TL Chapter 2 : Weakness to Strength

3169 Words
Zion Royce Buenavista POV Paglabas ng aking kwarto ay naaamoy ko na ang mabangong amoy ng nilulutong almusal ni Mommy. ‘Nabuhayan ng dugo ang aking buong katawan.’ Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo pababa ng hagdanan. Nakasabay ko pa si Kuya Zach sa hallway na kalalabas lang ng kaniyang kwarto. “Paunahan bumaba?” hamon niya. Nginisihan niya ako at nang makalapit sa kaniya ay tinulak niya ako palayo. “Kung babagal-bagal ka ay mauubusan ka ng almusal!” Pang-aasar niya. “Ang daya mo talaga!” reklamo ko habang hinabol siya. Nang magpang-abot kami ay bigla naman niya akong hinatak. Inakbayan niya ako sa balikat at hindi pinakawalan. Sinamaan ko siya ng tingin, “Alam mo kasing matatalo ka!” Sambit ko. Ginulo niya ang aking buhok. “Porket pinagbibigyan ka ay nasasanay ka naman!” tugon niya. Nagtawanan kaming pareho nang magkatitigan kaming dalawa. “Umupo na kayong dalawa!” Narinig namin ang tining ni Mommy. Kakalabas niya lang ng kusina at dala-dala ang fresh bake niyang mga tinapay at cookies. Tinanggal ko ang kamay ni Kuya sa aking balikat at mabilis na kumaripas ng takbo papunta kay Mommy. Kinuha ko kaagad ang isang pirasong tinapay at kinagatan iyon. “Wala na talagang tatalo sa pagbe-bake mo ng mga tinapay, Mommy. Ang sarap!” “Nang bola ka na naman, Zion!” saad ni Kuya Zach na ngayon ay katabi ko na. “Alam mo ba Mommy ang daming mga girls na nagtatanong tungkol kay Zion. Paano ba naman kasi lahat ng girls nginingitian, binabati at pinupuri. Akala tuloy nila ay may gusto sa kanila si Zion.” Ngumiti lang si Mommy at naglakad papunta sa hapag kainan, “Ang bata-bata pa ng kapatid mo para tuksuhin ng mga ganiyan. Maupo na nga kayong dalawa para makapag simula na tayong kumain. Pababa na rin ang Daddy at Ate niyo kaya pumwesto na kayo.” ‘Hands-on si Mommy pagdating sa aming magkakapatid. Bukod sa pagluluto ng almusal ay siya na rin ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan namin bago pumasok sa eskwelahan. Napaka ulirang-ina niya kaya kaming magkakapatid ay mahal na mahal siya. Never nagkulang sa amin at sobra-sobra pa nga ang binibigay niyang best at effort para sa aming pamilya.’ “Good morning, Ate Zane!” bati ko sa kaniya makaupo sa katapat kong upuan. “Sume-sexy ka na, Ate!” ‘Tatlo kaming magkakapatid. Ang panganay ay si Kuya Zach. Gwapo, makisig at matangkad siya. Hilig niya ang sport kaya ang dami ring nagkakandarapa na babae sa kaniya. Ang pangalawa naman ay si Ate Zane. Chubby ang kaniyang katawan. Pero marami ring nagagandahan sa kaniya dahil sa baby face niyang mukha. Ako naman ang bunso. Matangkad pero payat naman ang aking katawan. Balak ko ngang tularan si Kuya Zach na magsasali sa sport para gumanda rin ang aking katawan.’ Malaki ang ngiti ni Ate nang sabihin ko iyon. “Kaya umaga pa lang ay good mood na ako dahil sa iyo, ‘e!” ngisi niyang sagot. “Good morning, Baby Zion!” tugon niyang bati muli. “Baby?” tanong ni Kuya Zach. “Mag ha-highschool na ito pero tinatawag mo pa ring baby?” natatawang kantyaw sa akin. Isang malaking boses ang narining namin, “Ang aga-aga mo na naman inaasar ang kapatid mo, Zach!” Si Daddy ang nagsalita. Kasalukuyan niyang inaayos ang kaniyang necktie. Hindi naman nagdalawang-isip na tumayo si Mommy. Sinalubong niya si Daddy at inayos ang necktie. “Goodmorning, Sweetheart!” Bati ni Daddy sa kaniya. Hinalikan din niya si Mommy sa may pisngi. “Good morning, Sweetheart!” malambing na tugon ni Mommy. “Maupo ka na at kumain na tayo.” ‘Sa tuwing tinitingnan ko si Mommy at Daddy ay parang naiilang ako. Hanggang ngayon kasi na may edad na sila ay hindi nawawala ang kanilang sweetness sa katawan. Minsan ang awkward pero kapag nakikita ko si Mommy na masaya ay napapa-kibit balikat na lang ako. Minsan nai-inspire na rin.’ “Kamusta naman sa school niyo?” tanong ni Daddy sa amin. Sinimulan na ni Mommy na lagyan kami ng pagkain sa aming mga plato. She never fail to do that, maliban na lang kapag may sakit siya. Si Daddy naman ay hindi nakakalimutan na tanungin kami tungkol sa araw-araw na ginagawa namin. ‘Usually ay sa ganitong oras nagkakasama lahat. Breakfast and dinner ay talagang kumpleto kami sa hapag kainan.’ “Nothing new, Daddy.” Naunang nagsalita si Kuya Zach. “Daddy, pwede ba akong magpunta sa company? Gusto ko po sana magkaroon ng idea para sa kukunin kong course sa college. Makakatulong po iyon para ma-enhance at maging malawak ang nalalaman ko. Para naman po after graduation ay matulungan ko kayo.” “It’s too early, Zach. You’re in your fourth year, right?! But I like your idea. You can go to our company when you have free time. And thank you for thinking about us. Siguradong magre-retire ako ng maaga nito kapag lahat kayo ay nagtatrabaho na sa kumpanya. Mas magkakaroon na ako ng time sa Mommy niyo.” “Thank you for your approval, Daddy.” sagot ni Kuya. “Hindi po ako magpapasaway and I will do my best.” “You're welcome!” masayang sagot ni Daddy. Tumingin naman si Daddy kay Ate Zane. “How about you, Zane?” tanong niya. “Nabalitaan ko na nagkaroon ng g**o sa section niyo last week. What happened?” “You can’t believe it, Daddy. Lalaki lang ang dahilan ng pinag-aawayan nila.” paliwanag niya. “Binigyan na sila ng warning ng Principal. Kapag naulit iyon ay mas malala ang possible na mangyari sa kanila.” “Kaya ikaw Zane, umiwas-iwas ka sa grupo na mga ganoon.” sabat ni Kuya. “You don’t have to remind your sister dahil responsible naman siya,” saad ni Mommy. “Kilala niyo naman ang mga friends ko, ‘di ba? Puro aral lang naman ang ginagawa namin.” “Zane, you should enjoy studying. Hindi rin maganda na puro aral lang ang gawin mo. Bakit hindi ka minsan sumama sa mga friends mo na lumabas? Mag shopping kayo. You can do anything and everything you like as long as you know your limitations.” sabat naman ni Daddy. “Yes, Daddy! Don’t worry nag e-enjoy naman po ako.” “How about you, young boy?” tanong ni Daddy at nakatuon ang atensyon sa akin. “Aray!” matining kong sambit. Nilingon ko ang lalaking pumikot sa aking tenga, “Masakit iyon, ha! Akala mo laging nakikipag biruan sa iyon, e!” galit kong sabi. “Kulelat ka na naman kase sa klase mo!” saad ni Kuya. “Paano ka kaya ipinasa ng mga teachers mo?” tanong niya. Panay ang ngisi niya. “Zach, that’s enough!” warning ni Daddy. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin, “E ano naman kung pasang awa lang ang makukuha kong grades? Ang mahalaga nakapasa at aakyat sa stage para grumaduate.” Dinuro niya ako sa noo, “Hindi laro ang pag-aaral, Zion. Binabayaran nila Mommy at Daddy ang tuition fee natin. Hindi mo ba naiisip kung gaano sila naghihirap para pag-aralin tayo?” tanong niya. “Baka nga nahihiya lang ang mga teachers mo na ibagsak ka dahil may share ang pamilya natin sa school.” Katwiran niya. Inakbayan niya ako, “Mag-aral ka ng mabuti dahil balang-araw ay tayo-tayong magkakapatid lang ang magpapatuloy sa sinimulan ng ating pamilya.” Narinig namin huminga ng malalim si Daddy kaya napatigil kami sa pagbabangayan ni Kuya Zach. “Nasa harapan tayo ng pagkain.” Malamig ang tono ng kaniyang boses. “Zach, bata pa naman ang kapatid mo. He can improve his study. We can’t tell! Baka sa high school maging maayos na ang grades niya.” Kumain siya ng isang subo bago magsalita muli. “Zion, don’t mind your brother. As long as you do your best, walang magiging problema.” “Thank you for understanding, Daddy,” seryosong sagot ko. Inirapan ko si Kuya pakaliwa at tumingin muli kay Daddy, “My point naman po Kuya. Ginagawa ko naman ang lahat kaya lang ay hindi ko pa rin mapantayan ang achievements nila. Pero susubukan kong maging katulad ni Ate at Kuya. Iyong palaging kasali sa top at honor.” mahina kong sambit.” Hinimas ni kuya ang aking ulo, “Sorry! I didn’t mean to compare you to us.” Nakangiti siya habang kino-comfort ako. “Bawi ka sa high school, ha?! Matutuwa kaming lahat, lalo na si Mommy at Daddy kung mayroon ka rin achievements katulad namin ni Zane.” “Susubukan kong gawin ang best ko,” saad ko. Kinabukasan na ang graduation namin sa school. Pinipilit kong matulog ng maaga pero gising pa rin ang diwa ko. Natulala ako at napatingin sa kisame. Nagulat pa ako ng marinig ang katok sa pinto. “Pasok,” saad ko. Pagpasok ay si Mommy at Daddy iyon. ‘Hindi namin sila nakasabay kumain dahil may importanteng event silang pinuntahan.’ Halatang kauuwi lang nila dahil nakapustura at suot pa ang magagarbong damit nila. “Mommy, Daddy.” Tawag ko sabay tayo sa aking kinahihigaan. Hinimas ni Mommy ang aking ulo, “Bukas na ang graduation mo, anak!” Napayuko ako. Bigla naman may inabot sa akin si Daddy na malaking box, “This is our gift for you. I’m sure magagamit mo ito sa next school year.” Kinuha ko ang box at tiningnan si Daddy, “Hindi naman po ako kasali sa top or honor‘Simula ngayon ay mag-aaral na talaga ako ng mabuti,’ sabi ko sa aking sarili. After ng graduation ay nagkaroon kami ng time ni Kuya Zach sa isa’t-isa. Kasa-kasama niya ako sa tuwing naglalaro siya ng basketball kasama ang kaniyang mga kaibigan. “Practice lang ng practice at gagaling ka rin,” cheer sa akin ni Kuya. Pawis na pawis at pagod na pagod ako pero hindi ako sumuko dahil gusto kong maging magaling katulad niya. ‘He’s my idol!’ At hindi naman ako nabigo dahil sa ilang linggo na pagpa-practice namin ay naging malaki na ang improvement ko sa paglalaro. Kinakabahan ako habang kasama si Kuya Zach sa isang clinic. Alam kong darating ang panahon na kailangan kong gawin ang bagay na ito dahil parte ito ng pagiging isang binatilyo. “Relax ka lang!” saad ni Kuya. “Hindi naman masakit iyon dahil may anistisya.” Sinimangutan ko siya, “Noong tinuli ka ay kabaliktaran sa sinasabi mo ngayon. Sa sobrang takot mo nga ay hindi pa tumalab ang anistisya sa iyo!” panloloko ko. Tinakpan kaagad ni Kuya ang aking bibig. “‘Wag ka ngang maingay! Mamaya ay maniwala ang makakarinig sa iyo.” Kahit nakatakip ang bibig ay sinabi ko pa rin, “Totoo naman, ha!” Hinatak ako ni Kuya papasok sa kwarto ng tawagin ang aking pangalan. Para akong nawalan ng dugo ng paghubarin na ako ng short at brief ng doctor. “Hingang malalim,” saad ng doctor. Napapikit ako ng maramdaman ang pagtusok ng karayom. Pinigilan ko ang aking hininga at muntik ng malagutan dahil nakalimutan kong huminga. At bigla na lang nahimatay. Nang magising ako ay naroon si Kuya. Nang magtama ang aming mga mata ay hindi na niya napigilang tumawa. “I didn’t expect na hihimatayin ka talaga!” pang-aasar niya. “Sorry, hindi ko lang talaga mapigilan tumawa.” Sambit niya. Kinuha niya ang cellphone at ipinakita sa akin ang video. “I sneak in your room at kinuhanan kita ng video. I’m sure matatawa rin sila Mommy at Daddy kapag napanood ito.” Dahil sa inis ay nasuntok ko siya, “‘Wag mong gagawin iyan dahil lagot ka talaga sa akin,” banta ko. “Porket tuli ka na ay matapang ka na?” tanong niya. “Huwag kang loloko-loko dahil hindi pa magaling iyan. Baka gusto mo masaktan!” banta niya pero may halong tawa. “Subukan mo lang! Kapag gumalang na ito, gagantihan kita!” Pinatulan ko na ang pang-aasar niya dahil naiinis ako sa kaniyang ginawa. ‘Siguradong pagtatawanan ako ng taong makakapanood n’on.’ Niyaya kami nina Mommy at Daddy na kumain sa labas dahil anniversary nila ngayon. ‘Gusto sana ni Mommy na sa bahay na lang maghanda ngunit hindi pumayag si Daddy dahil alam niyang mapapagod si Mommy.’ Pagpasok pa lang sa restaurant ay in-assist na kami ng waiter na sumalubong sa amin. Nakangiti ito at maaliwalas ang mukha na humarap sa amin. “Good evening, Sir! Here’s the menu.” Isa-isa kaming binigyan ng menu ng waiter. Agaw pansin naman ang babaeng lumapit sa amin. Nakasuot ito ng mini skirt at revealing na sleeveless. ‘Ang hot!’ saad ko sa aking isip. “Hi, Zane!” bati niya kay Ate. Pilit naman na ngumiti si Ate Zane at binati pabalik ang babae. “Hello, Airene!” kaswal na bati ni Ate. “What a small world,” dugtong niya. “By the way Mommy and Daddy, she’s my classmate.” “Good evening po.” bati ni Airene. Tumingin siya kay Kuya Zach. “Hi, Zach!” Halatang nagpapa-cute naman siya sa aking kapatid. Huminga lang si Kuya ng malalim at pilit na ngumiti. Hindi na rin nag-aksaya ng laway para sagutin ang babae. “Hija, come and join us!” yaya naman ni Mommy. Umiling ang babae, “Thank you po, but I can’t. Nasa kabilang table lang din po kami. Lumapit lang po ako dito sa table niyo para batiin si Zane. Sige po! Babalik na ako sa table.” paalam niya. “Mukhang may tama sa iyo ang babaeng iyon, Kuya!” pang-aasar ko. “Akala mo lang iyon.” Sagot ni Kuya sa akin at nilamas ang aking mukha. “Umorder ka na nga lang diyan!” Nakita kong nakatingin si Ate Zane kay Kuya Zach. “Let’s order na!” sambit ni Daddy. Napalingon ako sa table kung saan nakaupo si Airene. Malakas ang boses niya kapag nagsasalita at tumatawa kaya halatang nagpapansin siya. Binawi ko ang tingin ko nang makita niya nakatingin ako sa kanilang lamesa. Muli akong lumingon. Hindi naman mawaglit sa aking mata ang babaeng nakatalikod. Kung si Airene ay masyadong revealing ang suot, kabaliktaran naman ng babaeng iyon. Lampas tuhod ang suot niyang damit. Mas mahinhin rin itong kumilos base sa galaw ng kaniyang braso. “Zion!” bulalas ni Kuya. “Kanina pa tinatanong ng waiter kung ano ang order mo. Kung saan-saan ka nakatingin,” saad ni Kuya. Lumingon si Kuya sa kabilang table at nakita ko naman na ngumiti si Airene sa kaniya. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang babaeng nakatalikod na iyon. Dahil hindi mapakali ay bumangon ako at pinuntahan si Ate Zane sa kaniyang kwarto. Ilang beses akong kumatok bago buksan ang pinto. Nadatnan ko na naroon din si Kuya Zach. “Anong mayroon? Alam kong may tinatago kayong dalawa!” sabi ko. Umupo ako sa pagitan nilang dalawa. “Iyan kasi si Kuya Zach! Ang dami naman kasing babae ay si Airene pa ang napiling ligawan. Nakakainis ka talaga!” Ngumisi si Kuya, “Hindi ko siya nililigawan, okay? Mis-information iyang nalalaman mo. Siya itong ayaw akong tigilan. Nakita mo naman kung paano siya magpapansin sa restaurant. She’s not the kind a girl I like.” Tumingin siya sa akin. “Kaya ikaw, pipiliin mo ang babaeng gugustuhin at seseryosohin mo. Iyong mga katulad ni Airene? Hindi ganoong klase ng babae ang dapat mong magustuhan.” “Weh? Kaya pala kanina ay kinukutuban na ako.” Sabi ko sa kaniya. “Ayoko lang malaman nila Mommy at Daddy ang tungkol sa akin at kay Airene. Baka kung ano pa ang isipin nila. ‘E wala naman kasi talagang namamagitan sa amin. Itong si Zane lang ang madumi ang utak at ayaw maniwala sa akin.” “Nahuli nga kayong naghahalikan sa locker room? Tigilan mo na iyan. Kun’di isusumbong talaga kita kay Mommy at Daddy.” Huminga ng malalim si Kuya Zach, “Siya ang humalik sa akin without my consent. Mismong sa harap ng mga kaibigan niyo.” “Madali akong kausap, kaya sana totoo iyang sinasabi mo! Problema lang ang dala ng babaeng iyon.” Natuon naman ang mata ni Ate Zane sa akin, “E ikaw ano ang ginagawa mo rito? Bakit dalawa pa kayong nangungulit sa akin?” tanong niya sa akin. “Nahuli kita kanina, Zion! Don’t tell me you’re attracted to Airene?” asar ni Kuya. Umiling ako, “Nope! Actually gusto ko sanang tanungin kay Ate kung kapatid ba ni Airene iyon kasama nilang babae na ka-edad ko.” “Likod ka pa lang, na-curious ka na?!” sagot ni Kuya. Tumawa pa ito dahil sa aking sinabi. Inismidan ako ni Ate Zane, “Yes, kapatid niya iyon. But I don’t know her name. Well, base sa mga kwento ni Airene sa mga classmate namin. Isang huwaran na kapatid nga iyon kasi mabait at masunurin sa magulang. Siya rin ang nag-aalaga sa dalawang kapatid pa nilang lalaki kasi nga walang tiyaga si Airene. Kaya nga malaki ang inggit ni Airene sa kapatid niya kasi nga kabaliktaran ng ugali niya.” Bumuntong hininga siya, “I can’t say na totoo ang mga naririnig ko dahil side lang naman ni Airene ang alam namin.” Natahimik naman kami ni Kuya Zach. “Ngayon nakuha niyo na ang mga kailangan niyo sa akin ay umalis na kayo! I need to finish this episode. Ngayong bakasyon na nga lang ako nakakapag K-drama! Chupee!” Nagkatinginan lang kami ni kuya at nagkibit balikat. Sabay kaming lumabas sa kwarto ni Ate Zane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD