagsunod namin sakaniya dito sa kaniyang computers. "I'm accessing our system. Nagpapadala ako ng awtoridad upang makuha ko ang masasakyan natin." Tugon niya. Ilang minuto kaming tahimik at pilit na pinapakalma ang sarili gaya ng sabi ni Tin kahit na ramdam naming madami nang nilalang sa labas. "Good day. I am agent YXZ10." Pagbati ng robot na babae sa speaker ni Ian. Hindi naman ito masyadong malakas, sakto lang upang marinig naming lahat. "Agent Mendoza speaking." Ani ni Ian na parang hindi na namin kaibigan ang nagsasalita. "Greetings, agent Mendoza. How may I help you?" "Is the A450 available?" "Yes, agent Mendoza. A450 is currently available." "Could you get us the A450, please? The same location." "Roger agent Mendoza." "Agent?" Sabay naming tanong pagtigil ng boses ng robot na babae sa computer. "Hmmm... that's what we call ourselves. We can't call each other by name or casually." "Pwede naman iyon, basta't kaibigan o kakilala mo talaga ang kausap mo." Pagbawi niya rin. "Oh, right. Before I forgot. Dah, I think we may have found someone who can help you find your brother and father. But we're not sure if they're reliable and trustworthy." Sambit ni Irish kaya ako bigla napatingin sakaniya. "Someone? Who?" Tanong ko agad. "Oh, yes! Right. He's a right hand man of an investigator from 100 miles away from this city. The right hand man said that they are willing to find your long lost father and brother if you are willing to give them what they want in return." Giz answered. "What is it?" Tanong ko naman. "They want the secured file from the Government office. I suppose it's about an illegal transaction history or sort. They can't get into the office because they're banned, however, he didn't said the reason why, so we found them untrustworthy and unreliable. But if you're that desperate you can message them yourself. Here, they've gave me their email address, I printed it for you. But be careful, Dah. They're might some jerks who feed on those people in need." Said Ian and handed me a small paper. I can't say anything because of how unreal this is. Tinago ko na lamang ang papel, at paglipas ng ilang minuto'y nakarinig kami ng tunog ng helicopter sa labas kaya sinabi agad ni Ian na dumaan kami sa likod. Nauna na kaming lumabas dahil may kukunin daw muna siya. "What was that for?" Tanong ni Giz paglabas ni Ian. May hawak kasi siyang parang lampara at picture frame na nakalagay ang litrato naming lahat. Hindi lang halata ngunit saaming lahat ay siya ang pinaka sweet. He value small details or things, like the ticket we have when we watch cinema for the first time. "Shoot it!" Malakas na sabi niya atsaka na tumakbo kasabay namin papunta sa parang eroplano na submarine na spaceship. Pagdating namin sa ibaba ay umilaw ito. Para itong hologram na itsura ng hagdan papunta sa loob ng sasakyan. "Use it. Umakyat na kayo." Aniya ulit habang binabaril ang mga nilalang. "Ahhh. This is a hologram. This isn't real." Sagot ni Irish. "Just do it." Malakas niyang sabi. Hinawakan ito ni Giz at nang mahawakan niya'y nag umpisa na siyang umakyat. Sumunod na rin kami at ang nahuli ay sila Kurt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD