bc

Dead City

book_age16+
149
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
kicking
high-tech world
like
intro-logo
Blurb

Dahlia's father and brother have been missing for more than 13 years. She was still 15 years old when they went missing. There were no signs of them, whether they were still alive or dead, there were no bodies nor graves of them and the police didn't know what to do anymore, so they set aside the case.... until it was already forgotten. Dahlia's mother didn't have any other option but to set aside her husband and son's case as well, in order to survive, because she still had two daughters remaining and was alive who were dependent on her. But Dahlia--whose will power is strong--didn't stop searching up until now that she's an adult. Although she knows it will take time, since her work is demanding and has tons of deadlines--she's an accountant, because she knows that she will be peaceful once she finds where on earth they are. Even if what awaits her is their graves or ashes, she still wanted to see for herself where they are. However, an unexpected event happened. One day, a bizarre creature came out of nowhere in her apartment along with a group of three gentlemen who seemed to know all about the creature. Her life after that event turned. She didn't expect that she, an accountant, would become part of a group that's duty is to exterminate unworldly creatures and save humanity from an invasion. Also, she didn't know that one of the group would make her feel something she never felt before, something she would fight for in order not to lose it. But when things are turning well for a while, and she is starting to finally let go of searching for her missing father and brother, that's the time when the ghost of her late father and brother haunts her.

chap-preview
Free preview
Pick
"Hindi ako makakapag padala sa'yo ngayon anak. Alam mo naman kasing gipit na gipit ako ngayon kasi may kailangan ang kapatid mo sa eskwelahan." "Sige, ayos lang 'yon ma, naiintindihan ko. Basta mag iingat kayo jan ni bunso tapos huwag niyo kalilimutan yung sarili niyo. Ako na ang bahala." "Pasensya ka na anak ko. Huwag kang mag alala, pag nakaluwag-luwag ako tapos nakapag ipon na ako dadalihin na din kita dito." "Ayos nga lang 'yon ma. Kaya kong madiskartehan iyan. Atsaka tungkol diyan sa pagdala niyo saakin..." huminga muna ako ng malalim bago ko ituloy. "Hahanapin ko din kasi sila kuya." Naging tahimik ng ilang segundo sa kabilang linya bago sila sumagot. "Anak. Ilang taon ng nawawala ang kuya mo at ang papa mo. Pati nga mga pulis sumuko na kakahanap sakanila. Kasi kahit anong gawin nila, hindi talaga nila mahanap ang kuya't papa mo." "Ma. Sabi ko naman sainyo na hindi ako titigil sa paghahanap hangga't hindi ko pa nakikita sila kuya at papa, o kahit...." "Puntod nila ang makita ko basta't malaman ko kung nasaan sila." Narinig ko silang bumuntong hininga bago ulit magsalita. "Naiintindihan ko.... Joy." "Ma!" Irita kong wika. "O sige Dahlia" pagbawi nila habang tumatawa. "Dahlia na lang kasi. Alam niyo naman na ayokong itawag niyo saakin yan." "Ate!" Rinig kong singit ni Jade sa kabilang linya. "Jade! Bunsoy" "Ate! Miss na miss na kita. Alam mo ba na gusto kang makita ng mga kaklase ko kasi pinakita kita tapos ang ganda mo daw." Wika niya habang tumatawa at halata sa boses ang galak. "Ikaw talagang bata ka." "Punta ka na din dito ate para sama sama na tayong tatlo ni mama." "Pupunta din ako jan bunsoy, pero hindi sa ngayon. May mga inaasikaso pa kasi si ate." Pag sisinungaling ko. "Pupunta ka din dito? Promise?" "Oo. Promise." "I miss you ate" "I miss you too bunsoy." "Anak, alam mo bang minsan umiiyak siya habang natutulog at binabanggit ang pangalan mo." Ani ni mama. Napangiti naman ako dahil dito. Inaamin ko na minsan naiiyak din ako dahil sa lungkot na nararamdaman ko. Sobrang hirap mag-isa at alam kong wala namang tao ang gustong mag-isa. "Kinukulit niya din ako at tanong ng tanong kung kailan ka pupunta dito. Hindi ko naman siya masagot." "Ok