Dumadagundong ang studio sa paglabas n'ya, ang ingay ng audience ay tumakkip sa tunog ng drums na nag-welcome sa kaniya.
Nakita n'ya ang mukha ni Mixi at malawak ang ngiti nitong nakatingin sa kaniya na naglalakad palapit dito. Hindi n'ya tinanggal and ngiti ngayon sa sangkatutak na camera ang nakatoon sa kaniya at napapanood s'ya sa buong bansa sa mga oras na ito. This is live and that is why she has to act like what everyone was looking.
Alam n'yang nagugulat ang mga tao ngayon dahil sa suot n'ya. Kahit na malawak rin ang ngiti ni Mixi ay bakas sa mga mata nito ang pagtataka at gulat kung bakit hindi s'ya nagpalit.
"OMG! AJ, welcome to the show," excited na saad nito saka hawak ang kamay n'yang inalalayan s'ya paupo sa mahabang sofa na narito katapat ng upuan ni Mixi na s'yang host ng show.
"Thank you for having me, Mixi, how are you?" malawak ang ngiting sambit n'ya at nang magsalita s'ya ay dumadugundong ulit ang boses ng audience.
Itong pagtanggap na ito ng mga tao ang pinaka-iniingatan ni mimi para sa kaniya. Kapag isang araw ito nawala, ang lahat nang pinaghirapan at trinabaho n'ya sa maraming taon ay parang biglang hindi nangyari.
"Still gorgeous, my love. Ikaw ang kamusta? Matagal-tagal na rin na nandito ka sa show ko dahil sa sobrang busy ng schedule mo. But thank you for visiting me here tonight. Inaabangan ka ng marami and they were excited to see you live, kamusta ka naman? Sa dami ng projects mo, for sure, nahihirapan ka nang makapag pahinga nang mahabang oras," nakangising sambit ni Mixi na sinagot n'ya ng paunang mahinang pagtawa.
"Well, I have to work hard, Mixi. Oo, marami akong projects this past few months and medyo nakakapagod naman talaga. Minsan, kulang na ang tulog ko, minsan, wala na talaga but you know, nakasanayan ko na lang and thinking that what I was doing makes my fans smile and happy, I don't think I have anything to mind about that," sagot n'ya at bigla na namang naghiyawan ang audience.
The host giggles while looking at her. "That's how hard working our beloved AJ is. Sa kabila nang marami mong projects na ginagawa, sa busy schedule mo, I wonder if you still have time for you know, some kilig moments," excited na sambit ni Mixi kaya napatingin s'ya sa audience nang maghiyawan ulit ang mga ito.
People are really like that, they were knowing the life of those who they idolized but sadly, they weren't there during her down times and that is why celebrity like her never shown their sadness in public, in live, and even in the photo.
They would always deny the fact about that for people won't believe them at all. Nananatili ang ngiti n'ya sa mga labi n'ya habang nakatingin sa audience na tila ba excited na excited na sagutin n'ya ang sinabi ni Mixi.
"Kahit kailan ay wala pa kaming nakilala na naging laman ng puso ng isang AJ, kaya panigurado ay magiging masaya ang lahat ng fans mo kapag nalaman nila na sa kabila ng mga nakakapagod mong schedule for taping and shoot, you still have time your heart," dagdga pa ng baklang host kaya napatawa na lamang s'ya ng mahina.
Sa maraming beses s'yang nagkaroon ng katambal sa mga ginagawa n'yang soap ay wala kahit isang na-link sa kaniya. Ginagawan man ng mga tao ng hindi makakatotohanan na balita, hindi naman nila mapatunayan kaya namamatay rin ang balitang iyon.
"Hindi talaga natin masasabi kailan mangyayari ang isang bagay Mixi dahil sa ngayon ay wala pa talaga akong love life," natatawa n'yang sambit kaya maging ang host ang at audience ay natawa na rin.
"Kung ang ganito kaganda at kasexy ay walang love life, paano na kaya ako," nakangiwing saad ni Mixi kaya napatawa ang lahat dahil sa sinabi nito na s'yang pinatulan rin ng audience.
Marami pang tanong ang itinanong ni Mixi sa kaniya na s'yang sinagot n'ya rin naman ng mga salitang alam n'yang hindi s'ya mapapahamak. Natapos ang live interview n'ya kay Mixi.
"Grabe trending ka sa lahat ng social media dahil sa suot mo, Ms. AJ."
Nilingon n'ya ang personal assistant na si Rina nang marinig n'ya ang sinabi nito. Nakatuon ang mga mata nito sa hawak-hawak nitong cellphone habang sinasabi iyon. Though, hindi naman na s'ya nagulat na nagtrending nga s'ya dahil sa suot n'ya. Lahat naman ng mga maliliit na bagay na ginagaw ng mga artista ay nagte-trending.
"Everyone was on your side, AJ. Pinupuri ng mga fans mo ang pagsuot mo ng simply. They called you simple with beauty inside and out but of course, bashers don't join the crowd pero huwag mo na silang isipin, hindi sila makakapag bigay sa iyo ng maraming blessing," gatong naman ng kaniyang manager.
Pareho n'yang hindi pinansin ang dalawa hanggang sa makarating ang van nila sa tapat ng bahay ni mimi. Wala s'yang taping ngayong gabi hanggang bukas ng tanghali.
"Sa condo mo po ba ikaw uuwi, Ms. AJ?" pagtatanong sa kaniya ni Rina kaya nilingon n'ya ang assistant at tinanguan.
"Yes," simpleng sagot n'ya at hindi na kinontra pa iyon ng kaniyang manager.
Hinatid s'ya ng driver na si Mang Tony sa condo n'ya at dahil nga gabi na ay hindi na traffic kaya mabilis lamang s'yang nakarating doon sa building. Paglabas n'ya sa elevator ay diretso s'yang naglalakad papalapit sa unit n'ya ngunit napatigil s'ya nang makita ang aninag ng ilaw sa bahagyang nakabukas na pinto sa unit na nasa tapat n'ya.
Lumunok s'ya bago sa halip na sa unit n'ya s'ya papasok ay tinungo n'ya ang nakabukas na pinto. Nang makapasok ay nakita n'ya ang nakahandang mga pagkain sa mesa na nasa sala at may dalawang baso ng wine na nakahanda rin. Naglakad s'ya papalapit dito at mula sa puwesto n'ya ay nakita n'ya ang naka-apron na lalake habang busy sa pag-grill ng kung anong karne.
"Hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka dito ngayon," aniya kaya napalingon sa kaniya ang lalake at ngumiti ng malapad.
"Surprised, na-surpresa ka ba? Na-miss kita ng husto, AJ."
Hindi na s'ya nakapagsalita pa nang hapitin nito ang likuran n'ya at idikit ang katawan n'ya sa katawan nito at walang pasabing sinakop ang mga labi n'ya gamit ang mga labi nito.