Hindi malaman ni AJ kung anong klaseng mukha ang pinapakita sa kaniya ng kaniyang manager nang makita s'ya nito. Lahat sila ay hinihintay s'ya sa tapat ng bahay nitp upang mkaita nitp kung ano ang kaniyang suot at kung bakit niya sinabi na hindi na s'ya magbibihis pa. Nanlaki ang mga mata ng mga ito nang makita na naka isang puting t-shirt, loss na pantalon, bun her hear, light make-up — well, just a powder and lipstick only, and a sandals.
She never had this wardrobe wore in any of her interviews and this will be the first time that she's going to do it.
"AJ bebe please, magbihis ka na. Pinadala ko pa rin sa team ang damit na dapat ay suotin mo," saad ng kaniyang manager na s'yang kaibigan n'ya rin sa tunog nakiki-usap nito.
Binigyan n'ya na lamang ng isang ngiti ang manager n'ya saka tinapik ang balikat nito.
"Mimi, hayaan n'yo na po, ang ganda po kaya ni Ms. AJ na simply lang ang suot n'ya. Lumutang po ng husto ang ganda n'ya. Grabe 'no, kahit na powder at lipstick lang ang nasa mukha n'ya, sobrang ganda n'ya pa rin." Kinikilig na sambit ni Rina at narinig n'ya iyon.
Napangiti na lamang s'ya at hindi na nagkomento pa roon. Alam n'ya na kinakabahan ang manager n'ya para sa kaniya dahil wala pang gumagawa nito, malapit na sila sa studio kaya hinahanda n'ya na ang sarili dahil kahit naman maraming taon na n'yang sinasalubong ang mga flashes ng camera, pakiramdam n'ya ay hindi pa rin s'ya sanay.
"AJ huwag mong kalimutan ang pagsagot ng safety. Alam ko na kaya mo nang laruin ang interview kahit na live iyon, gusto ko lang matandaan mo na puwedeng gamitin ng mga basher mo ang mga salita mo laban sa iyo," seryosong saad ng manager n'ya bilang paalala sa kaniya, kagaya nang palagi n'yang naririnig sa bawat sumasabak s'ya sa kahit na anong interview.
Hindi nagkukulang ang manager s'ya sa pagpapa-alala nito sa kaniya na para bang baguhan s'ya. Pero kagaya nga rin ng sabi nito, alam n'ya kung paano laruin ang lahat ng ito. Kaya n'ya na ang sarili n'ya sa mga ganitong bagy. Hindi na ito nakakapagpakaba sa kaniya.
Naramdaman n'ya ang paghinto ng van kaya napatingin s'ya sa labas ng tinted na bintana ng van na ito at nakita n'ya ngang nasa basement na sila ng network building. Maraming van at sasakyan ang narito, dahil kagaya n'ya, dito rin dumidiretso ang mga artista ng network na ito upang iwasan ang crowd na naghihintay sa labas.
Dire-diretso ang lakad nila papasok sa loob ng building hanggang sa makarating sila sa studio ng talk-show na bibidahan n'ya ngayong gabi.
"Ms. AJ, brief po muna saglit," agad na salubong sa kaniya ng isang staff na halatang naghihintay talaga sa kaniya dahil sa paglawak ng ngiti nito nang makita s'ya.
Tinanguan n'ya ito at sinundan sa bandang hindi masyadong busy ang mga tao sa technical. Tumatango habang nakikinig s'ya sa bawat sinasabi ng staff na gagawin n'ya.
"I will do that," sagot n'ya nang matapos ito sa pagtuturo sa kaniya.
Isang malawak na ngiti ulit ang binigay nito sa kaniya bago ito yumuko at iniwan s'ya. Isang oras pa bago magsisimula ang show kaya busy ang mga staff dito sa backstage. Ang manager n'ya ay kausap ang director habang s'ya ay naka-upo lamang sa tabi, hindi alam kung ano ang iisipin.
Noong nagsisimula pa lamang s'ya, pakiramdam n'ya ang lahat nang mangyayari ay napaka-excited samantalang ngayon, parang hindi n'ya na nararamdaman ang lahat ng ganoong feelings.
"Ms. AJ, puwede na po kayong magbihis." Napatingala s'ya nang marinig ang isang boses na iyon sa harapan n'ya.
Nakatingin sa kaniya ang nakangiting staff kaya ngitian n'ya rin ito pabalik.
"This is what I'm wearing," sagot n'ya at halos hindi makapaniwala ang babae sa narinig n'ya. Nanlaki muna ang mga mata nito at nang makabawi ay napangiwi at napangisi na para bang nahihiya.
"Ms. AJ, handa na po ba kayo?" Pagsingit ng kaniyang assistant kaya bumaling dito ang kaniyang attention.
Tumango s'ya at tumayo upang lapitan ang manager n'ya na kumakaway sa kaniya. Napatingin s'ya sa malaking wall clock na nakasabit sa dingding. Napakabilis ng oras, 5 minutes na lang ay magsisimula na ang show, pakiramdam n'ya ay kakarating n'ya lang dito. Pero ayos na rin para matapos na agad.
"AJ, the always stunning and gorgeous, AJ," nakangising sambit ng host nang makita s'ya nito habang nakatayo sa tabi ng kaniyang manager.
"How are you, Mixi?" nakangiting tanong n'ya rin naman dito.
"I'm great! Salamat sa pinadala mong regalo noong isang araw, ang sarap ng wine na iyon ha!" masayang sambit nito kaya maging s'ya ay napatawa na rin.
"Well, belated Happy Birthday, pina-order ko pa iyon abroad para lang sa birthday mo," sagot n'ya ito kaya halos matumba s'ya nang hilahin s'ya nito at ikulong sa mga bisig nito.
"Kaya favorite kita eh, kasi love mo 'ko," maarteng sambit ng bakla kaya hinampas n'ya ang likuran nito dahil para na s'yang madudurog sa higpit nang yakap ng isang ito. "Opps, queue na, I have to go na, I will give you the powerful entrance."
Natatawa na lamang s'ya habang sinusundan ng tingin ang kumikembot na baklang iyon. Si Mixi, isa lamang sa mga naging close n'ya sa industriya pero kahit na ganoon, alam n'ya na sa sarili n'ya na hindi n'ya tinatanggap ang mga ito ng buo sa buhay n'ya. Kaya hindi n'ya masasabi kung talaga nga bang may kaibigan s'ya dahil iyon ang iniiwasan n'ya. Iniiwasan n'yang traydorin s'ya pero hindi na rin naman na masama ang magkaroon ng close people in the industry.
Minsan, kailangan n'ya rin naman ng mga ganoong tao, upang manatili. Mula sa backstage, ay naririnig n'ya ang boses ni Mixi na nagsisimula na sa opening ng show.
"Good evening, friends! Tonight, we will be having here the one of the darlings of my life. Napanood natin s'ya sa marmaing pelikula, nakikita sa maraming billboards at napanood sa maraming runway fashion shows. Ang inaabangan ng maraming tao, ang mahal ng bayan, at ang mukha na kahit kailan ay hindi makakalimutan, please welcome, my love, AJ!"