lang yun ma. Basta mag iingat kayo jan palagi. Sabihin niyo na lang kay Jade na may inaasikaso lang ako dito at importante iyon kaya hindi muna ako makakapunta jan." "Pasensya ka na talaga anak. Hindi ko naman kasi ginusto na ganito ang mangyari sa buhay niyong mga anak ko." "Sige anak tinatawag na ako ng amo ko. Mag iingat ka jan, I love you and I miss you." Hindi na ako nakasagot ng pinatay nila agad. "I need to earn more." Sambit ko sa kawalan. Konting tiis at tiyaga na lang. Pag nabayaran ko na ang utang ko kay Aleng Mina, makakalaya na rin ako at magagawa ko ng mag ipon para sa sarili ko. Si Aleng Mina ang isang taong may malaki akong utang at utang na loob. Nang mapaalis kasi ako sa apartment na tinitirahan ko noon dahil sa ilang buwan na akong hindi nakakapag bayad, ay sila ang tumulong saakin. Binigyan nila ako ng tatlong buwan upang makapag bayad sa dati kong tinitirahan at makapag ipon para sila naman na ang mabayaran ko. Hindi ito alam ni mama dahil ayoko ng ipaalam. Mabuti ng hindi sila masyadong mag aalala saakin. Nagpapadala si mama saakin pang bayad ng utang namin. Ngunit madalas na hindi sila makapag bigay dahil sunod-sunod ang gastos nila doon, naiintindihan ko naman ito. Pag natapos ang mga utang namin ay mag iipon ako at bibili ako ng bahay at lupa para doon na kami tumirang tatlo nila mama, at ako na ang mag hahanap sakanila papa. Alam kong baka puntod na lang ang makikita ko kung sakaling mahanap ko sila, pero ayos na din yun kaysa sa hindi ko sila makita. Nag-ayos na ako atsaka umalis na sa apartment na tinitirahan ko. Kung hindi sana kami sobrang nagipit no'n ay hindi mapipilitang umalis si mama para mag trabaho sa ibang bansa at iwanan akong mag-isa. Hindi din sana naibenta yung bahay na kinalakihan ko. Bukod sa sarili kong utang kay Aleng Mina, may utang rin kami nila mama kay miss Phatt Ting. Siya yung pinag bentahan ni mama ng bahay at lupa namin. Nagkautang kami sakaniya dahil siya na lang ang malalapitan namin noong naospital si Jade. Siya rin yung unang sumira ng tiwala ko. Noong binenta kasi ni mama sakaniya yung bahay, nakiusap si mama na kung pwede ay makitira muna ako doon at babayaran na lang nila siya. At sa tuwing nagpapadala saakin si mama, binabawasan niya ito. Noon kasi ay wala pa akong sariling bank account para doon na lang sana ipadala ni mama yung allowance ko. Hirap na hirap si mama sa pagtatrabaho sa ibang bansa at kasama pa nila yung nakababatang kapatid ko, tapos ganon ang gagawin niya. "Dahlia" tawag saakin ni Aleng Mina habang naglalakad ako palabas. "Napanood mo na ba yung balita?" Tanong nila. "Ahh.. hindi pa po. Ano po ba iyon?" "May katawan ng lalaki ang nakita malapit dito saatin. Tignan mo, baka kapatid o tatay mo na iyon." Anila na nagpakabog ng bahagya saaking puso. Alam nilang hinahanap ko sila kuya at papa, kaya kung may masagap silang balita na katulad ng ganito ay pinag bibigay alam nila saakin. "Sige po. Tignan ko na lang." "Sige. Mauna na ako." Paalam nila atsaka umalis. Ilang minuto lang ang naging biyahe ko papunta sa pinagtatrabahuan ko. I'm an accountant. And accountant doesn't have much salary especially when working in a small company. There are times that I'm grateful on my job... I'm grateful because I earn, rather. But being accountant is quite difficult in my case. I'm searching for my father and brother, apparently, I can't do it because of my tight and hectic schedules. There are so many deadlines here and there. Pagtawid ko sa kalsada ay nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo at pagkahilo ng maglakad ako. Medyo masama din ang pakiramdamam ko. "Hindi ako pwedeng mag kasakit. I have so many deadlines." Mahina kong sabi sa sarili ko. "Dahlia!" "Yes, ma'am?" Agad kong sagot pagpasok ko sa opisina. "Where's the soft copy of this?" Madiin nilang tanong. "Ano, ididikit ko ito sa screen ng laptop nila para masabing electronic file?" "Hindi po." Sagot ko habang nakayuko. "Ano pa ang hinihintay mo? Isend mo na agad saakin." Malakas nilang sambit. "Natanggap mo ba yung mail ko?" "H-hindi po." Sagot ko. Tinignan ko naman ang mails ko paggising ko kanina. Wala naman akong natanggap. "Nasaan na ba si Layla? Hindi ka ba niya- Miss Santiago!" Malakas nilang tawag kay Layla atsaka tumalikod saakin. