“Pwede ba babae, manahimik ka! ang ingay ingay mo.”! Sigaw nito
“Ayaw mo pala ng maingay bakit kinidnap mo pa, ako?” wala ka naman mapapala sa akin dahil isa lamang akong dukha,” saad ko sa lalaking pinaglihi ata sa sama ng loob dahil kanina pa ito nakasimangot
Bigla na lang itong nagpreno, dahilan ng muntikan ko ng pagkauntog, buti nalang naka seatbelt ako.
“Hoy! Lalaki papatayin mo ba ako huh!?”
tumingin lang ito ng masama sa akin.
“Hindi mo ba kayang wag muna ng magsalita babae, nakakarindi ang bunganga mo para kang manok na inahin na hindi mapa itlog” saad ng lalaki,
“Paano ako tatahimik lalaking mukhang pinaglihi sa sama ng loob, kung hindi ko alam kung saan mo ako dadalhin! galit kong sambit dito,
“At tiyaka pwede ba tanggalin mo na, nga ang posas na ito” saad ko
Natuwa ako ng tanggalin ng lalaki ang posas sa kamay ko, ginalaw galaw ko pa ang aking kamay ng maalis ang posas, ngunit nanlumo ako ng ilagay ng lalaki ang dalawang kamay ko sa aking likod at muli nitong ibinalik ang posas, sa kamay ko.
“Hey! Ano ba alisin mo to mangangalay ako neto” hiyaw ko sa lalaki.
Ngunit ang lalaki nakangisi lang ito sa akin.
“Pag ako nakawala, mata mo lang ang wala latay animal kang lalaki ka!
Nakita ko ang lalaking may kinuha itong packaging tape,
“Hey! Anong gagawin mo dyan lalaki?” Tanong ko.
Ngumiti lang ito sa akin ng mapang-asar,i maya maya pumunit, siya mula sa packaging tape gamit ang kamay nito at sapilitan nitong inilalagay sa bibig ko, panay iling ko upang hindi nito malagyan ang aking bibig, ngunit ang lalaking pasaway ay hinawakan niya ang aking ulo para lamang mailagay nito ang packaging tape sa bibig ko,
Kita ko sa mukha nito ang saya ng tuluyan netong nailagay sa bibig ko ang packaging tape, panay ungol lang tuloy ang lumabas sa bibig ko.
“Siguro naman babae pakapagpahinga na ang tainga ko, sa bunganga mo”
anas nito bago niya pinaandar muli ang sasakyan, wala na akong nagawa kaya inirapan ko na lamang ang lalaki, habang nasa byahe hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.
Nagising akong wala ng posas sa aking kamay at wala na rin packaging tape,ang bibig ko napansin kong wala na ang lalaki sa tabi ko, nasaan na kaya ako? bulong ko tangkang bubuksan ko na sana ang sasakyan ng bigla itong bumukas.
“Miss lumabas na kayo mamaya na raw po kayo kakausapin ni master,” saad ng lalaking isa sa aking sinapak kanina.
“Mr, na mukhang pugo, pwede bang magtanong?” Saan niyo po ba ako dinala? Tanong ko rito.
“Nandito ka sa bahay ni master, miss kaya bumaba na po kayo riyan” saad nito
Mabilis naman akong bumaba ng sasakyan at namangha ako sa laki ng bahay, nasa harapan ko at may malawak na bakuran,
Wow! naman bahay pa ba ito? o isang palasyo na? Bulong ko na may pagkamangha.
“ Kuya na mukhang itlog ng pugo,baka pwede ko ng kausapin ngayon ang master nyo” saad ko.
“Carlo”
Narinig kong tawag ng lalaking pasaway
Agad naman lumapit si kuyang mukhang pugo rito,
“Master” saad nito sabay luhod sa harap ng lalaki.
siya pala ang master na tinatawag nila akala ko meron pang iba, bulong ko.
“Sabihin mo kay Evelyn, dalhin ang babaeng yan sa silid.
utos ng lalaking pasaway, na parang hari kung magsalita.
“Opo master” sagot naman ng lalaking kanyang tinawag na Carlo.
Maya maya may lumapit sa akin na isang babaeng maganda,
“Miss sumunod po kayo sa akin”
anas nito.
Ngunit hindi muna ako sumunod agad sa babae dahil pakiramdam ko parang may mga matang nakatingin sa akin, kaya hinanap ng aking mata kung sino ang nakatingin sa akin, nakita ko lang naman ang lalaking pasaway titig na titig ito sa akin na para bang gusto niya akong kainin ng buhay,kahit nakatingin na ako rito hindi pa rin nito iniiwas ang tingin nito sa akin, naiilang tuloy ako sa klase ng titig nito kaya ako na lang ang nag iwas ng tingin,
“Miss halika na, baka dito pa lang malapa ka na ni master, sa klase ng tingin niya sayo parang gusto kang lapain ng buhay, panunukso ng babae,
“Ihahatid na kita sa silid mo habang hindi ka pa kinakausap ni master, saad nito ng muli itong lumapit sa akin, kaya agad akong sumunod sa babae, at pumasok na kami sa loob ng bahay pagkapasok sa loob umakyat kami sa second floor.
“Miss dito ka muna sa silid na ito magpahinga ka muna, baka mamaya kakausapin ka ni master,
Magpapakilala na rin pala ako sayo, kanina pa tayo nag uusap hindi pa natin alam ang pangalan ng isat isa ako nga pa la si Evelyn Dee,
“ Pamela Cruz, saad ko at nakipag kamay narin ako sa babae,may gusto sana akong itanong sayo Evelyn, ano kaya ang kailangan ng Master mo sa akin,?” at bakit kailangan niya pa akong kidnapin” ,tanong ko rito.
“Pasensya kana ngunit wala akong alam kung bakit dinala ka dito ni master. Sagot ni Evenlyn,
“ Sige lalabas na ako”pa alam ng babae bago ito lumabas ng silid.
Iniikot ko ang paningin ko sa buong silid malaki ang silid na ito at napaganda mapapansin mong silid ito ng isang babae,
Dahil sa ayos nito. Napaganda rin ng bahay na ito nakakamangha ang mamahaling kagamitan, sa loob ng bahay para talaga itong bahay ng isang hari.
Nagulat ako! ng bigla na lang bukas ang puntuan at iniluwa doon ang lalaking aking dinukutan, at masama itong nakatingin sa akin ngunit hindi ako nagpatinag sa titig ng lalaki sa akin,
“Mag uusap na ba tayo,? baka gusto mo nang sabihin kung anong kailangan mo sa akin”! Para makauwi na ako,
Matapang kong tanong.
“Nasaan ang box,? na ninakaw mo sa akin babae! galit nitong tanong sa akin,
napaisip ako kung anong box ang sinsabi nito, ng bigla kung maalala ang tinutukoy nitong box, na ninakaw ko sa kanya,
“Wala na tinatapon ko na kasama ang susi hindi ko naman kasi pakikinabangan, kaya tinapon ko na lang”
sagot ko sa lalaki na lalo nitong ikinagalit sa akin, nakita kong nag igting ang panga nito at
mabilis itong humakbang palapit sa akin at bigla na lamang niya akong hinawakan sa aking panga ng madiin,
“Hindi mo alam ang sinasabi mo babae kung gaano kahalaga ang susi, na yon!” Hiyaw nito sa harap ko na lalong ikinadiin ng pagkakahawak nito sa aking panga