“Nako friend kanina pa kita hinahanap sa loob ng Mall akala ko nag banyo ka lang bakit ka nakarating dito”? Akala ko ba napapatae ka na, kaya ka nag tatakbo kang umalis.” Saad ko sa aking kaibingan na ikinasimangot nito.
“Mr, ako na lang po ang bahala sa kaibigan ko sasamahan ko lang syang mag banyo, kaya siguro ito natapilok nagmamadaling mag hanap ng C.R.
Gusto kong humagalpak ng tawa, dahil sa itsura ng dalawa dahil sa aking tinuran, sino ba naman kasing sira ulo ang lalabas pa ng Mall, para lang mag hanap ng cr sa labas, meron naman sa loob ng mall tumingin ako sa aking kaibigan, nakita ko itong nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa akin ngunit nginitian ko lamang ito ng mapang asar.
“Halika na friend baka kasi gusto mo ng mag banyo sasamahan kita,”
Saad ko rito na lalo niyang kinainis. Sabay inalalayan ko ito at naglakad na kami palayo sa lalaki.
(Carl P,O,V’s)
“Carlo,! tawag ko sa akin pinagkakatiwalaan tauhan, upang itanong rito kong nahanap na nila ang babaeng mandurukot,mabilis naman lumapit sa akin si carlo,
“Master, sagot nito sa akin sabay yuko sa harap ko.
“Nahanap nyo naba ang babaeng pinahahanap ko,? Tanong ko sa akin tauhan”
“Hindi pa po master.” Sagot nito habang nakayuko pa rin ito sa akin.
“Halughugin nyo ang buong maynila, upang mahanap ang babaeng yon,! Galit kong sigaw habang kuyom ang dalawa kong kamao.
“Opo master,
“Kailangan kong mabawi ang susing ninakaw na’ng mandrukot na yon! Carlo, kong mawawala sa kamay ko ang susi mawawala lahat ng aking pinaghirapan.” saad ko sa akin tauhan.
“Wag Kang mag alala master, gagawin ko ang lahat para mahanap ang babae, sogot ng akin tauhan.
“Sige umalis ka na mag sama ka ng makakasama mo halughugin nyo ang buong maynila dalhin nyo ang babaeng yon! Sa akin utos ko.
“Opo master,
Kailangan mahanap ang babae sa lalong madaling panahon, hindi pwedeng malaman ng aking mga kaaway nawawala ang susi sa aking kamay, hindi lang basta susi ang ninakaw ng babaeng yon, susi iyon upang hindi nila ako mapabagsag sa pagiging mafia boss ko”
At hindi nila dapat makuha ang kayamanan pinakakaiingat ingatan ko.
“Friend kumusta ang pagka tapilok mo ayos ka lang ba? at ang galing mo pa lang umarte Jackie, saad ko rito.
“Oo, ayos lang naman kaso bigla ka naman sumulpot hindi pa nga ako tapos,sa lalaki yon”
saad ng aking kaibigan habang nakasimangot pa rin ito,
“Wag ka ng malungkot may pagkakataon ka pa naman at isa pa teba teba ka ngayon makakabili ka ulit ng mga grocery,para sa mga bata at kay Lola Tasha.”
“Kung sabagay tama ka naman,”
“Siya nga pala Pamela, anong laman ng box na nakuha mula kay pogi kahapon?”
“Nako isang walang kwentang susi lang, excited pa naman ako kahapon makita ang laman ng box na yon, akala isang mamahaling sising na pwedeng kong ibenta, yon pala isang susi lang pala,pero itinago ko pa rin baka kasi pakinabangan ko pa.” sagot ko sa aking kaibingan
“Ano saan tayo ngayon friend.” tanong ko kay Jackie,
“Umuwi na lang muna tayo friend para makapag pahinga tayo,”
“Okay” sagot ko.
At muli kaming sumakay ng taxi pauwi ni Jackie,
“Habang sakay kami ng taxi nakaidlip ako sa balikat ng aking kaibigan”
ginising na lamang ako ni Jackie ng nakarating na kami ng Sta Garcia
“Friend gising na nandito na tayo,” mahinang tapik ni Jackie, sa aking pisngi
kaya agad kong iminulat ang aking mata.
“Agad na kaming bumaba ng taxi at mabilis narin kaming nag lakad baka kasi mapag tripan nanaman kami ng mga lasingero, sa kanto kaya ang lakad namin kanina naging takbo upang mabilis kaming makarating sa bahay ni Jackie, ng makarating kami ng bahay neto agad akong pumasok sa silid ng babae at dahan dahan akong nahinga sa papag, biglang pumasok sa aking isip ang aking magulang, kumusta na kaya sila Itay at Inay ayos lang kaya sila? Bulong ko bigla kong naalala ang cellphone ko na ilang buwan ng nakatago, agad ko itong kinuha sa damitan ko ang cellphone,at tinignan ko ito lowbat pala, tawagan ko kaya sila inay mamaya upang kumustahin ang kanilang lagay,? bumuntong hininga muna ako ng malalim bago nag isip muli kung, tatawagan ko ba sila o hindi na bahala na nga mamaya charge ko na lang muna ang cellphine ko,
“Pamela para sayo hati mo.”
sabay abot nito ng pera kinuha ko ito mula sa kamay nito at binilang ko kung magkano ito nasa sampung libo, ngunit isang libo lang ang kinuha ko at ang subra binalik ko kay Jackie para pandagdag nito sa pambili ng grocery na ipapamigay nito sa mga bata,
“Friend ang dami naman nito tama na sa akin ang isang libo at isa pa wala naman akong pag gagamitan niyan idadag mo nalang sa bibilhin mong grocery, ipapamigay mo.
“Sigurado kaba, hindi ko tatangihan niyan”
“Oo friend kaya kunin muna ito mas maraming mga batang nangangailangan, ng tulong mo”
“Okay sabi mo eh” sabay ngiti neto sa akin.
Kinabukasan habang naglalakad kami ni Jackie, patungo sa bayan upang sana mamili ng mga grocery, ng may makasalubong kaming dalawang Pulis, sabay naming itinungo ang aming ulo ni Jackie,upang hindi kami makilala ng dalawang pulis, ngunit biglang huminto ang dalawang pulis sa tapat namin,
“Miss sandali bigla kaming napahinto ni Jackie, sa pagtawag ng pulis sa amin, kilala niyo ang dalawang babaeng ito?sabay pakita ng isang pulis sa dalawang litrato, lumaki ang mata ko ng makilala ko ang sarili ko at ang mukha ni Jackie, ngunit hindi ako nagpahalata dahil iba ang aming itsura sa litrato, dahil ang litratong ito nong nagpanggap kami ni Jackie na isang gusgusin,
“Kilala nyo ba sila miss” tanong ulit ng pulis, sa amin.
“Nako sir hindi po sa ganda ng dalawang babaeng yan, hindi namin sila makikilala baliw kong sagot sa dalawang pulis na kinakunot ng kanilang noo.
“Sige ho sir mauuna na po kami at may pupuntahan, pa po kami ng kaibigan ko,”
Paalam ko sa dalawang pulis.