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyan silang nakaalis kaya na ako dumiretso saaking lamesa. Ilang oras ang lumipas hanggang sa kami ay maari ng umalis. Napagisipan kong puntahan ang lugar kung saan nakita ng mga pulis ang bangkay ng lalaki. Marami ulit akong kailangan gawin, ngunit kaya ko naman itong matapos. Titignan ko sana ang orasan ko sa braso ng mahagip ng mata ko ang batang babae na tumatawid habang naka greenlight. Tumakbo ako papunta sakaniya ng makita ang paparating na truck at yinakap siya hanggang sa natumba kami pareho. Narinig ko din ang maingay na pagpreno ng truck. "Hindi mo kasi binabantayan 'yang anak mo! Abala kayo sa trabaho!" Sigaw ng driver ng truck saamin at pinaandar na ang sasakyan. Siraulo pala siya eh. Kakasuhan ko itong driver na'to. Tinignan ko yung plate number ng truck pero malabo ang paningin ko. Pumikit ako ng ilang beses pero nakalayo na siya kaya hindi ko na nakita. "Kainis!" Irita kong sambit. "Ayos ka lang?" Tanong ko sakaniya ng makaupo ako ng tuluyan. "Yeah" maikli niyang sagot na nagpasalubong ng kilay ko. Kahit nahihilo at masakit ang katawan ko ay pinilit kong tumayo tapos inalalayan ko din siyang tumayo. Kinuha ko naman ang aking mga gamit sa lapag na nahulog dahil sa paghiga namin. Mabuti na lang ay hindi ko nadala ang laptop ko. Kung nasaakin ito ngayon ay baka basag na ito. "Bakit bigla-bigla ka na lang ba tumatawid? Nasaan ba ang mga magulang mo?" Tumingin siya saakin ng may matamlay na mata. "I don't have. Thanks." Wika niya at yumuko saakin. Magsasalita pa sana ako nang tumakbo na siya paalis. Pinabayaan ko na siya atsaka na nagantay ng masasakyan. Ilang minuto lang ang lumipas nang makarating ako sa pupuntahan ko. "Dito lang po kayo kuya. May titignan lang po ako." "Sige. Basta may dagdag na." "Fifty pesos lang kuya." "Ang liit naman non." "Seventy." Wika ko. "Dagdagan mo pa." "Seventy five." "Two hundred na." "Ang laki naman po non." "Sige na, two hundred." "One twenty." Sambit ko. "One ninety." "One eighty." Sabi ko ulit. "One fifty." "Ahh. Sige." Bigla kong sagot dahilan ng pagsibangot nila. Pagdating ko sa mismong lugar ay mayroon pa rin itong harang. Bakas pa rin ang dugo ng biktimang dumaloy sa sahig. Base sa nakita kong video sa balita ay naka awang ang bibig ng biktima habang naka bukas ang mga mata na animo'y siya ay gulat nang malagutan siya ng hininga. Walang ano mang sugat na malalim ang natamo ng biktima sakaniyang katawan bukod sa mga galos na sabi ay nakuha niya sa pagtakbo. Ang dugo naman na umagos dito ay galing sakaniyang ulo. Alam kong hindi siya si kuya o papa, pero gusto ko pa ring puntahan ang lugar kung saan ito namatay. Naguumpisa na kasi akong mag duda dahil pang dalawang daan at siyamnaput lima na ang lalaking ito sa mga namamatay dito sa lugar. Katulad niya'y nakaawang at bukas ang bibig ng naunang iba. Karamihan sa mga biktima ay mga ayaw sa maraming tao. Mga halos wala o wala talagang kaibigan. Mga naglalaro lamang ng online games. Paalis na sana ako nang mahagip ng mata ko ang sa tingin ko'y pick ng gitara. Ang hugis nito'y parang tulo ng tubig na medyo malawak, at ito ay metal. . Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa apartment ko. Kinuha ko ang binili kong gamot kanina lang, ngunit hindi pa ito tuluyang dumadapo sa labi ko'y nabitiwan ko ito dahil sa malakas na pagkahiga ko sa sahig. "What's your problem!" Galit kong wika kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang nakabunggo saakin. "You're blocking my way." Sagot niya. Pinilit kong tumayo at sa pagtayo ko'y bumungad saakin ang lalaking hindi ganon katangkad na may itim na buhok, magandang mga labi at magagandang mata na nakakalusaw kung tumitig. "Sa susunod, huwag kang harang harang sa daan... Miss Dahlia Joy