Chapter 49

2086 Words

Halos hindi ako makahinga sa mga nalaman ko at hindi rin ito pumapasok sa isip ko dahil sa sobrang pagod. Kinuha ko ang bote ng wine tapos ay nagsalin sa baso ko hanggang sa mapuno ito at nilagok agad. “Eva, ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Rosemarie habang nilalagok ko ang wine. Nang maubos ito ay agad akong umiling. “Hindi ako makapag-isip ng maayos ngayon dahil sa pagod. Gusto ko na muna magpahinga, Rose. Okay lang ba sayo?” tanong ko sa kanya at agad kong inayos ang gown para alisin sa dadaanan ko ito. Inalalayan naman ako ni Rose dahil sa bigla kong pagkahilo gawa ng madaming wine na ininom ko. “Tulungan na kita,” sabi niya sa akin pero agad kong hinawi ang kanyang kamay at nagpatuloy na ako sa paglalakad papalayo sa kanya. “Doon ka na muna sa master bedroom matulog, Eva,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD