PRINSESA PRIYA Bukang-liwayway pa lamang ay gising na ako. Ganito talaga sa tribo lahat sa amin ay maagang bumabangon ang mga ka-tribo ko dahil sa kani-kanilang gawain para umpisahan ang panibagong araw. Mas magiging mahaba kasi ang araw kapag maaga pa lamang ay natatapos na lahat ng puwede nilang gawin. Hindi rin kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa lahat ng nangyari. Pagkabalik ko sa aking balay ay nag-aalalang mukha ni Dari ang bumungad sa akin. Hinanap pala ako ni Ama kagabi kaya niya nalaman na wala ako sa balay. Nagtaka din siya kung bakit wala ang mga bantay kaya nalaman niya ang totoo. Malakas talaga ang pang-amoy ni Ama. Lalo na pagdating sa akin. Para kasing alam na niya na gagawin ko yun dahil nga ayaw na ayaw kong makasal. Kahit paano ay nakaluwag-luwag na rin naman