Fernandez." "Paano.. paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko agad kaya niya tinuro ang ID na nakasuot pa rin saakin. "Mauuna na ako." Paalam niya atsaka agad tumakbo na parang may hinahabol o siya ang hinahabol. Pagkarating ko saaking silid ay uminom agad ako ng tubig. Nagpunta na rin ako sa banyo upang maligo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko. Matatapos pa lang ako sa pagligo nang tumunog ang aking cellphone. Minadali ko na ang pagligo para hindi na ako bumalik atsaka agad sinagot ang tawag. "Hello? Miss Fernandez speaking." Wika ko agad. "Dahlia? Si Ian ito." "Oh? Anong problema? Naliligo ako, ano ba iyan." Reklamo ko atsaka hinanap ang aking tuwalya. "Kailangan mong magpunta dito. Ngayon na. Kahit huwag ka ng magbihis at bilisan mo." Seryoso niyang sabi kaya bahagya akong kinabahan. "A-anong nangyayari?" "Hindi mo ito maiintindihan kung sasabihin ko dito. Bilisan mo na at nandito na rin sila Eula." "Ano ba ang nangyayari? Sabihin mo muna kasi saakin-" naputol ang sasabihin ko dahil sa parang paggasgasan ng linya hanggang sa ito ay mamatay. Sinubukan kong tumawag ngunit nawalan ng signal. Hahawakan ko pa lang ang tuwalya ko nang biglang mabasag ang pader ng aking silid. "Ahhhhh!" Sigaw ko dahil sa aking kaharap. Isang napakalaking parang butiki na may kulay berde na balat. Ang haba rin ng kaniyang dila. "Come back here!" Malakas na sigaw ng isang lalaki kaya ako nataranta at hinanap ang lumipad kong tuwalya. Sa paghawak ko sana dito ay bigla itong kinuha ng lalaki atsaka ito tinapon dahilan ng pagtakip nito sa mata ng parang butiki. Ginamit niya ang parang baril na kaniyang hawak at tinamaan ang ulo ng nilalang. Ang kulay ng bala ng kaniyang baril ay kulay dilaw na may puti. Sunod sunod niya ulit itong binaril hanggang sa kumuha siya ng parang granada sakaniyang bulsa at itinapon sa bibig ng nilalang. Tatakbo pa lang ako palayo nang sumabog ito at ang parte ng katawan ng nilalang ay tumilapon. Ang kaniyang berde at masyadong malapot na dugo ay bumalot saaking hubad na katawan. "Owen. Nahuli na ba ako?" Tanong ng lalaking nabunggo ako kanina. Dahan dahan akong lumakad palayo upang makapag tago. "Where's Theo?" Tanong nung Owen. "I don't know." "Let's get out of here. Baka maraming madamay dito." Sabi ni Owen. May kung anong maliit na bagay -parang ballpen- na nilabas yung lalaking nabunggo ako kanina atsaka ito tinutok sa katawan ng nilalang. Para nitong inilawan ang bawat parteng nakakalat sa sahig. Lumutang naman ang mga ito at biglang naglaho na parang hinigop ng hawak niyang bagay. "Halina tayo." Sabi niya atsaka na sila tumakbo palayo. Ilang segundo akong nasa kinaroroonan ko nang mapalingon ako ng dahan dahan saaking likuran ng makarinig ako ng paghinga. Parang ang katawan ko'y bibigay dahil sa isang nilalang na nakatingin saakin. Kung kanina ay parang butiking malaki, ngayon naman ay parang gagamba na ang mga mata ay naka lagay sa parang antena niya. Ang kaniyang mahahabang paa ay malambot dahil nagagawa niyang gumapang na parang tubig. Sa hindi ko malaman at makontrol na bagay ay kusang humahakbang ang mga paa ko papunta sakaniya. Pinilit kong pigilan ang aking sarili ngunit hindi ko magawa. Kahit natatakot ako'y ang puso ko ay bumabagal sa pagtibok nang idikit niya ang mga paa niya saaking katawan. Ang paghinga ko rin ay pinipilit kong habulin. Tumunog ang aking cellphone dahilan ng pagalis ng kaniyang atensyon saakin. Kinuha ko naman iyon upang makalayo. Bago pa ito makalapit saakin ay sumabog na ito. "You witnessed this..." "Ahhhh!" Sigaw ko at hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin. "Shut up! Ang ingay mo." Galit na sabi saakin ng isang lalaking may madilim na awra atsaka sinipa ang tuwalya kong nasa lapag bago umalis pagkatapos niyang gawin ang ginawa ng lalaki kanina sa nakalaban nilang nilalang. Kinuha ko naman ang cellphone ko at agad na dumiretso saaking kwarto. "Hello? Ian. Where the hell are you?" Madiin at takot kong tanong habang nagmamadaling magbihis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook